CHAPTER 86

1471 Words
Stanley Pumasok na ako sa loob nang dumating ang isa sa stuff, siya ang pinapalit ko sa aking pwesto upang iwelcome ang mga bisita. Pag pasok ko ay nag tungo muna ako sa bar counter dahil kukuha ako doon ng isang mamahaling alak upang dalhin sa lamesa nila Peitho, ang aking kapatid. Ngunit pag dating ko sa bar counter, nakita kong nakaupo doon ang aking kapatid, nakatalikod ito mula sa aking p’westo pero kilalang kilala ko ang tindig nito kaya nasabi kong ito ang aking kapatid. “Anong problema, bakit hindi ka pa umaakyat?” bungad kong tanong sa kanya nang ako ay makalapit na sa kanyang tabi. “Congratulationsm Kuya,” nakangiting sabi nito bago ako niyakap. Imbis na matuwa ay nakaramdam ako ng pag tataka, hindi naman ganito kalambing si Peitho. Nagiging ganito lang ito sa akin kapag may mga nangyayare o di kaya naman ay may malalim siyang iniisip at mayroon siyang problema. “Anong problema? Tell me,” malambing kong sabi sa kanya pagkatapos niyang bumitaw sa pag kakayakap sa akin. “Nothing, sadyang namiss lang kita,” nakangiting tunay na sabi sa akin ni Peitho. Tinitigan ko siya ng matagal, I know na may mali pero kung hindi pa siya handang sabihin o ikwento sa akin, hahayaan ko siya. Ngumiti ako sa kanya ng matamis. “Ikaw talaga, akala ko hihiling ka na naman ng lupa at bahay sa kung saang lugar,” biro ko sa kanya. Sumimangot naman ito at ngumuso, “Nag lambing lang, may hihingin na agad,” nakangusong sabi nito. Tumawa ako sa kanya bago ko ginulo ang kanyang buhok, lalong nalukot ang kanyang muka bago nito tinabig ang aking kamay. “Ano ba, nasisira hair style ko,” nakangusong sabi nito sa akin, “Nag aano ka ba dito, bakit hindi ka pa dumeretso sa itaas?” dagdag pang sabi ni Peitho. “Kukuha ako ng mamahaling alak, dadalhin ko sa lamesa n’yo,” sabi ko sa kanya bago sinenyasan ang isa kong bartender na iabot sa akin ang isa sa mga alak na nakadisplay. Ibinigay naman nito sa akin agad ang alak, pagkatapos kong makuha ito ay inakbayan ko na si Peitho. “Tara na sa itaas,” sabi ko sa kanya. Tumango naamn siya sa akin kaya nag umpisa na akong mag lakad habang nakaakbay kay Peitho, maraming lamesa akong nadadaanan kung saan naroroon ang aking mga kaklase, tumatango ako sa mga ito at minsan ay nakikipag apir pa. Hindi naman sila nagtatanong kung anong relasyon ko kay Peitho, mabuti an rin ito upang hindi an ako mapatagal pang makipag usap sa kanila. Nag tuloy tulyo na lang kami sa pag lalakad at dumretso na sa itaas. Agad kong hinanap ang lamesa kung saan naroroon ang mga kasamahan ng aking kapatid, nakita ko naman ito agad at nag lakad na ako patungo doon kasama si Peitho. “Stanley!” sigaw ni Aikka ng ako ay makita. Ngumiti ako sa kanya, agad din kaming nakalapti sa lamesa ng mga ito at agad kong napansin ang kalalakihan na hindi pamilyar sa akin, marahil ay panibagong kaibigan ng aking kapatid. “Anong ginagawa ng mokong na ‘yan dito?” napatingin ako kay Peitho dahil sa biglang pag sasalita nito. Nakita ko namang nakatingin ito sa iisang tao, tiningnan ko agad ang tintiingnan nito. Ito yun kanina ay parang nakatalonan niya sa labas ng bar. “Aalis din ako agad,” sabi ng lalaki at tumayo na. “No, walang aalis, hayaan mo na ang kapatid ko, sad’yang napakasungit lang nito,” nakangiting sabi ko sa lalaki. Bumalik anman sa kinauupuan niya yung lalaki, binitawan ko na si Peitho upang makapag pakilala sa mga ito. “Mukang mga bago kayong kaibigan ng aking kapatid, hayaan niyong mg pakilala ako sa inyo, I’m Stanley, Peitho is my younger sister, sana alagaan n’yo siya kahit na napakasungit at tigas ng ulo,” nakangiting sabi ko sa kanya. “Handa naman akong alagaan siya, sadyang ayaw niya lang sa akin,” sabi ng lalaking kanina ay tinawag ni Peitho na mokong. Mukang may tama na ito, dahil sa nakikita kong mga bote na walang laman sa kanilang lamesa sa tingin ko ay ito ang umubos. “This is King, Liam, Luke and Henry, while that one is Zane,” sabi ni Aikka sa akin habang itinuturo isa isa ang mga kalalakihang nasa lamesa nila. Naisip naman ako dahil sa aking narinig, kung hindi