CHAPTER 12

1193 Words
KHAMALA’S POV: “Hoy Khalama hilutin mo nga itong paa at binti ko!” Malakas na sigaw ni Piper. Hindi pa ako tapos maglinis ng kusina. “Andiyan na Ma’am Piper.” Dali-dali akong nag punas ng aking basang kamay sa towel na nakasabit sa ref. Lumabas ako ng kusina. Nakahiga sila ng kakambal niya sa sofa at panay ang iritan ng dalawa. Akma akong uupo sa sofa sa bangdang paanan niya. “Hep! Hep! Doon ka umupo sa lapag baka madumihan ang sofa namin. Marumi ka pa naman!” Sabay turo ni Piper kung saan ako uupo. Napabuntong hininga na lang ako. Wala silang pasok ngayon dahil sabado. Maaga rin umalis ang Uncle Salvador. Kaya kami na namang tatlo ulit sa bahay. “Lalagyan ko po ba Ma’am ng lotion or oil?” Magalang kong tanong sa kanya. “Tanga ka ba o nagtatanga-tangahan?” Hindi ako nakakibo. Pwede naman sabihin kung ano ang gusto niya tanga agad? “Anong binubulong-bulong mo Khamala? Gusto mong makatikim ng sakit nang katawan wala pa naman si Daddy ngayon?” Puno ng pagbabanta sa boses niya. “Wala po Ma'am Piper.” Iling ako nang iling. Agad akong kumuha ng lotion at ipinahid sa binti niya. Marahan ang paghagod ko para hindi siya masaktan. Napapaungol rin siya. Siguro nasarapan sa masahe ko. “Pagakatapos ni Piper ako naman Khamala!” Singhal niya sa akin. “Opo, Ma'am Emerald.” Nang matapos ako kay Piper, napatingin ako sa kanya, tulog na siya. Si Emerald naman nakahiga at may hawak na latest issue ng teen magazine. “Ma’am Emerald, tapos na po si Ma'am Piper.” Ibinaba niya ang magazine at tinirikan ako ng mga mata sabay senyas na lumipat ng pwesto. Hindi siya makasigaw dahil tulog si Piper at baka magising. Pinakaayaw pa naman niya ang gigisingin siya World War III na. Naglagay ako ng lotion sa binti niya at sinimulang masahihin iyon pababa sa talampakan niya nang bigla lang niya nasipa ang baba ko. “Aray!” Malakas kong sigaw “Lagot!” Mahinang bulong ni Emerald. Kumilos si Piper at nagmulat ng mata. Agad sumalubong sa akin ang masamang tingin niya. Mabilis siyang napatayo sabay dakma sa buhok ko. “Alam mong natutulog ako diba? Wala ka talagang silbi, Khamala?! Ha!” Pumikit ako ng mariin. Napatayo ako ng wala sa oras dahil sa pagkakahila niya ng buhok ko. “Ma’am Piper tama na po. Masakit please. Tama na.” Pag magmakaawa ko sa kanya. Pero bingi siya. “Huwag!” Malakas kong sigaw! Nang kumuha siya ng lighter at sinunog ang buhok ko! Malakas ko siyang tinulak! Agad kong binuksan ang gripo. Halos hanggang punuan ang nasunog sa buhok nang makapa ko iyon. “Dapat lang iyan sayo!” Hawak- hawak pa rin niya ang lighter nang bigla na lang may kung anong malakas na kalabog sa likod nang bahay namin. Akma akong titingnan iyon nang bigla na lang akong hinablot ni Piper sa braso at isang malakas na suntok ang sumalubong sa akin. “Arghhh!” Magkahalong galit sakit ang naramdaman ko. Agad akong sinipa ni Piper sa tiyan. At tinulak niya ako sa tumama ang likod ko sa mesa. Napaigik ako sa sobrang sakit... Siyang ikinadilim ng paningin ko. “Fire! Fire! Piper fire!” Iyon ang huling narinig bago ako. Nawalan nang malay. Nang magising ako, tila napapaso ang balat ko. Wala akong maaninag dahil sa kapal ng usok. Ubo ako nang ubo. Akma akong tatayo ng nakatali ang isang paa ko. “Tulong! Tulong! Parang awa niyo na tulungan niyo ako!” Pilit kong tinatanggal ang pagkakatali sa akin isang para pero hindi ko magawa. Nalanghap na ako nang maraming usok. Katapusan ko na. “Khamala! Khamala!” hindi ko alam kung saan galing ang boses na iyon. Hindi ko alam kung dinadaya lang ako ng aking pandinig. “A—andi—to a—ako,” sa namamaos ang boses ko. “f**k!” Huling narinig ko. **** Nang magising ko hindi na agad ako nagmulat. Nasa ospital na ako alam ko yun dahil sa amoy ng paligid. Ramdam ko ang pagbukas ng pintuan. Tahimik lang ang nurse ramdam ko ang kaluskos niya. “Miss, pumunta na ba dito ang Uncle ko?” “Jusmiyo Corazon! Ginulat mo ako bata!” Nagitla ang nurse na nag check-up sa akin. “Sorry po.” Napangiwi ako. Napatingin ako sa aking braso puno iyon nang benda. “Masakit yan, Khamala, pero titiisin mo lang ha?” Kusang tumulo ang luha sa mga mata ko. Napakagat ako ng aking pang-ibabang labi, hindi ko maipaliwanag ang sobrang sakit sa pagkalapnos ng balat. “Tahana na Khamala.” Pag-aalo ng nurse sa akin. “Ki—kilala niyo po ako?? Nauutal kong tanong. Inabutan ako ng tissue. “Nandito sa chart mo. Khamala Oliveros, tama ba?” Tumango ako. “Ito ang pangalan na ibinigay ng lalaking nagdala sayo dito.” Imporma niya sa akin. “Kilala niyo ba kung sino po ang nagdala sa akin?” Umiling siya. “Ang sabi niya lang alagaan at pagalingin ka.” Lumapit ang nurse at umupo sa tabi ko. “Ilang taon kana ba, Khamala?” Tanong niya sa akin at kinuha ang kamay ko na may swero. May itinurok siya doon. “Eleven po.” Tumango siya. “Pagaling ka ha?” Sabay pisil sa kamay ko. Humakbang siya palabas ng pintuan. “Wala po ba ang uncle ko?” Tanong ko ulit. Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako. “Walang may dumalaw sayo dito, maliban sa lalaking nagdala sayo dito at ang St Cecilia Orphanage.” Malungkot niyang sagot. Agad na siyang umalis. Nababakas sa mga mata niya ang awa. Nang makaalis ang nurse, umiyak na naman ako. Wala na atang katapusan ang paghihirap ko. Hindi ko mabilang ang araw kung ilang linggo na ako dito. Humigit-kumulang isang buwan din ako na nanatili sa ospital. Napatingin ako sa pagbukas ng pintuan. Pumasok doon ang dalawang madre. “Hello Khamala, kamusta kana hija?” Agad niyang tanong sa akin. Hindi ako sumagot. Pero itinago ko ang aking balat na napaso, dahil baka pandirihan nila. “H’wag kana mahiya sa amin Khamala. Ako pala si sister Marisol, at siya naman si sister Marites. Ikinagagalak ka naming makilala.” Naglahad siya ng kamay pero tinignan ko lang iyon. At hindi ko inabot o sumagot man lang. “Simula ngayon hija. Sa St Cecilia kana titira dahil wala ka nang kamag-anak.” Imporma niya sa akin. Parang tinarakan ang puso ko. Wala akong pamilya kaya sa bahay ampunan na ako lalaki. “Tara, mahaba pa ang byahe natin.” Tahimik akong nagpatianod. Hindi ako nagsasalita simula ng umalis kami sa ospital. Hanggang sa sumakay kami sa kulay yellow na lumang pick up. Tahimik akong nakaupo sa likuran. Nakatingin sa bintana. Nadadaanan naming ang malawak na palayan. Ramdam ko ang pagtulo ng aking luha. “Walang magagawa yang iyak mo Khamala! Tanggapin mo na wala kang pamilya.” Malamig na pahayag ni Sister Marites. Hindi ako nagsalita. Pinunasan ko na lang ang mga luha ko. “Hindi na ako kailanman iiyak!” buong tapang kong sagot…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD