Third Person Nakarating din agad sila Vanessa, Peitho, Aikka at Axel sa Bar ni Stanley, kapatid ni Peitho na ngayon ay bubuksan pa lang. Agaw pansin ang malaki at kulay pula na ribbon ang nakatali pa sa entrance ng Bar, nakahanda na ang lahat at ang hinihintay na lang ng organizer ay si Stanley na bigla na lang umalis upang sunduin sila Vanessa. Nakita namn agad ng organizder ang sasakyan, kilala niya ang sasakyang sinakyan ni Stanley dahil nakita niya ito kanina noong umalis. Lumapit siya doon at bumukas naman ang pinto kung saan naroroon ang driver, lumabas mula doon si Stanley na nakangiti. Lumabas na rin sila Vanessa, Peitho, Aikka at Axel. Marami ng tao at karamihan ay kaklase ni Stanley sa isang sikat na unibersidad na pinasukan nito noong siya ay nakakaramdam ng inip sa buhay.

