CHAPTER 23

1492 Words
Charlotte The reason why I suddenly want to see King is because I called him earlier and a girl answered my face time for him. Excited na excited pa naman ako dahil first time niya akong sinagot sa face time, tsk. Pag pasok namin sa entrance ng garden ay may nakita kaming mga nakahiga. “Dito pa talaga dumayo ang mga ‘yan,” natatawang sabi ni Zane at nag patuloy kami sa pag lalakad ngunit namukaan ko ang lalaking nasa ilalim. “OMG! WHAT THE f**k KING!” sigaw ko at mabilis na lumapit sa kanila. Nakita namin si King na nakahiga sa lupa habang may nakapatong na isang babae na maiksi ang buhok, nakatago ang muka nito kaya hindi ko ito makilala but for sure kilala ko ang slutty b***h na ito. “T-teka, si Vanessa ba ‘yan?” napatingin ako kay Liam ng bigla itong nag salita. “Shhh, natutulog yung tao,” sabi ni King at tumingin sa akin. “Anog kailangan mo, Char?” seryosong tanong sa akin ni King. “Ang ingay naman…” napatingin kami sa babaeng nakahiga sa ibabaw ni King dahil bigla itong nag salita. Vanessa Lavender Smith (Queen) Unti unti kong binuksan ang aking mga mata dahil sa ingay na aking naririnig, isa pa ay dahil na rin sa tila kakaiba na ang pwesto ko kumpara sa pwesto ko kanina bago matulog. Bumungad naman sa akin ang isang katawan at gumagalaw na higaan, doon ko lang napag tanto na nasa ibabaw pala ako ng isang tao. Dali dali akong umalis dito at tiningnan ang taong yun at nakita ko si Kyro. “Mabuti naman at nagising ka na, Sleepy head,” nakangising sabi niya sa akin. Tiningnan ko lang siya ng malamig at tumingin sa paligid, doon ko lang nakita na nakahiga pala kami sa damuhang parte at nasa harapan namin ngayon ang kanayang kagroupo kasama ang isang pamilyar na babae. Tumayo na ako at nag pagpag ng aking bag at suot bago ako tumalikod sa mga ito at nag umpisang umalis. ‘Hindi ko akalaing ang taong nag panggap bilang ako ay nasa iisang paaralan kung saan ako kasalukuyang nag aaral ngayon,’ sabi ko sa aking isipan habang dire- diretsong nag lalakad paalis sa lugar na ‘yon. “Teka lang, Vanessa!” rinig kong tawag ni Kyro sa akin ngunit hindi ko ito nilingon. “Umalis na kayo, may appointment ako ngayon at kasama ko ang assistant ko,” rinig ko pang sabi nito. Maya maya lang ay may sumabay na sa akin sa pag lalakad. “Sa pagkakaalala ko, wala naman tayong napag usapan na may appointment tayo ngayon,” malamig na sabi ko sa kanya habang diretso pa rin ang tingin sa aming daan na nilalakaran. “Baka naman iniisip mong gusto lang kitang makasama kaya sinabi ko yun, ang totoo niyan ay kailangan ko lang makaalis sa lugar na yun para hindi na makita pa si Charlotte, tss,” parang bata na sabi niya sa akin na naging dahilan para tingnan ko siya at muling ibalik ang tingin sa aking dinaaraanan. Hindi ko siya inimikan, kaya naman parehas kaming tahimik habang sabay na nag lalakad. “Yung kanina… madalas mo bang ginagawa yun?” napatingin ako sa kanya dahil hindi ko matukoy kung alin yun sinasabi niya. “Yung pag tulog tulog mo sa taas ng puno, Vanessa,” seryosong sabi pa niya. Tumango ako dito bilang sagot, ano namang mali sa pag tulog sa itaas ng puno? “Huwag mo ng uulitin yun, baka mamaya ay mahulog ka at magkataong wala ako, walang sasalo sa’yo,” seryosong dagdag pa nito at muli ay nag umpisang mag lakad. Naiwan ako sa pwesto kung saan kami tumigil, nakatingin langa ko sa kanya hanggang siya ay mawala sa aking paningin. “Woy, ano yun, huh?” nabaling ang aking tingin sa aking kanang bahagi at nakita ko doon si Peitho, Axel at si Aikka na mag kakasama. “Walang sasalo, walang sasalo, huh?” nakangising dagdag na sabi pa ni Peitho habang nag lalakad sila palapit sa akin. “Wala yun,” sabi ko at nag umpisa ng mag lakad. Ramdam ko na nakasunod lang sila sa akin, wala ng klase ngayon kaya malaya silang nakakalibot saa school. Habang ako naman ay sinuswerte ngayong araw na ito dahil abala ang mga estudyante at wala sa akin ang kanilang atensyon. “Hindi ka nag lunch kanina, ipinag take out ka ni Axel ng pagkain,” sabi