CHAPTER 29

1481 Words
Third Person Nauuna ang sasakyan ni Zane at Henry sa sasakyan ni King, habang si Liam naman ay nakasunod lang sa likoran ng sasakyan ni King. “10 minutes na lang pala,” sabi ni King habang nakatingin sa kanyang orasan na nasa loob ng kanyang sasakyan. Napatingin din naman si Vanessa dito at muling ibinalik ang tingin sa harapan ng sasakyan. “Can you drive fast?” tanong ni King kay Vanessa at sinagot lng naman ito ni Vanessa ng isang tango. “Buckle your seat belt,” malamig na sabi ni Vanessa bago pinaandar ng mabilis ang sasakyan ni King. Nakita naman ni Liam at biglaang pag bilis ng sasakyan ni King kaya agad niya itong sinundan, kung kanina ay napakalayo ng agwat ng sasakyan ni Henry at Zane sa sasakyan ni King, ngayon naman ay malalamapasan na ang sasakyan nila. “Woah,” bulong ni Liam dahil nakita niya na si Vanessa pa rin naman ang nag mamaneho ng sasakyan. Bahagyang binagalan ni Liam ang kanyang motor upang makasabay ang sasakyan ni Henry at Zane, sinenyasan niya ang mga ito na bilisan kaya naman napangisi ang dalawa. Agad nilang binilisan at hinabol ang sasakyan ni King, mabagal ang pag papatakbo nila kanina dahil ibinilin ni King na alalay lang dahil si Vanessa ang mag mamaneho ng kanyang sasakyan. Pero ngayong nauuna na ang sasakyan ni King ay binilisan na rin nila Henry, Zane at Liam ang kanilang pag papatakbo at hinabol ang sasakyan ni King. “Woah, woah, wait kumanan ka,” sabi ni King kay Vanessa habang nakahawak sa kanyang seat belt. Agad naman itong sinunod ni Vanessa, pag liko niya ay nakita niya ang mahaba at malawak na kalaye. Hindi niya maiwasang manabik, napansin naman ni King na mas bumibilis ang pag papatakbo ni Vanessa ng sasakyan. ‘Anong klaseng babae ba ito, bakit sobrang bilis mag patakbo?’ natanong na lang ni King sa sarili habang tinitingnan ang side mirror dahil nakikita niyang ang layo ng agwat nila Henry at Zane sa kanayng sasakyan. Ilang minuto pa ng pag mamaneho ni Vanessa ay nakarating sila sa racing circuit na pag gaganapan ng laban ng karera ni King. Nag alala si King dahil galing sila sa mabilis na takbo at hindi niya alam kung kakayanin ba ni Vanessa na patigilin ang sasakyan ng hindi sila nauuntog. Namangha naman si Liam, henry at Zane dahil sa ginawa ni Vanessa. Bigla itong nag drift at smooth na smooth ang ginawang apg drift nito ngunit nag likha ng pag angat ng makapal na apo na tila nag mukang usok. Hindi agad nakapag salita si King sa loob ng kanyang sasakyan, dali daling bumaba si Liam at Henry maging si Zane at saka lumapit ang mga ito sa sasakyan ni King. Kinatok ni Zane ang bintana sa driver’s seat at nagulat sila ng makumpirmang si Vanessa nga ang nag mamaneho ng sasakyan ni King. Unti unting bumaba ang salamin ng bintana kaya nakita nila si Vanessa na naroroon at wala pa ring emosyon. Hendrix Kyro William (King) ‘Napakagandang drift,’ nasabi ko na lang sa aking isipan bago ako lumabas ng aking sasakyan. “Ayusin mo ang park, huwag mong iharang diyan,” sabi ko kay Vanessa at lumapit na sa aking mga kasamahan na mukang gulat na gulat na makitang si Vanessa ang nag mamaneho at gumawa ng mga bagay na yun. “Hanep, King, si Vanessa ba talaga ang nag maneho kanina?” tanong ni Zaane sa akin na sinagot ko agad ng isang pag tango. “Halimaw pala mag maneho yan,” sabi ni Henry habang nakatingin kay Vanessa na lumabas ng akign sasakyan matapos itong maipark ng maayos katabi ng mga sasakyan nila Henry. “TILA AKING NATATANAWAN ANG ATING PINAKAHIHINTAY, ANG NAKAKATAAS SA LAHAT, KING!” sabi ng MC sa mic kaya naman rinig na rinig ito ng lahat daahil sa malalaking speaker kung saan nakaconnect ang mic nito. Nakita ko na tumingin sa akin ang lahat, lumapit na kami sa groupo ng aking makakalaban. Leader vs Leader ang usapan, kaya dadalawa lang kami mamayang mag lalaban. “King,” nakangising tawag sa akin ni Hugo habang nag lalakad kami palapit sa sasakyang gagamtiin ko. Groupo ko ang nag handa ng sasakyan, pinabantayn ko rin ito dahil kilala si Hugo bilang isang malaking mandaraya sa mga ganitong laro. Siguradong