Hendrix Kyro William (King) Mabilis akong nakakuha ng simpleng tshirt na kulay white at isang jogger pants at kumuha na rin ako ng isang slide upang iterno dito. Isinuot ko na ang mga ito at agad na lumabas sa aking closet, imbis na dumeretso kay Lucky, nag lakad ako patungo sa aking gilid ng kwarto kung saan ko inilagay ang kanyang mga treats at pag kain. Maayos itong nakahanay doon, mayroon ding pakainan na maaari kong gamitin outdoors kaya naman kinuha ko ito, nag dala na rin ako ng water bottle ni Lucky ngunit ang inilagay ko ay gatas dahil umaga naman at kailangan din niyang mag almusal. Kinuha ko na rin ang kanyang mga gamot at vitamins na nakalaang inumin para ngayong umaga. Pag katapos kong ipunin ang lahat ng kanyang gamit sa lamesa, kinuha ko na rin ang isang maliit na bag na

