CHAPTER 7

1930 Words
ALLISTER’s POV: Araw-araw four hundred na ang binibigay ni Aling Bebang sa akin. Hindi ko na nagagastos iyon dahil libre na ang pagkain ko. May kita pa ako sa yosi na nilalagay ko sa gilid ng counter ni Aling Bebang. Kaliwa’t kanan ang orders niya kaya wala rin akong pahinga pabalik-balik sa bawat mesa. Nakakapagod pero mas Gustuhin ko naman ito kaysa magtinda ng yosi sa mainit na kalsada, mausok at maalikabok pa. “Kumusta naman ang trabaho mo Ali? Nag-eenjoy ka ba?” Tanong ni Aling Bebang. Kakatapos lang humulas ang bugso ng mga customers sa kainan niya. Ngumiti ako. “Ayos lang Aling Bebang. Sanay na.” Malumanay kong sagot. “Ang laki ng alwan ko sa iyo.” Napangiti ako sa kanya. “Malaking tulong po sa akin ang pagbibigay niyo ng maayos na trabaho, Aling Bebang kayo ni Mang Boy.” Lalong lumapad ang ngiti niya. “Malayo ang mararating mo Ali, basta magbabait ka lang at maging masipag.” Tumango ako. Dose oras akong nagtatrabaho kay Aling Bebang simula ala sais hanggang ala sais ng gabi minsan higit pa dahil hindi maubos-ubos ang mga customer niya. Madalas simot na rin ang tindang ulam nila. “Isang kaldereta, dalawang kanin at tubig.” Sabay kaming napatingin sa lalaking madalas tumambay dito para kumain. Simula ng dito ako nagtatrabaho, dito na rin siya kumakain. “Good after sir, order niyo po.” Inilapag ko ang order niya. “Bayad.” Malamig niyang sabi. Kinuha ko iyon, at kumuha ng sukli kay Aling Bebang. “Sukli po sir.” Ipinatong ko sa mesa niya. Agad niyang hinawakan ang pulsuhan ko. “Sayo, na ang sukli bata.” Napakunot ang noo. “Hindi ba nauubos ang pera niyo? Araw-araw na lang hindi niyo kinukuha ang sukli mo. Malaki na ang ipon ko.” Hindi ko alam kung paano lumabas sa bibig ko iyon. Pero sadyang hindi ako maluho. Ang nagagastos ko lang ay ang sabong panlaba, panligo, at shampoo. Napatingin siya sa akin. Hindi ko aninaw ang mga mata niya dahil sa laki ng Rayban niya. Ngumiti siya sa akin. “Buti naman, inipon mo, sana gamitin mo sa tama.” Napaawang nang bahagya ang labi ko, pero naitikom ko ulit iyon. “Nagbago na ho ako. Gusto kong mag-aral.” Dugtong ko pa. Tumango- tango siya habang ninanamnam ang pagkain niya. “Masarap ang luto dito.” Pag-iba niya ng usapan. “Opo naman, masarap talaga magluto si Mang Boy. Dati po kasi siyang Chef sa isang sikat na restaurant.” Pagbibida ko. Ngumiti siya. “Upo ka muna wala pa naman kayong customer.” Alok niya sa akin. Tumingin ako kay Aling Bebang abala siya sa pagtetelepono niya. Umupo ako sa katapat niya. “Ako po pala si Ali—” “Allister.” Pinutol niya ang pagpapakilala ko. “Malakas ang boses ni Aling Bebang kada tawag sayo, sa araw-araw ko dito, alam ko na ang pangalan mo.” Napakamot na lang ako nang batok. “Ano po pala ang trabaho niyo? Mukhang marami kayong nadelehensya ah,” biro ko sa kanya. “Kung anu-ano lang.” Matipid niyang sagot. Napatango ako. “Taga saan kayo?” Sunod kong tanong. Hindi ko alam pero magaan kausap ang matandang ito. “NPA,” natatawang sagot niya. “Buti hindi kayo hinahanap ng mga army.” Sinakyan ko ang biro niya. Bigla na lang siyang tumawa. “No Permanent Address kasi iyon.” Napakamot ako ng batok. “Pasensya na po iba kasi nasa isip ko ng NPA.” Tumawa siya. Hanggang nagpaalam siya, kumaway na lang ako. Nang bandang ala quatro na ng hapon tatlong putahe na lang ang natitirang ulam… “Mano po Nay.” Napatigil ako sa paglabas ng makita ko si Lupe. Sobrang ganda niya talaga. Siguro kung kasing edad lang kami liligawan ko yan. Ang lakas ng t***k ng puso ko. “Brad, kakain ka?” Agad