gagawa at gagawa ito ng paraan para matalo ako kaya naman pinabantayan ko ng maayos sa aking underlings ang akign sasakyan. “Nag dala ka pa pala ng chicks para sa akin, King,” nakangising sabi niya pa at lumapit sa akin bago tiningnan si Vanessa na nasa aking tabi. “Hi, binibini, Hugo nga pala,” sabi nito at kinuha ang kamay ni Vanessa para halikan ngunit agad itong binawi ni Vanessa. “Tigilan mo yan, Hugo,” malamig na sabi ko sa kanya. “Ang yabang mo naman King, nag papakilala lang naman ako sa kasama mo,” nakangising sabi pa nito sa akin bago muling tumingin kay Vanessa, “free ka ba mamaya after this match,” malanding sabi pa ni Hugo kay Vanessa. Biglang hinatak ni Liam si Vanessa at itinago ito sa kanyang likuran, nakita ko na nagulat si Hugo. “Tigilan mo na yan, Hugo, wala kang mapapala sa babaeng yan,” malamig kong sabi kay Hugo. “Wala? Pero kung protektahan niyo, wagas? Ganito na lang, mag pustahan pa tayo ng isa,” nakangising sabi ni Hugo sa akin kaya kumunot ang aking noo. “Kapag natalo ka, akin ang babae, kapag natalo ako ibibigay ko lahat ng hihingin mo,” nakangising sabi pa ni Hugo. “WHAT? Tanga ka ba? Muka ba akong desisyon, para mag desisyon para diyan sa babaeng yan?” galit na sigaw ko kay Hugo. Nag kibit balikat ito sa akin, napapikit ako ng mariin. “No, hinid ako papayag,” sabi ko sa kanya at tinalikuran siya. “Bakit, King? Naduduwa ka na ba?” sabi nito sa akin. “Pumapayag ako,” napatingin naman ako aky Vanessa ng bigla itong mag salita mula sa likuran ni Liam. Nag lakad ito palabas sa likuran ni Liam. “Pumapayag ako sa isang kondisyon,” sabi ni Vanessa. “Sure, ano ba yun?” nakangising sabi ni Hugo dito. “Ibibigay mo sa akin ang hihingin ko sa oras na matalo ka ni Kyro,” sabi ni Vanessa dito. “Sure, sure, sure, pero may kondisyon din ako,” nakangising sabi ni Hugo kay Vanessa. “Isasama mo siya sa buong race,” nakangising baling naman sa akin ni Hugo. Aangal na sana ako ng pigilan ako ni Vanessa, tumango ito kay Hugo bilang sagot at nakita ko kung paanong matuwa si Hugo. Alam niyang madali akong madistract kapag may sumisigaw na babae dahil sa natatakot, alam kong binababalak niyang idistract ako para lang manalo siya. Napakatuso mo, Hugo! “MUKANG MAS LALONG UMIINIT ANG MAGIGING LABAN NGAYON AH!” sabi ng Mc sa miic. Umalis na si Hugo at ang tungo sa kanyang sasakyan at sumakay na. “Sigurado ka ba, Vanessa?” tanong ko kay Vanessa at tumango naman ito sa akin. “Sabihin mo na sa amin kung hindi ka sigurado ha? Papatayin na alng natin ang mayabang na yun,” sabi ni Zane habang nakatingin kay Vanessa. “I’m fine,” sbai niya at tianlikuran na kami. Nag lakad na ito papunta sa passenger’s seat ng aking sasakyan upang sumakay, kitang kita naman ito ng mga manunuod kaya nag karoon ng bulong bulongan ang mga ito. “Mag iingat ka, King,” seryosong sabi sa akin ni Liam bago ko ito tinalikuran. Kumaway ako sa kanila habng nag lalakad aplapti sa aking driver’s seat ng aking sasakyan. Pag pasok na pag pasok ko dito ay nakita ko si Vanessa na diretso lang ang tingin. “I-if ever matalo ako, huwga kang amg alala, I will save you,” sabi ko diot bago ang iwas ng tingin at inayos ang aking seat belt. “I know,” sabi niya sa akin bago itinaas ang kanyang dalawang paa sa unahan ng aking sasakyan at ipinikit ang kanyang mga mata. Napanganga naman ako, hindi dahil sa kanyang pwesto ngunit dahil sa kanyang sagot. Tila may pumintig na malakas sa dibdib ko matapos malamang may tiwala siya sa akin at ipinag kakatiwala niya sa akin ang kanyng kaligtasan. Hindi na ako nag salita pa dahil kitang kita ko namang kumportable itong nakaayos ng upo. “Ibaba ko lang kunte,” sabi ko kay Vanessa at bahagyang ibinaba ang kanyang sandalan upang ito ay mas kumportable sa kanyang pwesto. Hindi ko lang alam kung magiging kumportable pa rin ba siya sa oras ng laban, pero sa tingin ko naman ay hindi siya matatakot o ano pa man. Nakita ko ang isang babae na nakagayak, may hawak hawka itong baril at nakatutok sa langit, mag sisimula na pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD