CHAPTER 36

2243 Words
Vanessaa Lavender Smith (Queen) Pag pasok na pag pasok ko sa aking silid ay agad akong nag tungo sa aking banyo, mabilis kong hinubad ang aking saplot bago ako pumasok sa shower area. Mabilis kong tinapos ang aking pag ligo at nag punas ng aking katawan. Agad akong lumabasb ng shower room at lumabsa ng bath room. Dumeretso ako s walk in closet at kumuha lang ng basta kahit anong masusuot. Hindi na ako nag bihis ng sobrang gara, tama na ako sa aking jogger pants na may pag kabaggy at isang over sixed shirt. Mas gusto ko pang mag suot ng damit na kumportable ang katawan ko. Wala akong pakialam kung masyadong nakagayak ang mga tao sa pupuntahan kong birthday party. Pag katapos kong mag bihis ay agad kong inayos ang aking wig, sa sobrang ayos ay sinigurado kong hindi ito maalis kahti na may sumabunot pa sa akin. Inayos ko rin ang aking slaming bago, mas makapal, mas malapad, mas ayus. ‘Makikita kaya kita doon, Emperor?’ tanong ko sa aking isipan habang nakatingin sa salamin. Binuksan ko ang huling drawer ng aking vanity table, inalis ko ang mga petals ng black roses at mula sa ilalim ng mapanlinlang na petals ay kinuha ko ang aking piston, this is personally made by me at masaasabi kong isang bala lang nito ay makakapatay na. Bukod sa napakaganda ng pag kakagawa ko nito ay madali lang din itong itago, especially sa mga okasyong may scanner. Hindi basta basta masscan ang ang barili na ito dahil sa inilagay ko isama pa na sobrang liit nito na p’wede mong itago kahit sa buhok nmo. At dahil hindi naman ako nakarevealing na suot, pwede ko itong ilagay sa kahit na saan party ng katawan ko dahil mayroon naman akong iba’t ibang klaseng bonds na p’wede ipag attach sa aking piston. Tiningnan ko ang aking orasan at nakitang malapit ng mag 5pm, lumabas na ako ng aking silid at dumeretso sa kusina dahil nararamdaman ko na naroon ang aking mga kasama. Hindi nga ako nag kamali, dahil nakita ko sila doon na nakaupo, habang si Axel ay nakatayo at nakasuot ng apron na mukang nag luluto ng kakainin ng dalawang spoiled brat. At dahil takot akong magutom sa pupuntahan namin ni Kyro kahit pa party ito ay naupo na rin ako sa upuang nasa tapat nila Peitho. “Oh, Queen, kakain ka ba muna bago umalis?” nakangiting tanong ni Axel. Tumango ako dito bilang pag sagot at ngumiti naman ito sa akin. “Tamang tama kaluluto lang ng pag kain,” sabi ni Axel at nag simula ng mag lafgay ng mga plato sa lamesa. Tinulongan ito ni Butler Shun habang kaming tatlong mga babae namn ay nanatiling nakaupo. “Oy, si Queen, takot magutom,”nang aasar na sabi ni Aikka habang nakaatawa. “Hahaha, sinabi mo pa, Aiks, may tama ka diyan!” pag sulsol naman ni Peitho bago nag apir ang dalawa. Napailing na lang ako sa kanilang dalawa, hindi ko na lang pinatulan ang mga ito. Mabuti nga at kakain kami ng hindi sila nag tatalo dahil sa tuwing nakain kami ay madaals nilang pag talunan ang maliliit ng bagay. “Anyway, Queen, tawagan mo kami kay may mga gwapo doon, huh?” nakangiting sabi ni Peitho. “Pati si AXel?” malamig na tanong ko. “Huh? Bakit nadamay pangalan ko diyan, aanhin ko naman ang gwapong lalaki kung gwapo naman ako?”nakatawang sabi ni Axel sa amin. “yYou tigil tigil nga Pito, gagawin mo pang lalakero si Queen ikaw lang naman itong lalakero dito!” nakataas ang kilay at conyo na sabi ni Aikka kay Peitho. ‘Kasasabi ko lang kanina na mabuti at hindi sila nag tatalo, tsk,’; sabi ko sa aking isipan. At doon ay nag umpisa na namang mag bangayan ang dalawa, nakita kong napailing si Axel bago ito naupo sa kanyang upuan na nasa tabi ko. “Kumain na kayo, lagi na lang kayong ganyan kapag kumakain tayo,” sabi ni Axel kaya naman tumigil ang dalawa ngunit parehas pa rin na masama ang tingin sa isa’t isa. “Kumain ka na Queen, baka mamaya ay bigla ng dumating si Kyro at sunduin ka,” nakangiting sabi sa akin ni Axel kaya tumango lang ako dito at nag umpisa ng kuuha ng mga pagkaing nakahain sa lamesa. “Mag momovie marathon kayo?” malamig kong tanong ng mapadako ang tingin ko sa nakasalang na popcorn. “Oo, naiinip kami dito sa bahay, iniiwan mo na lang kami palagi,” nakangusong sabi ni Aikka. Mukang okay na ulit sila ni Peitho dahil hindi na nagsalita pa ito. Matapos namin kumain ay agad kaming nag tungo sa living room at doon tumambay, doon ko na lang hihintayin si Kyro, ke’sa umakyat pa ako sa aking silid, masyado akong tinatamad para gawin yun. Mayamaya pa habang nasa living room ay nagkatinginan kami dahil naradaman namin ang tumigil na sasakyan sa labas ng gate. Narinig namina ng isang malakas na busina kaya naman tumayo na ako. “Mag iingat ka, Queen,” sabi sa akin ni Aikka kaya tumango na alnga ko bilang sagot dito. “Tawagan mo ako kapag kailangan mong mag pasundo,” pahabol na sabi ni Axel na sinagot ko lang rin ng isang tango. Lumabas na ako ng bahay at nakita ko ang isang mamahaling sasakyan na nakaparada sa labas ng aming gate. Nag lakad na patungo sa aming gate at lumabas dito, nakita ko si Kyro na nakasandal sa kanyang saskayan at nag fefeeling cool. “Hindi ka manlang talaga nag abalang mag bihis, ‘no?” naiiling na sabi sa akin ni Kyro. “Mabuti na alng at maagap kitang sinundo, makakadaan pa tayo sa salon bago tayo mag punta sa venue ng party.” Hindi na lang ako nag salita pa sa kanyang sinabi, mukang tamang tama lang pala ang ginawa kong pag aayos ng kabit ng aking wig. Kahit na napakainit nito sa anit pero maayos naman ang kabit. “Sakay na,” sabi niya sa akin dahil mukang napansin niya na wala akong sasabihin sa kanya na kahit na ano. Nag lakad na ako sa passenger’s seat at binuksan ang pinto, sumakay ako doon at pagkaupong pagka upo ko ay agad kong isinuot ang seat belt sa akin. Pumasok na rin naman si Kyro sa sasakyan at inayos ang seat belt niya, tiningnan niya ako saglit bago nito binuksan ang makina ng kanyang sasakyan. Naging tahimik ang aming paligid, siya ay abala at focus sa pag mamaneho habang ako naman ay nakatingin sa paligid na aming dinaraanan. At dahil pagabi na ay marami ng mga ilaw na makikita sa aming dinadaanan. Mga ilaw na nag mumula sa mga sasakyan at sa mga building na aming dianaraanan. Maraming tao ang nag lalakad na tila pauwi na sa kanilang mga pamilya, kampante ang mga ito at kuntento na sa kanilang buhay. Habang ako ay nananatili pa rin sa nakaraan, sa nakaraan kung saan hinahanap hanap ko pa rin ang aking mga magulang na wala na at ang taong dahilan kung bakit nawala ang mga ito, ang Emperor. Bahagya akong tumingin kay Kyro na seryoso ang muka habang nag mamaneho. Kung sakaling ikaw ang anak ng Emperor na hinahanap ko, mararamdaman mo rin kaya kung sa harapan niya mismo ko ito bawian ng buhay at pag higantihan? ‘Kakayanin mo kaya, Kyro?’ hindi ko mapigilang tanong sa aking isipan. “Don’t stare at me like that, Vanessa,” seryosong sabi nito. Imbis na alisin ang titig sa kanya ay hindi ko ito ginawa, ineksamin ko lang ang kanyang muka at mas tinitigan pa ito ng mabuti. ‘Ganyan din ba kagwapo ang Emperor?’ may hinanakit na sabi ko sa aking isipan. Inalis ko na ang tingin sa kanya dahil nakikita ko sa kanyang mga mata na siya ay nababalisa na at hindi na makapag focus sa pag mamaneho. Maya maya lang ay nakarating kami sa isang salon na mukang sikat dahil sa lawak ng parking lot nito at punong puno rin ito. Bumaba na ako ng kanyang sasakyan at ganun din naman si Kyro mataposa yusin ang pa kakapark ng kanyang sasakyan. “Nandito sila Liam?” natanong ko na lang matapos makita ang isang pamilyar na motorbike na nasa tabi lang ng pinag parkan ng sasakyan ni Kyro. “Yeah, tara na, para masimulan na nilang ayusan ka,” sabi niya at hinawakan ang aking isang kamay bago ako dali daling hinila papasok ng malaking salon. Nag padala na lang ako sa kanyang hila habang mayroon pa ring blankong ekspresyon. Pag pasok na pag pasok namin ay mayroong sumalubong sa amin na isang mukang bakla. “Akala ko sila Master Zane lang ang mag papasalon, ikaw din pala King,” nakangiting sabi nito bago ito napatingin sa akin at sunod naman ay sa aming kamay ni Kyro bago muling ibinalik ang tingin sa akin, “Hi there, ikaw ba ang bagong yaya ni King?” nakangiting