umasim ang mukha ko ng makita ko ang fiancé niya. “Oh, Ali nandiyan ka pala. Kumusta kana?” Napilitan akong ngumiti. “M—mabuti naman Ate Lupe. Kayo po kumusta?” Alangan kong sagot. Haist Ali! Hanggang tingin ka na lang. “Heto ayos naman,” matipid niyang sagot. Dumaan sa gilid ko. “Tay mano po.” Dinig kong sabi niya. Gusto ko man sanang kahit tingin lang ay mapagmasdan ko si Ate Lupe, hindi ko magawa. Siya ang pangarap kong babae, malambing magsalita, mahinhin, matalino at mabait. Solong anak lang siya. Kaya siguro magaan ang loob ni Aling Bebang sa akin. “Ali, umuwi kana, wala na tayong paninda.” Imporma sa akin ni Aling Bebang. “Sige po Aling Bebang.” Iniligpit ko na ang lalagyan ko ng yosi naka dalawang rim din ang naubos ko. Tapos binigyan pa ako ng mama kanina hindi ko man lang naitanong ang pangalan. Bukas siguro kakain ulit iyon. “Oh.” Napatingin ako sa plastic na iniabot ni Mang Boy. Nahihiya akong tanggapin pero magagalit kasi siya kung hindi. “Samalat, Mang Boy.” Hindi siya kumibo at tumalikod lang. “Pagpasensyahan mo na.” Sabi ni Aling Bebang. Tumango ako at ngumiti. Agad akong dumiretso grocery para bumili ng sigarilyo para bukas. Dadaanan ko rin si Jimboy sa pwesto niya maaga pa naman. Yayain kong mag halo-halo kami. Nang makarating ako sa pwesto ni Jimboy napakunot ang noo ko na wala siya roon. “Mang Allan, si Jimboy po?” “Naku, Ali kanina pang wala, hinahanap ko nga kasi yung tatlong customers niya nandito kanina. Kukunin na iyong pinatahi kahapon.” Lalong napakunot ang noo. “Wala ho bang sinabi kung saan nagpunta?” Tanong ko pa. “Wala eh. Umihi lang ako kanina pagbalik ko sarado na siya. Akala ko nga kakain lang. Pero pauwi na ako wala pa rin siya.” Parang sinalakay ako ng kaba. Hindi ito gawain ni Jimboy. Palabiro iyon pero seryoso sa trabaho. “Sige po, Mang Allan hanapin ko lang.” Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Mabilis akong bumalik para hanapin si Jimboy. Ang plano kung halo-halo mukhang iikot ako kakahanap sa kanya. Sinuyod ko ang halos iskinita, tambayan namin. Pumunta din ako sa simbahan. Pero ni anino ni Jimboy hindi ko nakita. Hinahanap ko na rin siya sa mga tropa ko na yosi boys pero walang may nakakita sa kanya. Kahit paano binundol na ako ng kaba. Napagpasyahan kong umuwi muna baka nasa bahay. Mabilis akong tumakbo. Para akong hinahabol. Pagdating ko sa bahay, hindi nakalock iyon. Pinihit ko ang seradura bukas iyon. Sarado ang mga bintana. Kaya medyo madilim. Pero buhay ang elesi fan ni Jimboy. Nakahinga ako nang maluwag ng makita ko siya. Nakatalikod siya, kaya hindi ko na inabala baka tulog. Ipinatong ko na lang ang pagkaing dala ko. Sabay lapit sa kama ni Jimboy. “Jimboy, gising ka ba?” Sabay yugyog sa balikat niya. “Aray!” Napakunot ako ng noo. “Yugyog lang aray agad? Kailan ka pa naman naging maarte?” Patutsada ko sa kanya. Sabay hila ng braso niya. Pero dumaing siya kaya binuhay ko ang ilaw. Ang tumambad sa akin ang malalaking pasa ni Jimboy sa braso. Kaya mabilis ko siyang nilapitan. “Anong nangyari sayo, Jimboy?” Pagharap niya sa kain, napaawang ang bibig ko. Puno ng pasa ang mukha niya. Putok ang labi niya. Halos hindi na niya maimulat ang mga mata niya. “Tang ina Jimboy anong nangyari sayo? Sino may gawa niyan?” Umahon ang galit sa puso ko. Ilang taon na kaming magkasama ito lang ang unang pagkakataon na nasangkot siya sa gulo. “Wala lang yan Ali, gagaling din yan.” Agad siyang umiwas at tumalikod. “Anong wala? Wala na nga paglagyan ng pasa at sugat yang mukha mo wala? Hindi ka man lang nagsumbong sa pulis?” Sita ko sa kanya. “Wala naman kasing silbi.” Malamig niya na sagot sa akin. “Anong walang silbi Jimboy, tapatin mo nga ako? Anong kalokohan ang kinasangkutan mo bakit ganyan ang itsura mo?” Bumangon siya. Humarap sa akin, nakangiwi na ang mukha. Parang ako ang nasasaktan sa kanya. “Ano? Magsalita ka naman!” Pamimilit ko po. Iling siya ng iling. “Ayokong masangkot ka sa gulo, Ali. Maayos kana eh. Alam mo naman na isang pagkakamali mo lang si Mang Boy ang tatapos sayo.” Paalala niya sa akin. “So, ano hindi mo sasabihin kung ano itong pinaggagawa mo?” Naiirita na ako sa kanya. Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Agad akong tumayo, at lumabas ng bahay. “Pabili po ng yelo at pain reliever.” Sabay abot ko nang bayad. Agad akong bumalik sa bahay. Nakahiga na ulit si Jimboy. “Halika na kain muna tayo para makainom ka ng gamot sa sakit ng katawan.” Hinati ko ang yelo sa pitsel at ang kalahati ay binalot ko sa face towel ni Jimboy. Iniabot ko sa kanya iyon. Tahimik kaming dalawa. Pagkatapos namin kumain iniabot ko sa kanya ang dalawang pain reliever na binili ko. “Salamat, Ali.” Nangiwi siya sa bawat kilos nito. “Hindi ka naman sigurado sangkot sa droga, diba?” Diretso kong tanong. Bahagya siyang umiling. “So, sino may gawa niya.” Hindi siya umimik. “Jimboy, kakampi mo ako. Hindi kalaban.” “Yun na nga Ali, kakampi kita, pero ayoko naman madamay ka sa gulo ko. Ibalato mo na sa akin, to.” Sagot nito, mababa at kalmado ang boses niya. Mataman ko siyang tinitigan. “Bakit ayaw mong sabihin? Kung gusto mo doon ka na lang pumwesto kina Aling Bebang para mabantayan kita.” Hindi ko alam kung pakiusap ba ang tono ko o inutusan ko siyang lumipat ng pwesto. Agad niyang sinalubong ang tingin. Pero umiling lang siya. Kilala ko siya kailangang pilitin bago pumayag. Napahugot ako ng buntong hininga. Napatingin ako sa putok niya na labi at akma kong kukunin ang yelo sa gilid niya. Pero agad naman niya akong pinigilan. “Jimboy, ayokong mabalitaan na masangkot ka sa drugs. Ibang usapan na iyon. Pinatira kita ng libre dito, pero sana respetuhin mo ako bilang nakakatanda sayo. Alam mo ang dinanas ko.” Malungkot kong saad. Ipinaalala ko sa kanya kung ano noon. Dahil iyon kay Mang Boy. Namulat ako sa maling gawain, para lang maka survive. Tumango siya. “Kung pwede Ali, pakiusapan mo na rin si Aling Bebang kahit sa gilid lang ako magtatayo ng pwesto.” Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko. Kanina lang umiling pa siya. Hindi mo talaga sasabihin?” Pamimilit ko pa. Umiling siya sabay tayo. Hindi nakaligtas sa akin ang pagngiwi niya. “Ako na maghuhugas, magpahinga kana.” Pagkahugas ko ng plato, saka ko naalala ang sobre na iniabot ni Aling Bebang sa akin. Agad kong kinuha iyon sa lagayan ko ng yosi. Napakunot ang noo ko. Sinulyapan ko si Jimboy nakatalikod na siya. Kaya sa labas ko na dinala ang hawak ko. Umupo ako sa bangko at pinunit ang gilid ng sobre. Pagdukot ko sa laman noon, parang huminto ang mundo ko. Nasa kamay ko ngayon ang isang babae, na may hawak na sanggol. Nanay ko ba siya? Parang biglang nanikip ang dibdib ko. Kusang tumutulo ang luha ko. Naiiyak na natatawa ako. Binaliktad ko ang litrato. Maggie and Allister… “Ako ito… Ako ito…” mahinang usal ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ko ang litrato namin ng nanay ko. Kaya pala Allister ang pangalan ko. Ang ganda niya. Hindi mapagkakaila, ang kulay ng aming mga mata. Ang hugis ng mukha niya… “Nanay ko…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD