Peitho Napailing na lang ako dahil sa kanyang inasta, muli na lang ako bumalik sa aking inuupuan at humarap sa salamin ng aking vanity table. Binuksan ko ang isa sa drawer nito at kinuha ang isang mahabang kwintas na sa tingin ko ay babagay sa aking suot suot na swim suit. Iniisip ko pa lang ngayon ang magiging itsura ni Vanessa sa kanyang swim suit ay natutuwa na ako, siguradong maraming maiinsekyur sa ganda ng katawan nito. Ngunit, sana lang ay hindi lumabas sa kanyang tiyan ang kanyang abs na bunga ng kanyang mga pag eensayo na ginagawa, susubukan na lang namin mamaya ni Aikka na takpan ito upang maiwasan na pati kalalakihan ay mainsekyur din sa kagandahan at kaangasan ng kanyang katawan na hindi aakalaing meron siya ng ganoogn kagandang pangangatawan. Ang totoo niyan, ang swim suit na

