CHAPTER 10

1759 Words
3RD PERSON’s POV: “Boss, I found them.” Napaangat ako ng tingin. Sumandal ako sa aking swivel chair. Nakapatong ang aking mga siko sa armrest. “What? I am f*****g waiting.” Naiirita ako sa kakahintay ng sagot niya. Umayos siya ng tayo. Lumapit siya sa akin at inilatag sa harapan ko ang folder. Kinuha ko isa-isa ang mga pictures. Ang batang babaeng nasa picture ay tantiya ko nasa ten-eleven years old. Ang batang lalaki nasa trese o katorse anyos na. “Tell me everything I need to know.” Blangko ko siyang tinitigan. Bawat buka ng bibig niya napapataas ang kilay ko. “This kid, she was abused, unable to go to school, her mom died. She has no known relatives. I am still searching for her biological father. It is not in the records.” Tumango-tango ako. “This kid was found in Baclaran, and there are no known relatives. I have his DNA. I am just waiting for the results. This is his mother; her name is Maggie. As per my investigation, she was seen in your son’s place. “You may leave.” Pagputol ko sa anumang sasabihin niya. Nang marinig ko ang paglapat ng pintuan agad akong tumayo. Nagsalin ng alak sa aking baso. Agad kong sinimsim iyon. “Argh!” Hindi ko mapigilan ang hindi pagsigaw sa paglapat ng mapait na likido. Nalasahan ko ang tapang ng bourbon na sumayad sa lalamunan ko. Napatingin ako sa glass window. Ang gulo ng tumatakbo sa isip ko. Huminga ako ng malalim. Napatingin ako sa mesa kung saan nagkalat ang lahat ng mga papeles na iniwan ng imbestigador ko. Umupo ako ulit at isa-isang tiningnan ang mga dokumento at mga litrato. Napatingin ako sa batang lalaki. He looks exactly like him when he was a kid. I traced my fingertips on the photo. Napangiti ako ng bahagya. Kailangan kong hanapin ang nanay niya. Tinungga ko ang alak natira sa aking baso. Agad kong iniligpit ang lahat ng kalat sa ibabaw ng aking mesa. Napatingin ako sa litrato ng aking asawa. She’s gone but her memories remain in my heart. Kinuha ko iyon. Mapait akong ngumiti. It feels like yesterday. The pain, longing and the hatred in my heart. “I miss you, hon.” Mahinang usal ko at dinala sa mga labi ko ang litrato niya. Ramdam ko ang paninikip ng aking dibdib. Taas-baba ang balikat ko. “I am still crying every time I miss you, hon. I am sorry I wasn’t around to protect you. I am so sorry, hon. It is all my fault. Wala akong magawa kundi ang panoorin kang nilapastangan.” Para akong nasisiraan ulo sa tuwing nagre-replay sa aking utak paano nila binaboy ang asawa ko. Hindi ko alam kung ilang minuto, o oras akong nakayakap sa picture frame ng asawa ko. Until my heartaches stopped. Until I became numb again. Natuyo na ang mga luha sa mga mata ko. Agad akong tumayo at tinungo ang private room ko. Niluwagan ko ang aking necktie habang naglalakad. Diretso sa banyo para maghilamos. Para akong nahimasmasan sa lamig ng tubig sa aking mukha. Napatingin ako sa aking repleksyon sa salamin ng ilang segundo. Bumuga ng malakas na hangin para kahit paano gumaan ang pakiramdam ko. Nagpunas ako ng mukha bago tuluyang bumalik sa opisina ko. Inabala ko ang aking sarili sa pagpirma ng mga dokumento na inilagay ni Micah sa table ko kanina. She’s, my secretary. Napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang mahinang katok. Bumukas iyon ng bahagya at sumilip si Micah. “Sir, Dr Carlisle Buenavista Sr. Gusto daw kayong makausap sir.” Tumango ako. “Let him in.” simpleng sagot ko. Ilang segundo pa pumasok siya, the famous Buenavista. Seryoso ang mukha niya. “Buenavista?” Sabay turo ng upuan sa harapan niya. “I need your help.” Walang preno niyang sabi sa akin. Napakunot ang noo ko. Hindi ko alam paano siya sagutin. Pero sinuri kong mabuti ang mga mata niya. I saw nothing but desperation. “What kind of help.” Sabay sandal ko sa aking swivel chair. Hindi siya kumibo, nagpakiramdaman pa kami. Hindi nakaligtas sa akin, ang paghugot niya ng malalim na buntong hininga. Tumayo, at naglakad ng pabalik-balik sa opisina ko. “Hindi ito stage para magmodel ka sa harapan ko Carlisle, hindi kita type.” Pabirong tukso ko sa kanya. Tumigil siya, pinaningkitan ako ng mga mata, saka naglakad ulit ng pabalik-balik sa harapan ako. Tumayo ako, kumuha ng dalawang baso, nagsalin ng alak. Iniabot sa kanya. Itinuro ko ang mahabang sofa para doon kami umupo. “So, why are you here, Carlisle?” Sumeryoso na ako. Mata sa mata ang titigan namin. Inisang lagok niya ang ibinigay kong alak. “They’re planning to kill us.” Seryosong pag-amin niya sa akin. Kaya pala hindi siya mapakali. “Am I supposed to help you? You have tons of highly trained men. Why do you need my protection?” Sumandal ako sa sofa. “I withdraw the arranged marriage of my grandson Clint to one of the notorious Mafia in Asia.” Hindi nakaligtas sa akin ang boses niya na takot na takot. “I am not a fighter, you know that; I am a doctor.” Hindi ko alam kung anong protection ang kailangan niya. “Kung mamatay ka, kahit natutulog ka mamatay ka? Anong silbi ng pera mo kung hindi ka maproteksyunan nito.” Hinamon ko ang emosyon niya. Alam ko may iba pa siyang dahilan. It was just a f*****g arrange marriage. I know na mas may mabigat pa siyang dahilan. Iyon ang gusto kong malaman. Hindi ako pupunta sa giyera niya ng hindi ko alam ang totoong dahilan. “f**k!” Dinig kong mura niya. Tumayo siya. Nasundan ko siya ng tingin papunta sa alcohol countertop ko. Napataas ang kilay ko ng bumalik siya dala na niya ang bote ng alak. “May balak ka bang maglalasing sa oras ng trabaho ko, Carlisle?” Natatawang tanong ko sa kanya. I could sense his f*****g nervous. But I am in the mood to tease him even more until he begs. Connection is investment, control is power at ang utang na loob is an investment to a desperate person like Carlisle. “f**k!” Nagmumura na naman siya sa harapan ko. Napatingin ako sa baso niya puno iyon pero segundo na lang ubos na. “Who threatened you?” Pero hindi siya sumagot. “Nagpunta ka dito sa opisina ko, para humingi ng tulong o mag inom? Umalis kana, doon ka sa inyo uminom.” Inubos ko ang alak sa baso ko at tumayo. “f**k!” Mura niya ulit. “Kahit isang million pang f**k ang lumabas diyan sa bibig mo. I will not help you, until I know the truth, Carlisle. Bakit ako sasabak sa giyera mo, kung hindi ko alam ang totoo. Paano kung may patibong sa paglusob ko? Because you missed the truth?” Walang emosyon ko siyang sinagot at tiningnan. “They have Clint. They took my grandson. Just name your price, iligtas mo lang si Clint. Parang awa mo na.” Napaawang ang bibig ko ng lumuhod siya sa harapan ko. That’s a grandfather’s love. “Favor is very expensive, Carlisle,” seryoso kong imporma sa kanya. “I can pay how much? Give me a figure then, I will have it transferred,” tugon niya. Nailing ako. Nilapitan ko siya at pinatayo. Hinarap ko siya. “Hindi ako Diyos para luhuran mo. Umalis kana, ako na ang bahala mag imbestiga. Your son will return unharmed.” Kumpiyansa kong sabi sa kanya. He hugged me. “Thank you so much. I owed you everything.” Kumalas siya. “Umalis kana, ako na ang bahala sa paghahanap sa anak mo.” Pagtataboy ko sa kanya. Tumango siya. “Thank you.” Simpleng sagot niya at humakbang palabas ng opisina ko. Nasundan ko na lang siya ng tingin hanggang sumara ang pintuan. I took my phone and dialed one of my best men. Naka ilang ring iyon, bago niya sinagot. [I need your service.] Agad kong bungad pagkasagot ng nasa kabilang linya. [Name] Tanong niya sa akin. [Clint Buenavista] The line was disconnected the moment I said my name. There was no more discussion or anything. Seconds later, tumunog ang phone ko. Napatingin ako sa message: It was a bank account number. How much did he charge me? Ten Million pesos? Nang matransfer ko ang pera. Akma akong titipan ng mensahe ng tumunog ang phone ko. [Received] Napailing na lang ako. Napatingin ako sa intercom. It was my secretary. “Yes, Micah?” “Mauuna na po akong umuwi, sir,” paalam niya sa akin. “Okay!” Agad kong binaba ang intercom at tumayo. Pumasok ako sa private room at nag hubad ng damit. Bumuhos sa mukha ko ang malamig na tubig. Naglakbay na naman ang diwa. FLASHBACK “Why don't you die already?” Umalingawngaw boses niya ang boses ng isang Adizzoni! “Why don't you just kill me?” Matapang kong sagot. Madilim sa basement. Wala akong maaninag. Wala akong ibang naaamoy kundi masangsang na tila patay na hayop o tao. Nakaupo ako sa basang semento. Wala akong ideya kung anong oras na, anong araw na? Kung ilang buwan, taon akong nakakulong dito. I barely recognized myself. “Beg! Beg!” Malademonyong sagot niya. Sinabayan niya iyon ng malutong na halakhak. “I was already dead the moment you took me. Kung anong gawin mo, wala akong pakialam. But the last thing you wanted me to say it will not happen. Maybe in your dreams!” Maangas kong sagot. Naamoy ko na ang sarili ko, kung hindi niya ako papatayin, maybe mamamatay rin naman ako sa impeksyon sa lugar na ito. “Oh, come, just one word! I will immediately end your suffering.” Panghahamit niya sa akin. I chucked with sarcasm. “Hindi nga ako nagmakaawa when you molested and killed my wife in front of me. Ito ba pa naman magmamakaawa ako sayo?” Deep down I wanted to end my life. Pero sa tuwing binabalikan ko ang kalunos-lunos na ginawa niya sa asawa ko. I have only one goal. Kill them all. “Don’t you dare f*****g beg! Promise me, don't f*****g beg!” Ito ang mga salitang paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko. I promised her I would not beg. Kahit ilang beses kong gustong mamatay. After they’d raped her, he pulled the trigger while I was watching. That moment, my soul and heart died with her…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD