Hendrix Kyro William (King) Natigil naman ako dahil sa sinabi ni Vanessa, tiningnan kong mabuti si Duke at maamo naman ang muka nito sa tuwing lalapit sa akin. Baka nga tama ang sinasbai ni Vanessa, nagustohan ako ni Duke at wala akong dapat na ikatakot sa kanya kahit na isa pa siyang white tiger na talagang kinakatakotan ng lahat. Napangiti na lang ako bago dahan dahan kong inilapit ang aking kamay sa kanyang ulo at marahan itong hinimas himas. Nakita kong natutuwa naman siya kaya naupo ako at pumantay ng upo sa kanya. “Huwag mo na akong gugulatin ha!” sabui ko sa kanya. Binitawan niya ang basket na kanyang kagat kagat bao isiniksik ang ulo as akin, napatingin na lang ako kay Vanessa at nakita ko itong nakangiti. Ngunit agad din iyong nawala nang mapansin na nakatingina ko sa kanya.