ako nag kakamali, narinig ko ang pangalan na King. Tinitigan ko ang lalaking tinawag nitong King, hindi ito nakatingin sa akin at nakatuon lang ang atensyon kay Vanessa. Hindi ko naman maiwasang mapailing sa aking kaloob looban, dahil kasalukuyan ngayon tinititigan ng King ang Queen na sa tingin ko ay hindi nila alam. Sunod kong tiningnan ang lalaking hulinf pinakilala ni Aikka, kung hindi ako nag kakamali ay Zane ang pangalan nito. Napangiti ako dahil nakatingin ito kay Peitho habang si Peitho naman ay masama ang tingin dito. “Kung ganun, welcome sa aking bar sana madalas ko kayong makita dito, hayaan n’yong samahan ko kayong uminum,” masayang sabi ko bago ko binuksan ang mamahaling alak na aking dala dala. Naupo ako agad sa tabi ng lalaking nag ngangalang Zane, nakita ko pa na bahagya itong nagulat ngunit hindi ko ito pinansin. Tumingin ako kay Peitho at base sa nakikita kong reaksyon niya, malamang ay may koneksyon nga siya sa lalaki. Una kong nilagyan ng tagay ang baso ng lalaking nag ngangalang Zane. “Kapatid ako ni Peitho, ngayon lang ulit kami nagkita kita kaya hindi ko alam kung may nabago ba sa ugai niya, p’wede niyo ba akogn kwnetohan?” nakangiting sabi ko. “Hehehe, yun pa rin naman ang ugaling meron ako, Kuya, at isa pa, dapat hindi ka na dito sa lamesa namin kasi nag hihintay sa’yo mga kaklase mo!” madiing sabi sa akin ni Peitho. Nakita ko naman ang bahagyang pag ngisi ni Aikka. “Kuya Stan, ayaw ko sigurong makita at makasama ni Pito,” nakangiting sabi ni Aikka bago ako kinindatan at tila pa sinasabing sakyan ko ang kanyang sasabihin. “Sa tingin ko parang ganun na nga, Aiks, hindi manlang niya ako namiss,” kunwari’y malungkot kong sabi. “Tigilan mo ako kuya, sige na mag inum na lang kayo diyan!” inis naman na sabi ni Peitho. Hindi ko maiwasang mapatawa dahil mukang nag tagumpay kami ni Aikka na hindi ako paalisin ni Peitho dito sa kanilang p’westo. “So, as I was saying, baka p’wede n’yo akong kwentohan tungkoln kay Peitho?” nakangiting sabi ko. “Zane, kwento ka daw sa kuya ni Peitho,” sabi ni Luke dito. Tiningnan ko naman ang lalaking katabi ko, kita kong nagulat ito dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan pero agad na kumalma ang muka nito. “Hindi ko alam ang ikwekwento ko, hindi ko na rin kasi halos makilala ngayon si Peitho,” malungkot na sabi nito bago ngumiti ng mapait at tumayo, “Cr lang ako,” paalam nito. Naiwan namang tahimik ang aming lamesa, tiningnan ko si Peitho at nakita ko ang mga mata nito na sobrang lungkot ngunit agad din itong nawala. “Okay, cheers, babalik din naman yun mag c-cr lang,” sabi ni Aikka na tinapos na pala ang pag lalagay ko ng alak sa aming mga baso. Itinaas naman namin ang aming mga baso, maliban kay Vanessa. “Ikaw din,” sabi ni King kay Vanessa. Nakita ko kung paanong balewalain lang ni Vanessa ang sinabi ni King, tumingin lang ito sa ibaba ng bar. Nakita ko naman na tumayo si King at kinuha ang kamay ni Vanessa at inilagay sa baso ng kanyang alak bago ito itinaas at nakipag toast sa amin. Hindi ko naman maiwasang mapangiti at mapatingin kay Axel na seryoso lang ang muka. Uminum na sila ng alak at kanya kanya ng kwentohan, habang si King at Vanessa naman ay abala sa pag tingin sa ibaba ng Bar. Mukang mayroong pag kakatulad ang dalawang ito, paehas silang tahimik at may sariling mundo, sigurado ako kay Vanessa na ganun ito ngunit kay King ay hidni. Ngayon ko pa lang ito nakita at nakilala kaya hindi ako p’wedeng mag sabi basta basta ng nakikita ko. Isa lang ang siguraod ako sa aking nakikita, mayroong koneksyon ang dalawang ito. “May kaibigan kami, Bar owner din, sasama sana s’ya nagkataon naman na may family dinner ang mga ito,” biglang sabi sa akin ni Luke na nasa kabilang tabi ko. “Talaga? Sayang naman, sana nakapag tanong ako sa kanya ng iilang tip,” nakangiting sabi ko dito. “Oo nga sayang, pero kapag available na yun baka dalhin namin siya dito, matagal na ‘yon nasa industriya ng bar kaya marami na ‘yon karanasan,” sabi ni Luke sa akin pagkatapos ay ngumiti ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD