CHAPTER 73

1448 Words
Charlotte Ibinaba ko ang tawag mula sa pinuno ng kalalakihan na aking inutosan kanina, napangiti ako dahil sa naging balita nito na nakuha na nila si Vanessa. Hindi ko akalaing magiging ganun na lang kadali para sa kanila ang makuha ang babaeng yun. As what I expected, tatanga tanga talaga ang nerd na ‘yon at umaasta lang na cool sa harapan ni King upang maging kakaiba siya sa lahat ng kababaihang pumapalibot kay King. “Wait me here, girls, pupuntahan ko lang ang aking mga aso,” nakangising sabi ko sa aking mga alalay. Ngumiti naman ang mga ito at tumango, tinalikuran ko na sila at nag lakad ako palabas ng bakanteng silid na ginawa na naming tambayan. Hindi ko na iniisip pang isama ang aking mga alalay dahil baka may mahinang sikmura ang mga ito at hindi masikmura ang makikita nila mamaya na gagawin ko kay Vanessa. Actually, kung hindin ako nagawang pag harasan kanina ni King at pumayag na lang ito sa gusto kong mangyare na lalayuan niya si Vanessa para mapanatiling ligtas ito, edi sana hindi mag hihirap sa ilalim ng aking mga kamay ang babaeng ‘yon. Lalo lang tumindi ang aking pag nanais na masira ang buhay nito dahil sa ginawa sa akin ni King kanina. Nagulat at nasaktan ako sa ginawa niya sa akin kanina, sa kanyang inasta pag katapos kong sabihin sa kanya ang tungkol kay Vanessa. Ang totoo niyan ay nakaramdam ako ng takot noong ako ay hawakan nito sa kwelyo ng aking damit. Tila ba hindi si King ang kaharap ko kanina, tila ibang tao ito at hindi si King na aking kababata. Tama, mag kababata kaming dalawa ni King. Ninong ni King ang aking ama at parehas itong nasa pangangalaga sa ilalim ng YinYang’s Mafia, kaya naman madalas ay nasa mansyon kami nila King dahil madalas din mag punta doon ang aking ama. At dahil nawala na ang aking ina, ayaw ni Daddy na naniiwan ako sa aking mga taga- alaga o yaya kaya naman madalas ako nitong isama sa lugar nila King. Sa pamamagitan nito ay naging malapit kami sa isa’t isa, kahit hindi pumupunta doon si Daddy ay nag papahatid naman ako sa aking mga driver sa mansyon nila King upang makita ko ito. Nag bago lang ang aming samahan pag katapos kong sabihin sa kanya noong kami ay mga bata pa lang na ako ay may gusto sa kanya. AT iyon ang aking pag kakamali na sana itinago ko na lang, dahil simula noong araw na sabihin ko ‘yon sa kanya ay naging malayo na ang loob niya sa akin. Madalas na siyang wala sa kanila at tila iniiwasan ako hanggang sa isang araw ay naabutan ko siyang nasa garden nila sa labas. Flashbacks “Iniiwasan mo ba ako, King?” tanong ko sa kanya habang nakatingin sa kanya at nangingilid ang luha. “Hindi naman, sadyang hindi ko lang matanggap na ang nag iisang tinuturing kong kapatid ay may gusto pala sa akin,” seryosong sagot nito sa akin at tumingin sa labas ng gate. “Mauna na ako,” sabi pa nito at agad akong iniwan sa aking kinatatayuan. Flashbacks end Simula noon ay naging malamig na ang trato sa akin ni King at hindi ko ‘yon matanggap. Tila may nag utos sa aking isipan na siyang lumapit ako sa aking ama, ginawa ko ito, lumapit ako sa aking ama at sinabi sa kanya na may nararamdaman ako para sa anak ng kanyang kumpare. At dahil bata pa lang, sinabi niya sa akin na ipapakasal daw niya ako dito sa oras na ako ay tumanda na. Kahit na walang kasiguradohan ay naniwala ako. Nag tiwala ako sa sinabi ng aking ama, kaya naman ngayong lumaki na ako, muli kong inulit ang tungkol sa bagay na ‘yon sa akin ama. Ngunit ayaw pumayag ng ama ni King hangga’t hindi niya napapapayag ng kanyang sarilihan si King, hindi lang alam ni King ngunit ayaw din ng ama niya ang gusto ko, ang gusto kong mapang asawa niya at makasal sa akin. Dahil doon, kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin mapasakin si King. Third Person Nag mamaneho lang si Charlotte patungo sa pinag dalhan ng mga kalalakihan sa lugar ni Vanessa at dahil alam niya ang shor cut patungo dito ay nagawa niyang mauna kay King. Nakarating agad si Cahrlotte sa lugar at bumaba ng kanyang sasakyan. Ngiting tagumpay itong pumasok sa abandunadong gusali at agad namang