ni Aikka sa akin. Tumingin naman ako kay Axel, itinaas nito ang plastik na mayroong tatlong microwavable container na mukang may lamang pagkain. “Nakatulog ako sa puno,” malamig na sabi ko sa mga ito. “Hulaan ko, yung sinasabi ng mahangin na King na yun na sasalo ay dahil nahulog ka sa puno habang natutulog at siya ang sumalo, tama ba?” nakangising tanong ni Peitho sa akin. Hindi ko siya sinagot at ang patuloy lang sa aking pag lalakad, may nakita akong isang building dito na mayroong rooftop at balak ko silang dalhin doon ngayon total wala namagng klase na. “Silence means yes, ‘di ba Aiks?” sabi ni Peitho na agad namang sinang ayunan ni Aikka. Hindi ko na lang pinansin pa ang dalawa, hindi naman na kailangan pang sagutin ito. Matagal na nila akong kilala kaya malamang alam na nila ang sagot. “Anyways, Que- Vanessa, saan ba tayo pupunta? Kanina pa tayo lakad ng lakad, sumasakit na ang mga paa ko,” nakasimangot na sabi ni Peitho. Napatingin naman ako sa paa nito, kaya naman pala sumasakit. Ikaw ba naman ang mag suot ng six inches heels? Sinong hindi sasakit ang mga paa niyan. “Bumili ka tsenilas tapos itapon mo na yan,” nakatawang sabi ni Aikka kay Peitho kaya sumimangot ito. “Eh, kung ikaw kaya ang itapon ko ke’sa sa Hermes kong heels?” mataray na sabi ni Peitho dito. “Queen oh, itatapon daw ako,” sabi ni Aikka. Sabay sabay kaming napatingin sa kanya, nagulat naman siya at napatakip ng kanyang bibig. Ngunit mas nagulat kami ng may nag salita sa likuran namin. “Queen pala huh? Muka bang Queen si Nerd?” tumingin ako dito at nakita ko doon si Kyro. Tinaasan ko siya ng kilay habang pinapanatiling walang emosyon ang muka. “Yes, Queen, Our Queen of beauty,” mukang natural na palusot naman ni Peitho habang si Aikka ay nanahimik sa tabi ni Axel. “Anong kailangan mo?” balewalang tanong ko kay Kyro. “I need to know about my following schedule, yun talaga ang pakay ko kanina kaya hinanap kita at nakita nag kita doon sa itaas ng puno and nakalimutan ko itanong kanina so hinahanp kita ulit, luckily hindi ka pa nakakalayo,” mahabang paliwanag niya. Ibinigay ko naman agad sa kanya ang kanyang tablet at tumalikod na, ganun din ang ginawa nila Peitho at ang umpisa na kaming mag lakad. “T-teka, hoy ano ‘to?” inis na tanong niya sa akin. Muli ko siyang hinarap, “Tablet,” simpleng sagot ko sa kanya. “Alam ko!” inis na sigaw niya, “What I mean is bakit mo ibinigay ito? Assistant kita, remember? Sumama ka na nga lang sa’kin ang hirap mong kausap!” sigaw niya at mabilis na hinawakan ang aking isang kamay at hinila. Napanganga na lang sila Peitho at Aikka, kaya sinenyasan ko ang mga ito na okay lang. Kakausapin ko silang lahat mamaya pag uwi tungkol dito, gusto ko ng makaalis sa lugra na ito at magagawa ko lang yun kapag natapos ko ng mapatay ang Emperor na naging dahilan kung bakit kailangan ko pang manatili dito. “Saan mo ako dadalhin?” walang emosyong tanong ko dito. “Sa langit,” sabi niya sa akin habang tuloy tuloy pa rin sa pag lalakad. “Nakakatawa,” cold na sabi ko sa kanya at tumingin sa daan na tinatahak namin. “Wait,” sabi niya at tumigil kami sa isang pinto. May inilbas siyang isang susi at binuksan ito, pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto at una niay akong pinapasok. Doon ko nakita ang isang malawak at maaliwalas na silid. Tila isang opisina ito dahil mayroong nag iisang office table sa dulo nito at mayroon ding office chair. “Dito ang main office ko, as a president of William’s club, kailangan may peace of mind ako kada gagawa ako ng trabaho so I have my own office her, kaya sa oras na ipatawag kita, alam mo na kung saan ka pupunta kapag sinabi kong office, okay?” mahangin na sabi niya sa akin na sinagot ko lang ng tango. “Ipag photo copy mo ako nito, 500 pieces, kailangan na yan ngayon,” sabi niya sa akin at ibinigay ang tatlong pages ng bond paper na hindi ko na binasa pa ang laman. Tinanggap ko na lang ito dahil gutom na ako at ng matapos na agad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD