Hendrix Kyro William (King) Agad na kinuha ni Liam ang kanyang Laptop mula sa kanyang bag dahil hindi niya makita at matrack ng maayos ang aking tablet sa kanyang cell phone. Habang ang iba naman ay lumapit sa pwesto ni Liam at tiningnan ang ginagawa nito. Habang abala sila ay naupo naman ako sa isang upuan, dahan dahan kong inilabas ang pusa na nakalagay sa bulsa ng aking jacket. “Meow~” “Meow~” “Meow~” “Meow~” “Meow~” “Meow~” “Meow~” “Meow~” Nag panic ako dahil sa paulit ulit nitong pag meow, tila ba umiiyak ito at may hinahanap. “Wow, King, ang cute naman niyan,” sabi ni Zane dahil naagaw na rin ng atensyon nila ang malakas na pag iyak ng pusa. “Bakit siya umiiyak?” tanong no Noah at bahagyang hinimas ang balahibo ng pusa. “Hindi ko alam, basta bigla na lang siyang guma