baling nito sa akin. Hindi ako nag salita sa kanya o sumagot man lang, nanatiling blanko ang aking ekspresyon at alam kong alam ni Kyro na hindi ko sasagotin ang tanong ng baklang nasa harapan ko. “She’s my personal assistant, p’wede mo ba siyang imake over?” nakangiting sabi ni Kyro sa bakla. Mukang na- starstruck naman ang bakla at tila ang ningning ang mga mata nito bago ngumiti ng malaki. “Sure, why not, ako pa ba? Sisiguradohin kong siya ang magiging pinakamagandang assistant sa buong mundo,” nakangiting malaki na sabi ng bakla kay Kyro bago ako nito tiningnan. “Handa ka na ba?” nakangiting tanong niya bago kinuha ang kamay ko kay Kyro na hindi pa pala nito binibitawan. “Nasa taas sila Master Zane, King, dadalhin ko na lang doon ang assistant mo kapag natapos na kaming itransform siya,” nakangiting sabi ng bakla kay Kyro. Agad akong hinila ng bakla sa isang elevator, pumasok din doon ang dalawang magandang babae na nakasuot ng uniporme ng salon. Nakita kong pinindot ng bakla ang G floor na ibig sabihin ay groudn floor. Kung ganun, ang kinatatayuan pala namin kanina ay hindi pa ang mismong ground floor ng salon na ito. Mayroon pa pala itong main ground floor. “Hindi ko na gagalawin ang buhok mo dahil maganda naman ang pagkakabagsak nito, siguro make up na lang at contact lens na mayroong grado para sa mga mata mo, para hindi mo na dala dala ang malapa dmong salamin,” sabi ng bakla. Pagkatapos sabihin ng bakla yun ay kasabay naman ng pag bukas ng pinto ng elevator, lumabas na kami sa elevator at nakita ko ang isang malawak na silid na parang ginawa ng isang make up store dahil sa mga stole na makikita sa mga ito, sa gitna ng silid ay mayroong pabilog na punong puno ng salamin at ilaw, tila doon nila inaayosan ang mga katulad ko. “Dito ang silid na pinag dadalhan ng mga vvip, at dahil si King ang nag request sa akin, I will treat you as vvip na lang din,” conyo na sabi ng bakla habang hawak hawak ang aking kamay na nauunang mag lakad sa akin at ginaguide ko sa daan. “This is Donalyn and Meka, they are my 2 best workers here, kaya sigurado akong sa kamay naming tatlo ay gaganda ka ng bonggang bongga,” nakangiting sabi pa ng bakla sa akin. “Maupo ka muna dito,” sabi niya pa at iginuide ako sa isang malambot na upuan. Tinutukan nila ng ilaw ang aking muka na naging dahilan para bahagya akong mapapikit dahil sa sobrang liwanag nito, maya maya pa ay nagawa ng mag adjust ng aking mga mata kaya naman ito ay iminulat ko na. Nkaita ko ang maraming brushes na nakahanay sa aking harapan, maraming eye shadow at kung ano anog make up ang nasa harapan ko. “Hello, I’m Meka, hinahanap mo ba si Ma’am Carla? Umalis siya sandali para kumuha ng babagay sa’yong gown,” nakangiting approach sa akin ng babaeng nag pakilalang Meka. “Huwag mong kausapin yan, Meka, mamaya ay siguradong sobrang ganda na ng nerd na yan at maaagaw na niyan sa atin si King,” rinig kong sabi ng isa na sa tingin ko ay ang sinasabi na Donalyn. “Huwag kang magulo diyan, Donalyn, kailanman hindi naging sa’yo si King,” natatawang sabi dito ng nag pakilala sa aking Meka. “Pag pasensyahan mo na si Donalyn, kulang kasi yan sa aruga kasi hindi ipinag lalaban,” natatawang baling naman nito sa akin. Hindi ako sumagot sa kanya, nanatili lang akong tahimik at mukang nakahalata naman ito kaya hindi na ito nag salita pa. Nag umpisa na si Meka na lagyan ako ng kung ano ano sa aking muka habang si Donalyn naman ay abalang nag titiktok sa likuran nito. ‘Best workers, huh?’ sabi ko sa aking isipan habang naririnig ang tunog ng cell phone ni Donalyn. “Woy, kapag dumating si Ma’am at inabutan kang ganyan siguradong yari ka na naman,” suway ni Meka dito. “Eh, ano ba dapat gawin ko? Mukang wala namang mababago sa itsura niyang nerd na yan, pangit pa rin,” mean na sagot naman ni Donalyn kay Meka. “Napakasama mo talaga, Donalyn!” inis na sabi ni Meka dito at tinalikuran na ito bago ipinag patuloyang kanyang ginagawang pag pahid ng kung ano ano sa aking muka tulad kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD