Peitho Kasalukuyan kami ngayong nasa iisang sasakyan at sakay na pauwi sa bahay. Hindi na namin tinapos ang school hours dahil may mahalaga daw sasabihin si Queen. At dahil mukang mahalaga talaga ito ay sumama na lang din kami sa kanya pauwi. “Tungkol saan nga pala ang pag uusapan, Queen?” tanong ko kay Queen habang nakatingin sa kanya. “Mamaya na sa bahay,” sabi naman ni Aikka. Sinamaan ko ito ng tingin dahil sa pag epal nito, ibinalik kong muli ang tingin kay Queen ngunit abala ito sa pag tipa sa laptop ni Axel na nasa kanyang lap habang si Axel naman ay nag mamaneho ng sasakyan. Mukang walang balak mag salita si Queen kaya muli kong tiningnan si Aikka ng masama ngunit dinilaan lang ako nito. Napairap na lang ako at hindi na nag salita pa. Ilang sandali pa ay nakita ko ng mal

