CHAPTER 74

1480 Words
Third Person Bumalik ang ulo nito at sa kabila naman pumaling, habang ang mga kalalakihan naman na siyang inutusan ni Charlotte ay natulala na lang at napamaang sa kanilang nasaksihan. Walang magawa si Charlotte kay Vanessa at kita nila ito. Habang si Charlotte naman ay natulala dahil sa labis na sakit na kanyang nararamdaman. Unti unti naman itong nakabawi at agad na bumalik sa kanyang sarili, nagawa niyang tanggalin ang kamay ni Vanessa na nakahawak sa kanyang braso. Halos mag ube na ang kanyang braso dahil sa higpit at sakit ng hawak ni Vanessa. “Sino ka?” sigaw ni Charlotte kay Vanessa. Hindi nag salita si Vanessa at tiningnan lang si Charlotte ng malamig na tingin. Galit na tumingin si Charlotte sa mga kalalakihan na nakamaang lang sa kanila, “Anong ginagawa ninyo? Hawakan n’yo siya, mga hangal!” Dahil sa ginawang pag sigaw ni Charlotte ay nabalik sa kanilang katinuan ang apat na lalaki habang ang isang lalaki naman ay walang nagawa kung hindi ang tumayo. Hindi na niya maintindihan ang sarili kung maaawa pa ba siya kay Vanessa dahil sa nakikita niyang tapang nito. “HAWAKAN NINYO MGA WALANG SILBI!” galit na sigaw ni Charlotte habang namamanhid pa rin ang mga pisnge dahil sa ginawang pag sampal dito ni Vanessa. Agad namang sumunod ang apat na kalalakihan, sinugod ito ng mga ito upang ito ay hawakn ngunit nagagawa ni Vanessa na ilagan ang mga atake ng kalalakihan. Wala ng nagawa si Charlotte, kinuha nito ang base ball bat na nasa isang tabi, inatake niya si Vanessa mula sa likuran habang ang kaharap nito ay ang lalaking tumulong kay Vanessa na luwagan ang tali nito. Dahil doon, hindi na nagawang umiwas pa ni Vanessa, tinamaan ito sa bewang kaya ito ay agad na natumba. Saktong palo naman ni Charlotte kay Vanessa ay dumating si King, kitang kita nito ang ginawa ni Charlotte. Walang kaalam alam si Charlotte na nag lalakad na sa kanyang hulihan si King. Muli siyang nag bwelo upang tirahin ng isa pang palo si Vanessa na ngayon ay nakalugmok habang hawak hawak ang kanyang tagiliran na siyang tinamaan ng base ball bat na ipinalo ni Charlotte kanina. Natigil si Charlotte sa gagawin niyang pag hampas kay Vanessa dahil naramdaman niya ang pag dikit sa kanyang sintido ng matigas at malamig na dulo ng baril. “Sige, ituloy mo, para sumabog ‘yang bungo mo,” malamig na sabi ng isang pamilyar na boses mula sa kanyang likuran. Dahan dahang tiningnan ni Charlotte ang nag salita sa kanyang likuran, hindi nga nag kamali ang kanyang pandinig at pakiramdam, talagang pamilyar ang boses nito sa kanya dahil ito ang lalaking minahal niya simula pagkabata, si King. Nakaramdam ng panlalambot si Charlotte, nabitawan niya ang base ball bat at nahulog ito sa kanyang baba. Unti unting nag init ang paligid ng mga mata ni Charlotte, nangilid ang kanyang luha dahil sa nangyayare. Sa araw na ito, dalawang beses na siyang nasaktan ni King at ang ginagawa ni King ngayon ay ang pinakamasakit na nangyare sa kanya sa buong buhay niya. “A…ano bang w…wala sa akin, King?” namimiyok na tanon gni Charlotte kay King. Iniwas ni King ang kanyang tingin kay Charlotte, habang si Vanessa naman ay blankong nakatingins a dalawang nakatayo sa kanyang harapan. Nalipat ang tingin nito sa baseball bat na nahulog malapit sa kanya. Agad niya itong kinuha at hindi ininda ang masakit niyang tagiliran. “Bakit… bakit palagi mo na lang siyang ipinag tatanggol?” umiiyak ng sabi ni Charlotte kay King. “Dahil lagi mo na lang siyang sinasaktan, Charlotte,” kalmadong sabi ni King kay Charlotte. “Hahaha… haha… ha… palagi mo rin naman akong nasasaktan, bakit hindi mo ako ipag tanggol sa sarili mo?” umiiyak na sabi ni Charlotte. Inalis na ni King ang kanyang baril at agad itong itinago sa likuran ng kanyang pantalon. “Look, Charlotte, matagal ko ng sinabi sa’yo ito, noon pa lang sinabi ko na sayong hindi ko kayang tumbasan ang nararamdaman mo sa akin, kapatid lang ang tingin ko sa’yo, Charlotte,” kalmadong sabi ni King kay Charlotte. “ARRRRRRRRRRRGHHHH!” “PUTANGINA!” “ARAAAAAAY, TAMA NA!” Agad na nawala ang atensyon ni King kay Charlotte, naalala niay si Vanessa at agad na hinanap nito ang dalaga. Nakita niya itong hinahampas ng base ball bat ang mga kalalakihan. Napahinga ng malalim si King nang makita na maayso naman ang lagay ni Vanessa. Habang si Charlotte naman ay kinuha ang pag kakataon na abala si King upang kunin ang baril nito sa kanyang likuran. “VANESSA, TUMIGIL KA!” sigaw ni Charlotte kay Vanessa na walang awang hinahampay ng baseball bat ang apat na kalalakihan. Habang ang isang lalaki naman ay nakatago sa labas ng pinto kung saan nakikita pa rin nito ang nangyayare, tiningnan ng lalaki ang kapirasong papel na ibinigay sa kanya ni Vanessa kanina habang abala si King at Charlotte sa kanilang pag uusap at wala sa kanila ang atensyon ng mga ito. Hinawakan ito ng lalaki ng mahigpit bago ito tumakbo paalis tulad ng inutos ni Vanessa. Habang si Vanessa naman ay tumigil na sa kanyang ginagawa matapos makitang halos hindi na makilala at hindi na humihinga ang apat na kalalakihan at dahil na rin sa sigaw ni Charlotte. Tumingin si Vanessa sa pwesto ni Charlotte at King, tila bumagal naman ang takbo ng oras ng ito ay tumingin kay King. Ang muka ni Vanessa ay mayroong bahid ng dugo na tumalsik mula sa apat na kalalakihan at ang baseball bat na hawak hawak nito ay may bahagyang dugo na rin. Imbis na ma- turn off si King kay Vanessa, lalo pa itong humanga dito dahil mukang kayang kaya nitong ipag tanggol ang sarili nito. “PAPATAYIN KITA, VANESSA!” sigaw ni Charlotte kaya naman agad na natauhan si King. Akmang hahalbotin na nito mula kay Charlotte ang baril ngunit nagawa na ni Charlotte na kalabitin ang baril. BANG Nanlamig si King sa kanyang kinatatayuan, agad niyang tiningnan si Vanessa. Tinamaan ito sa kanang braso, ngunit mukang dumaplis lang ito. Bago puntahan si Vanessa ay agad na hinalbot ni King ang baril mula kay Charlotte at ipinalo ito sa leeg ni Charlotte upang ito ay patulogin. Agad na bumagsak si Charlotte at hinayaan lang ito ni King, dali dali niyang pinuntahan si Vanessa na tuloy tuloy pa rin ang pag agus ng dugo mual sa daplis ng bala sa kanyang braso. “s**t, okay ka lang ba?” agad na tanong ni King kay Vanessa at hinawakan ang dalawang balikat nito. “Tingin mo?” malamig na tanong ni Vanessa kay King at nanatili pa ring blanko ang muka kahit na may umaagos na dugo mula sa kanyang braso. “I’m sorry, halika na bubuhatin na kita para madala na kita sa hospital,” sabi ni King at umaktong bubuhatin si Vanessa. “No,” malamig na sabi nito at agad na umiwas kay King. Pinilas ni Vanessa ang laylayan ng tela ng itim niyang t-shirt na kasalukuyan niyang suot suot. Dahil sa kanyang ginawa ay nakita ang ibabang bahagi ng kanyang tiyan at nag mukang crop top ang kanyang suot suot na t-shirt. Pag katapos niyang sirain at punitin ito ay dali dali niya itong itinali sa kanyang dumudugong sugat sa braso, nakita naman ni King na siya ay nahihirapan kaya agad niya itong tinulongan. “Dalhin mo ako kay Shun,” malamig na sabi ni Vanessa kay King. Seryosong tiningnan ni King ang kalmado at blankong muka ni Vanessa, dahil sa tagal na nakatingin ni King sa muka nito ay muling nag salita si Vanessa. “Hindi ako mamamatay sa tama ng bala, mamamatay ako dahil naubosan ng dugo dahil inuna mo pang titigan ako,” malamig na sabi ni Vanessa kay King na siyang nag pagising kay King. Dali dali niyang inalalayan ito, bahagya niyang hinawakan ang bewang nito ngunit naramdaman ni King ang pag pitlag ng katawan nito. Doon lang niya naalala ang ginawang pag hampas ni Charlotte sa tagiliran ni Vanessa na siyang kitang kita niya naman kanina. Dahan dahan niyang inalis ang kanyang kamay sa bewang ni Vanessa at hinawakan na lang ang kabilang braso nito. “Anong dala mong sasakyan?” tanong ni Vanessa kay King. “Motor,” sagot ni King dito. “Mukang maiiwan na dito si Charlotte, tumawag ka ng susundo sa kanya at mga pulis na huhuli sa apat na’yon,” malamig na sabi ni Vanessa. Hindi maiwasang mapamaang ni King, kahit na ganun ang ginawa ni Charlotte kay Vanessa ay iniisip pa rin nito na maiiwan si Charlotte dito kaya dapat may sumundo dito. ‘Isasama kita sa libing ng tatay mo, Charlotte, hintayin mo lang, tsk!’ sabi naman ni Vanessa sa kanyang isipan habang nag lalakad sa tabi ni Charlotte at nakatingin kay Cahrlotte na nakapikit dahil sa ginawang hampas ni King dito kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD