Vanessa Lavender Smith (Queen) “Queen, here oh, check mo raw kung gumagana,” sabi sa akin ni Aikka at saka ito lumapit at inabot sa akin ang isang bilog na dalawang pares ng hikaw. Isinuot ko ito at sumenyas naman si Aikka kay Axel. “Queen,” rinig kong sabi ni Axel sa hikaw na aking suot suot. Tumango ako kay Aikka, muli ay sumenyas ito kay Axel. “Imik ka Queen, dali,” sabi ni Aikka. “Tsk,” sabi ko. “Narinig mo ba, Axel?” tanong ni Aikka dito. “Oo, malinaw na malinaw,” sagot naman ni Axel dito. “Okay, tuloy mo na, Pito,” sabi naman ni Aikka at muling umalis sa aking tabi at bumalik sa tabi ni Axel. “Sinabay sabay pa talaga nila sa pag aayos mo ang pag tetest ng gagamitin mamaya,” naiiling na sabi ni Peitho habang maingat na inilalagay ang aking short brown wig. Hindi ko na lan

