ALLISTER’s POV:
“Class, sa lesson natin ngayon research, sa isang group, may four members at mag come up kayo ng topic about behavioral disorders. Kasama dito ang title, abstract, introduction, clinical studies, theories, diagnosis, and treatment. Sa bawat group kailangan ng lider. Tatawaging ko ang mag kakagroup. Group 1: Khamala, Allister, Roldan at Shaina.” Ang sumunod na sinabi ni Sister Marisol ay hindi ko na naintindihan.
Napatingin ako kay Khamala na tila walang pakialam sa nangyayari sa klase namin. “Kham?” Mahina kong tawag sa kaniya at siniko ko siya.
“Ano na naman ba Allister?” Mahina ngunit madiin niyang tanong.
“Magkasama daw tayo sa research.” Tugon ko napatingin sa note book niya. Ang ganda ng pagkakadrawing niya sa isang babae na nasa tabing dagat. Nakatingin sa sunset.
“Hindi naman ako bingi.” Malamig niyang sagot. Panay rin ang stroke niya ng kulay sa drawing niya.
“Ang ganda ng drawing mo Kham.” Papuri ko. Ibinaba niya ang hawak niyang color pencil at tumingin sa akin.
“Akala mo ba porke’t magkasama tayo sa group kaibigan na kita? Baka nakakalimutan mo, hindi pa kita napapatawad sa nangyari noong nakaraan. Tapos feeling close ka?” Walang ka gatol-gatol niyang saad.
“Sorr—”
“May topic na ba kayo group 1?” Pagputol ni Sister Marisol sa sasabihin ko. Napakamot ako ng batok at sumagot ako.
“Sister, ang topic namin sa group po hindi pa po namin alam. Magpasa po kami kapag po napagmitingan na po namin ang aming research topic.” Palusot kong sagot.
“Okay, bueno, sa mga susunod na araw ay ito ang aasikasuhin ninyo, at kailangan niyong depensahan ang topic na napili niyo. Class dismissed.” Pormal na anunsiyo ni sister Sol.
Mabilis akong kumilos dahil parang ipu-ipu kung kumilos si Khamala. Parang laging hinahabol at nagmamadali. Nasundan ko na lang siya ng tingin nang palabas na siya sa pintuan. Halos madapa na ako sa pagmamadali.
“Kham, wait lang naman!” Napalakas ang tawag ko sa kanya. As usual, hindi man lang ako nilingon. Muntik pa akong mabangga sa gilid ng pintuan.
“Kham naman, wait lang kasi, please!” Para akong tanga na nagmamakaawa, mabigyan lang niya ng kaunting atensyon. Mabilis akong tumakbo para lang mabahol siya.
“Pag-usapan naman natin ang research!” Pigil ngunit madiin kong sabi, nang maabutan ko siya. Pinukol niya ako ng masama ngunit malamig na tingin.
“Alin ang Mahirap doon sa research? Matalino ka naman, di gawin mo ang part mo, gawin ko ang akin?” Malamig niyang sagot sabay lagay crossed arms niya, sinabayan pa niya ng pamatay na taas kilay. Napabuntong hininga na lang ako sa katigasan ng puso ng babaeng ito.
Ilang segundo ko siyang tinitigan at tumalikod na. Hindi na ako nagsalita dahil baka ano na naman ang masasabi ko sa kanya…
Agad akong pumunta sa library para maghanap ng topic, para sa research namin. Sumalubong sa akin ang tahimik na silid. Dumako na ako sa psychology books. Kumuha ako ng tatlong book at pinili ko ang pinaka sulok na mesa. Tahimik akong nagbuklat ng libro.
Pero sa bawat pahina lumilipad ang utak ko. Naging malabo ang letra at sumulpot sa isip ko ang seryoso ngunit magandang mukha ni Khamala.
Ilang sandali pa isa-isa na silang dumating, si Roldan, Khamala, at Shaina. Napanganga ako habang sinusundan ang kilos ni Kham. Ang mahinhin at mayumi niya niyang galaw ay parang nakaka dagdag sa taglay niyang ganda.
“Kung ice cream si Khamala, natunaw na siya kanina pa dahil sa mainit mong tingin sa kanya.” Mahinang bulong ni Roldan sa akin. Ipinilig ko ang aking ulo at ilang beses kumurap dahil sa pagkapahiya.
Isang malakas na siko ang tinamo ni Roldan dahil sa pang-aasar sa akin. Agad akong umiwas ng tingin at itinutok iyon sa libro na nasa harapan ko.
Ilang minuto pa ang lumipas nilamon kami lalo ng katahimikan at ako rin ang hindi nakatiis. “Uhm—ehem.”
Sabay-sabay silang nag angat ng tingin at napadako sa akin. Para naman, umurong bigla ang dila ko. Ilang beses din akong napalunok. Napakamot ako ng batok ng wala sa oras.
“Ah—eh?” iyon na lang ang lumabas sa bibig ko.
“What do you have in mind, Allister?” Pa-english na tanong ni Shaina. Napakunot ako at dumako ang tingin ko sa kanya.
“Required ba mag-English?” Hindi ko alam kung sarkastiko ang dating ng tanong na iyon. Pero parang gano’n na nga.
“Wala naman sigurong masama mag-english kung tama naman ang grammar?” Pabalang na sagot ni Khamala. Lalo akong hindi naka pagsalita. Hindi, kasi ako confident mag-English talaga.
“Eh—kasi hindi ako magaling mag-english, eh.” Nauutal at nahihiya kong sagot. Napailing na lang si Khamala at ibinalik ang tingin sa binabasang libro.
Hanggang lumipas na ang ilang oras ng hindi ko namamalayan, at hindi na nasundan ang usapang iyon. Wala pa kaming nabuong title o mga ideya na dapat pag-uusapan.
Narinig ko na lang ang pagtayo ni Khamala at Shaina at napadako ang tingin ko sa kanilang dalawa. Lumapit sa akin si Kham at inilapag sa harapan ko ang papel. Napatingin ako doon. Ang bilis naman niyang mag isip?
“Iyan ang topic na napili ko. Lahat ‘yan pwede ako. Ikaw na lang bahala kung alin ang gusto mo at bukas sisimulan na ang pagsisisayat sa bawat parte ng research.” Akma akong sasagot sana ngunit tumalikod na siya nang hindi man lang hinintay ang sagot ko. Napaawang na lang ang bibig ko.
“Papasukan ng langaw yan bukas eh.” Isinara ni Roldan ang baba ko.
“Gago!”
“Ako pa talaga ang gago? Ikaw nga diyan parang tanga. Bigla-bigla ka na lang natutulala kapag nandiyan si Khamala. Nauutal kapag nagsasalita siya? Daig mo pa ang taong in love, eh?” Pang-aasar ni Roldan sa akin. Akma ko siyang babatukan ng—
“Masakit yan, lover boy!” Sabay tayo at lumipat ng pwesto sa harapan ko.
“Sino naman nagsabing in love, ako kay Kham?” Tanong ko sa kanya. Pero ang gago inikutan niya lang ako ng mata.
“Action speaks louder than words, ika nga.” Dagdag pa niya.
“Tado!”
“Pero gwapo?” Asar niya pabalik sa akin... Agad ko nang iniligpit ang libro na kinuha ko. Ibinalik ang mga iyon sa shelves ng hindi na pinansin si Roldan. Wala naman matinong salita ang lumalabas sa bibig niya.
Hindi nakaligtas sa akin ang ngisi nito. Nang maibalik ko na iyon agad akong lumabas ng library. Akala ko umalis na si Roldan.
“Ano pa ginagawa mo rito?” Tanong ko at nilampasan siya. Nakatingin ako sa papel na binigay ni Khama.
"Boring, kasi ang buhay ko kung wala ka!” Sabay tawa niya.
“Nakakainis kasi ang buhay ko dahil sa pang aasar mo na walang kwenta!” Bwelta ko sa kanya. Inakbayan niya ako at pasipol-sipol na naglalakad sabay sa akin. Agad ko pinalis ang braso niya sa balikat ko.
“Pwede ba Roldan lumayo-layo ka sa akin?” Pagtataboy ko sa kanya.
“Feeling mo naman ikaw si Khamala, linya niya yan eh.” Natawang sagot nito. Huminto ako at tumingin sa kanya.
“Ganyan na ba ka obvious ang kilos ko?” Kumpirma ko sa kanya.
“101% obvious. Pakipot ka rin kasi, daig mo pa ang asong hahabol-habol sa kanya, eh!” Malakas na batok ang binigay ko.
“Ouch! Ang harsh, mo! Masakit ha!” Pinandilatan ko siya ng aking mga mata.
Hindi ko na pinansin ang reklamo niya hanggang sa makarating ako sa quarter namin. Mabilis akong gumawa ng notes. Binasa kong mabuti ang suggested na topic ni Khamala.
Ilang oras pa ang lumipas nakatulugan ko na iyon at nagising na lang ako dahil sa tapik ni Roldan. Nagpupungas-pungas pa ako nang mabungaran siya.
“Kakain na, ganyan ka talaga ka dedicated sa research ha? Niyakap mo pa ang sulat ni Khamala. Ano ang laman ng panaginip kayakap siya or nakapatong ka?!”
“Gago!”