Vanessa Lavender Smith (Queen) Hindi ko na lang siya binigyang pansin at dumeretso sa aking mini fridge upang kuhain doon ang aking ice cream na itinabi kanina ni Peitho. Pag katapos ko itong kuhain ay utomatiko na akong nag tungo sa loob ng aking closet upang hindi na ako kailangan pang hilalin ng dalawa papasok doon. “Maupo ka na at ililis mo ng kaunti ang iyong bathrobe,” sabi ni Peitho at hinawakan ako sa mag kabilang balikat bago hinila paupo sa isang upuan na nasa harapan ng aking vanity table na malaki. Wala akong nagawa kung hindi maupo na lang, siya na rin ang nag tanggal ng tali ng aking bathrobe at inililis nito ang aking bandang likuran. Tamang tama naman na nakabalot pa sa towel ang aking buhok kaya hindi ito magiging harang o hadlang sa aking likuran kung saan naroroon a