nag tayuan mula sa kanilang kinauupuan ang mga kalalakihan ng makitang pumasok si Charlotte. “Ikaw pala…” malamig na sabi ni Vanessa kay Charlotte. Sumama ang timpla ng muka ni Charlotte nang makita na maayos pa rin ang itsura nito, buong buo at walang kahit na anong galos. “Anong ginawa ninyo? Hindi ba’t inutos kong sirain ninyo ang pag mumuka ng babaeng ‘to?” galit na sigaw ni Charotte sa mga kalalakihaa. “Kalma ka lang, Maam, siyempre hinitay ka muna namin para naman ma- enjoy mo yung masarap na pakiramdam at sa pandinig ng pag mamakaawa niya sa oras na pinapahirapan na namin sia, ‘diba?” nakangising sabi ng umaastang pinuno sa lima. Bigla namang napaisp si Charlotte sa sinabi nito, tama nga naman ang ginawa nila dahil parang wala namang kahit anong nakakasabik kung basta na lang niay makikitang sugatan at hindi makilala si Vanessa. “Sa ngayon, maupo ka muna at manuod,” dagdag namang sabi ng isang lalaki at dinalhan si Charlotte ng isang monoblock na mukang kalilinis lang. Kumuha si Charlotte ng panyo mula sa kanynag bag, inilagay niay ito sa kanyang upuan na ibinigay sa kanya ng lalaki bago niya ito inupuan. Kahit nasa ganitong sitwasyon ay umiiral pa rin kay Charlotte ang kaartehan. “Simulan ninyo na!” sigaw ni Charlotte sa mga kalalakihan. “Teka lang, kami na ba ang mag sisimula? Ayaw mo bang saktan siya?” pang dedemonyo ng isang lalaki kay Charlotte. Tumayo naman si Charlotte mula sa kanyang kinauupuan, dahan dahan siyang lumapit kay Vanessa. “Hindi ko alam kung anong nakita sa’yo ni King at ganun ganun ka na lang niya ipag tanggol sa akin,” nakangising sabi ni Charlotte kay Vanessa at hinawakan ang buhok nito. “Totoong buhok na ba ito? O baka naman fake na naman at niloloko mo lang ulit kami?” nakangiting sabi ni Charlotte. Abala naman ang apat na kalalakihan sa panununod habang ang isang lalaki na kanina ay kausap ni Vanessa ay hindi magawang makatingin dito dahil nakakaramdam ito ng awa para kay Vanessa. “Hindi ko naman malalaman kung peke ba ito o tunay kung hindi ko hihigitin hindi ba?” nakangiting tagumpay na sabi ni Charlotte habang unti unting hinihigpitan ang hawak sa buhok ni Vanessa at unti unti rin itong hinihigit. Nanatili lang walang emosyon si Vanessa, nakatingin lang siya kay Charlotte, tingin na tila ba si Charlotte na ang pinabaliw na babaeng nakilala niya sa balat ng lupa. Hindi nagustohan ni Charlotte ang ginagawa at ipinapakita ni Vanessa na tapang, gusto niyang alisin sa muka nito ang pinapakita ni Vanessa na tapang. Gusto ni Charlotte na mapalitan ito ng takot, luha, at kawalan ng pag asa. Yun ang nais niyang makita sa muka ni Vanessa ngunit kabaligtaran ang nakikita niya ngayon. Dahil sa labis na galit na nararamdaman ni Charlotte, pabalya niyang binitawan ang buhok ni Vanessa kaya naman pumaling ang ulo nito sa kabila. Pag katapos niyang gawin iyon ay agad niyang sinampal ng malakas ang muka ni Vanessa. Pumaling naman ang ulo nito sa kabila at bahagyang dumugo ang gilid ng labi. Muling sinampal ni CHarlotte ang muka ni Vanessa para naman ito ay pumaling sa kabila. Dahan dahang tumingin si Vanessa kay Charlotte, wala pa ring emosyon ang muka nito ngunit ang mga titig nito ay nakakakilabot na. Nag bibigay na ito ng kakaibang kilabot kay Charlotte at ayaw niya ng nararamdaman niya ngayon. Muli niya sanang sasampaling si Vanessa ngunit agad na sinalo ito ng kaliwang kamay ni Vanessa na natanggal na pala ang tali kanina pa dahil sa ginawang pag luluwag ng lalaking kanyang kausap kanina. “Tapos ka na?” malamig na tanong ni Vanessa kay Charlotte bago inilabas ang kanyang kanang kamay na nag mula sa kanyang likuran, “Ako naman.” Sinampal niya ng malakas ang pisnge ni Charlotte habang hawak hawak pa rin ng kanyang kaliwanag kamay ang isang kamay ni Charlotte na tinangka nitong isampal sa muka ni Vanessa kanina. “Isa pa,” malamig na sabi ni Vanessa at kahit hindi pa nakakapaling ang ulo ni Charlotte dahil sa lakas ng kanyang sampal ay muli niya itong sinampal gamit ang likuran ng kanyang kanang palad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD