CHAPTER 11

1235 Words
KHAMALA’s POV: Sinalakay ako ng matinding takot ng may marinig akong mga kaluskos! Papa G, hindi naman siguro kapre, engkantong ligaw or tikbalang ‘yon diba? Mahinang usal ko. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Naninikip na rin ang dibdib ko. Lalo kong hinigpitan ang kapit ko sa kumot. Na tila doon ako humuhugot ng lakas ng loob. Na ma protektahan ako ng aking kumot. Ramdam ko ang panginginig ng aking buong katawan. Bakit ba kasi dito pa ako natutulog sa labas, kahit sa kusina na lang sana. Parang dudugo na ang labi ko dahil pigil na pigil ang aking pagsigaw! “Ahhh!” Agad akong Napabalikwas ng bangon ng may kung anong bagay ang nahulog sa akin. “Meow!” Malulutong na halakhak nila Piper at Emerald ang naririnig ko. Sabay silip ko sa kanilang dalawa nakatayo at nakatingin sa akin kung saan ako nagtatago. Para akong atakihin sa puso. Pusa lang pala! “Akala ko ba matapang ka ha? Duwag ka rin naman pala!” Pang-aasar ni Piper. Gusto ko na talaga siyang labanan hindi ko naman magawa dahil pagtutulungan lang ako ng dalawa. Nag-apir pa sila. Samantalang ako nanginginig sa takot. Gusto ko nang umiyak, pero pigil na pigil ako dahil sigurado gagawa na naman sila ng bagay na ikakapahamak ko. “Magluto ka ng breakfast namin! Papasok ka na kami sa school. Palibhasa palamunin ka lang dito. ‘Yong uniform ko plantsahin mo!” Agad akong piningot ni Piper. Hila-hila ang tenga papasok sa loob. “Aray, ma’am Piper masakit po, please parang awa niyo na…” Ang luha na pilit kong pinipigilan kanina, ay kusang nanlandas sa aking mukha. Panay pa ang sipa ni Emerald sa likod ng tuhod ko. Nang makarating kami sa kusina, marahas akong binitawan ni Piper. “Bilisan mo, male-late na kami!” Wala akong nagawa kundi ang tumango. Sabay punas ng aking mga luha. Napatingin ako sa aking mga kamay, hanggang ngayon nanginginig pa rin iyon. Nang makaluto ako, inilapag ko na ang niluto ko sa mesa, bacon, scrambled eggs at pancake. Naghanda rin ako ng baon nila Piper at inilagay sa kanilang lunch box. “Handa na, Ma'am Piper at Ma'am Emerald.” Hindi sila sumagot bagkus, nang dumaan sila sa gilid ko, sabay nilang binangga ang magkabilang gilid ko. Napangiwi ako sa sakit. Nang dumaan si Uncle Salvador masamang tingin din ang pinukol sa akin kaya natakot ako lalo. Agad akong bumalik sa dining room para ipaghanda siya ng kape. Nanginginig ang kamay ko habang nagsasalin sa tasa. Ilang beses akong nag kuyom ng kamao para pigilan ang panginginig ko. Nang akma kong ilapag ang mainit na kape sinipa ni Emerald ang paa ko. “Putang ina naman Khamala!” Naibuhos ko kay Uncle Salvador ang mainit na kami. Baka nalapnos ko ang balat niya. “Walang silbi!” Sabay hila sa buhok ko. Parang matanggal ang anit ko. Isinalya niya ako sa ref at tumama ang likod ko roon. Napakagat ako ng aking pang-ibabang labi dahil sa sobrang sakit. “Uhmmp!” Tahimik akong umiyak. Hindi ko na maaninag kung gaano kagalit si Uncle Salvador. Pinatalikod niya at ramdam ko ang sakit ng sinturon na tumatama sa aking pang-upo. Balahaw ang iyak ko. “Tama na po! Tama na po! Tama naaaa!” Kahit ilang sangga ng kamay ko ang pamalo niya ng sinturon, tumatama pa rin ito sa likod ko. Iyak na lang ang nagawa ko, dahil tila bingi rin naman si Uncle Salvador sa pagmamakaawa ko. Hanggang sa mapagod siya kakahagupit sa likod ko. Halos hindi na ako makagalaw. Sa sobrang hapdi, ng likod ko. Iyak ako ng iyak. Hindi ko alam kung gaano katagal na nakadapa na halos makakilos. Pinunasan ko