Hendrix Kyro William (King) Hindi ko maintindihan ang aking sarili, tinatamad akong mag punta sa school dahil sa mga sinabi ni Dad kagabi. Kasalukuyan akong nakahiga ngayon sa aking higaan ngunit kanina pa ako nakaligo at nakapag bihis. Sadyang nakaramdam lang ako ng katamaran. Biglang nag tumunog ang aking cell phone kaya agad ko itong tiningnan, nakita ko ang pangalan ni Vanessa. Para namang nabuhayan ang puso ko nang makita ang pangalan nito na tumatawag, parang kanina lang ay nananaginip pa ako na maagap ako nitong tinawagan sa face time, tapos ngayon heto nag at tumatawag na siya sa akin. Sinagot ko agad ito at inilagay sa aking tenga ang aking cell phone upang mas marinig ko ang kanyang sasabihin. “Hello? Vanessa? Miss mo na ba ako kaya ka tumawag?” masayang bungad ko sa kanya

