Vanessa Lavender Smith (Queen) Nakita kong gumalaw na si Kyro mula sa kanyang kinahihigaan kaya naman ako ay agad na lumapit dito. Pag katapos siyang dambahan ni Duke kanina bilang pag salubong dito, bigla na langf ito nawalan ng malay. Bakla man itong pakinggan ngunit totoo, mabuti na lang at naging mabilis ako. Agad kong nakuha ang kanyang kamay nang siya ay matutumba na at ito ay hinila papalapit sa akin upang hindi mapabagsak ang kanyang katawan. “Gising ka na pala,” sabi ko kay Kyro habang nakatingin dito. Bigla siyang bumangon at inilibot ang tingin sa paligid, martahil ay hinahanap nito si Duke na ngayon ay kasalukuyang nasa ilalim lang ng kahoy na papa na kanyang kinahihigaan dito sa kubo. “Nasaan na yung white tiger?” ramdam ko ang kaba habang tinatanong niya ang bagay na iy