ang aking luha, sabay tingin sa mga braso, binti ko. Puro sugat iyon. Pagapang kong tinungo ang banyo. Dahil hindi na ako makatayo. “N—nanay, n—nay kunin niyo na po ako. Hindi ko na kaya. Pagod na pagod na po ako.” Napakapit ako sa may gilid ng pintuan ng banyo at pilit kong itinatayo ang aking sarili. Nang magawa ko iyon, napatingin ako sa salamin. Pagang-paga ang mga mata ko dahil sa pag-iyak. Napapadaing ako sa sobrang sakit, nang dahan-dahan kong inangat ang aking damit. Kahit sobrang sakit tiniis ko iyon. Napatakip ako ng aking bibig nang makitang halos wala ng paglagyan ang sugat sa likod. Para akong nauupos na kandila. Para akong naubusan ng lakas. Napaluhod ako sa bath tub dahil sa sobrang sakit hindi ko maisandal ang likod ko roon. Nang mangalay ako, namaluktot ako na parang sanggol. Doon na ako humiga sa sahig kahit medyo basa pa iyon. Ramdam ko ang kirot at sakit. May dugo rin ang damit ko. Hindi ko namalayan nakatulog ako, paggising ko naka-kumot na ako at nakahiga na ako sa kama nina Piper at Emerald. Agad akong bumangon ng hindi man lang napangiwi. Wala na rin ang sakit ng katawan ko. Agad kong tinanggal ang kumot ko. May ointment na mga iyon. Kinapa ko ang aking likuran. Hindi na rin gaanong masakit ang likod ko. Parang magic na bigla na lang nawala. Tinungo ko ang dining room, pero malinis na iyon. Nakapatas na sa dish rack ang mga plato, pati ang kawaling ginamit ko. Napakunot ako ng noo malinis ang bahay, walang kalat. Napatingin ako sa likuran kung saang ang aming labahan. Lahat nakasampay na. Napatakip ako ng aking bibig. Lumabas ako, at pumunta sa puno ng acacia kung saan ako natutulog at tambayan. Pagdating ko doon may nakasabit ng plastic at na may ointment at apple. Pero hindi lang iyon may nakalagay na rin note. Dear Khamala. Matatapos na rin ang paghihirap mo…. Nanginginig ang aking mga kamay habang paulit-ulit kong binabasa ang maikling note na iyon. Sino ka? Anong kailangan mo sa akin? Mahinang usal ko. Pero wala akong takot na naramdaman. Bagkus nakaramdam ako ng kapanatagan ng loob. Bakit hindi pa niya ako kunin? Kailan pa matatapos ang paghihirap ko? Sino ka ba talaga? Paulit-ulit kong tanong. Sa buong maghapon wala na akong ginawa dahil malinis na ang buong bahay. Kaya nagbasa ako ng libro. Nang papalubog na ang araw, agad akong pumasok sa loob para maghanda ng mailuluto. Anumang oras dadating na sila. Pagagalitan na naman ako. Nang matapos akong magluto saktong dumating sina Piper, Emerald at Uncle Salvador. Pero napakunot ang noo ko nang makita ko ang putok sa gilid ng labi niya at pasa sa kanang mata niya. “Magaling kana agad? Halos hindi ka nga makatayo kanina?” Nakakunot ang noo ni Piper. Nababakas na mukha niya ang pagtataka. Tumango ako sa tanong niya. Agad siyang lumapit sa akin. Maharas niya akong pinatalikod, at inangat ang damit ko. Tumusok siya ng mariin sa likod pero ni ngiwi wala akong maramdaman. “Hindi iyon masakit?” Naiiritang tanong niya. “Hindi po Ma'am Piper.” Magalang ko pa ring sagot. “May dugo na ang kamay ko hindi masakit?!!” Halos mabingi ako dahil malapit siya sa tainga ko. “Hindi po talaga masakit.” Paninigurado ko sa kanya. Isang malakas na batok ang tumama sa likod ng ulo ko. “Aray po!” Masakit na reklamo ko. “So ‘yong batok masakit yung may dugo sa likod mo na tinusok ko hindi masakit?” Inulit pa niya ang tanong. Umiling lang ako... Malakas niya akong tinulak at tumama ang tiyan ko sa lababo. “Salot!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD