Vanessa Lavender Smith (Queen) Habang nasa kalagitnaan ng aking pag phophoto copy, bigla akong nakaramdam ng hilo. Napahawak ako sa machine daahil pakiramdam ko ay matutumba ako. “Okay ka lang ba?” narinig kong tanong ni Kyro mula sa aking likuran. Hindi ko ito sinagot, tumindig ako ng tuwid at agad na ipinag patuloy ang aking ginagawa. “T-teka… may blood stain,” nauutal na sabi niya kaya agad akong tumalikod sa kanya. “Saan?” tanong ko at pilit na nanatiling kalmado. “Wait, meron ka yata, hintayin mo ako dito pupunta ako kay mommy ang alam ko may pads doon,” sabi niya sa akin at dali daling lumabas. Naiwan akong nakatayo at nakatingin sa pintong kanyang nilabasan. Wala akong masabi, gusto kong matawa sa reaksyon niya kanina na animo’y nabarila ko kaya ako ang kadugo. Tap

