Third Person Tiningnan ni King si Vanessa, tama nga ang sinabi ni Zane na baka matamaan ito ng bola. “Okay na ako dito,” sabi naman ni Vanessa kay King nang ito ay mahuli niyang nakatingin sa kanya. “Mag handa na ang lahat, ilang minuto na lang at mag uumpisa na ang 3rd quarter,” sabi ng coach nila King sa kanila kaya naman nag tipon tipon na ang mga ito. Hindi na sila kinakausap o sinasabihna ng coach nila ng stratehiya dahil nasabi na nito sa practice, nag unat unat lang sila ng kanilang katawan at may pag talon talon pang ginagawa. “PPPPPPPPPPPPPPFFFFFFFFFFFFFTTTTTTTTTTTTTTTT” pag pito ng referee. Ang dalawang kuponan ay nag tungo ng muli sa loob ng court. Nasa kalaban ang bola, ngunit kalmado lang ang groupo nila King. Nag umpisa ng muli ang isa pang quarter at ang laha

