Vanessa Lavender Smith (Queen) Unti unti kong binuksan ang aking mga mata, bumungad sa akin ang aking kisame. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa aking silid ngunit naalala kong nakatulog ako sa kubo na nasa pusod ng aking halamanan. Ganun pa man ay hindi ko na ito inisip pa, baka si Butler Shun o Axel ang nag dala sa akin dito. Tumayo na lang ako sa aking kinahihigaan, agad kong hinanap ang aking orasan at nakitang 4 am pa lang ng umaga. Minabuti kong lumabas na ng aking silid upang magtungo sa training room, mamayang alas- 10 ng umaga ay pupunta ako sa palasyo at ikokondisyon ko muna ang aking sarili para doon. Mabilis naman akong nakarating doon at binuksan ang pinto nito, naabutan ko doon si Butler Shun na abala sa pag lilinis ng mga equipment na naririto sa training room.

