KHAMALA’s POV:
Malamig na tingin ang ipinukol ko kay Allister. Hanggang sa tuluyan akong lumabas ng library. Diretso agad ako sa aking quarter. Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Naiinis ako sa kanya pero, may bahagi sa puso ko na gusto ko rin siyang makita kahit paano.
“Arggh!” Sabay subsob ko sa aking unan.
“Okay ka lang ba Kham?” Dinig ko tanong ni Shaina. Hindi ako kumilos o nag-abalang sagutin siya.
“H’wag mong sabihin may crush kana sa kumag na iyon?” Dagdag niyang tanong. Pero tila bingi ako. Kahit sarili ko hindi ko maintindihan. Dinig ko ang malalim na buntong hininga ni Shai.
Ramdam ko rin ang pag-upo niya sa gilid ng kama. Hindi ko pa rin magawang harapin siya. Dahil baka ipagkanulo ako ng aking mga mata. Ramdam ko ang lakas ng pintig ng aking puso na tila ba may hahabulang kabayo.
“Gwapo naman talaga iyon si Ali eh,” patuloy na komento ni Shair. Kinakapos na akong ng hangin. Hindi ko maalis ang aking mukha sa unan.
Ilang minuto pa ako sa ganoong posisyon, nang mapagpasayahan kung umayos ng upo. Sumandal ako sa aking kama, yakap-yakap ko ang aking unan, na nakapatong sa aking mga tuhod. Nakatitig ako kay Shai, pero ni isang salita walang namutawi mula sa akin.
Isang nakakalokong ngiti ang sumalubong sa akin. Pero nagkibit balikat lang ako.
“Wala akong tiwala sa lalaking iyon,” panimula ko, matapos ang mahabang katahimikan.
Inikutan niya lang ako ng mga mata niya, “walang tiwala? O natatakot ka na sa mahabang panahon may isang taong gustong mapalapit sayo?” Makahulugan niyang tingin.
“Baka nakakalimutan mo Shai ang pinagdaanan ko, ang mga paso sa braso ko ang traumang inabot ko? Saka akala mo naman matanda kana kung maka payo sa akin, dose pa lang tayo.” Naiinis kong bwelta sa kanya.
“Kesyo dose, trese, katorse, kinse o kahit legal age na tayo, alam ko may special siyang puwang diyan sa puso mo Kham.” Kumpiyansang sagot niya. Nag-iwas ako ng tingin dahil aminin ko man o hindi may tama si Shaina.
“Binago ako ng aking ng aking nakaraan Shai.” Puno ng pinalidad sa boses ko. Ayon na naman ang malalim niyang buntong hininga, napakagat ako ng aking pang ibabang labi. Masakit iyon pero tiniis ko...Hindi ito maaari…
KINABUKASAN maaga akong gumising para maligo, napakunot ang noo ng may naka paskil na note sa harap ng salamin.
[Pumunta ka sa office ko]
Napakunot ako ng noo, kilala ko ang sulat na iyon, kay sister Marites ito, binundol ako ng ka ba ng wala sa oras. Parang gumapang ang lamig sa buong katawan ko. Mabilis akong naligo at nag ayos ng aking sarili. Dinig ko ang ingay sa loob ng aming shower room, kanya-kanya na sila ng pwesto.
Pagkabihis ko at agad akong lumabas sa shower cubicle dahil ang dami pang nakapila sa labas. Diretso ako sa sink para mag toothbrush, parang lumipad ang isip ko.
“Sa sobrang linis at puti ng ngipin mo, baka naman magkasugat yang galagid mo!” Sabay hampas sa akin ni Shaina na siyang nagpabalik sa ulirat ko.
Hindi ko na pinansin ang sinabi niya agad akong nag mumog at ibinalik ang gamit ko sa locker, nag suklay na rin ako at naglagay ng cologne. Fresh sunrise ang amoy noon, nanoot ang bango sa ilong ko, kahit paano kumalma ako. Pagkasuklay ko, agad akong kumuha ng hanger at isinampay ko ang aking towel sa labas para mabilis matuyo at hindi amoy lukob.
Hindi na ako bumalik sa quarter namin, dumiretso na ako sa opisina ni sister Marites. Nasa tapat na ako ng pintuan ngunit hindi ko magawang kumatok dahil natatakot at kinakabahan ako.
Akma akong aangat ng kamay ng bumukas iyo at naiwan sa ere iyon. Napayuko ako, “magandang umaga sister Marites,” bati ko sa kanya.
“Wala ka bang balak kumatok at pumasok?” Malamig niyang sita sa akin. Parang naumid ang dila ko. Tumalikod na siya saka pa lang ako nag angat ng tingin at atubiling pumasok sa loob. Isinara ko ang pintuan at alangan akong naglakad papunta sa mamahalin niyang mesa na yari sa Narra. Makintab ito at malapad.
“Maupo ka Khamala.” Utos niya sa akin. Hindi ko magawang salubungin ang mga mata niya. Tumikhim ako dahil nanunuyo ang aking lalamunan.
“Nakita ko po ang note niyo.” Pagbibigay alam ko sa kanya.
Wala akong narinig na sagot mula dito, kaya hindi na nasundan ang sasabihin ko. Panay ang pilipit ko ng aking mga daliri sa aking kandungan.
“Gusto kong ipaampon ka.” Mahina niyang saad, pero parang bombang sumabogt iyon sa harapan ko.
“Po?”
“Narinig mo ako, Khamala, hindi ko kailangan ulitin ang sinabi ko.” Malamig niyang tugon. Ramdam ko ang pag-agos ng luha sa aking pisngi. Tahimik akong umiyak. Initsa niya sa harapan ko ang tissue box kaya napaangat ako ng tingin.
“M—may nagawa ho ba akong kasalanan sister?” Nauutal kong tanong. Umiling siya at tumayo. Paharap sa malaking bintana na tanaw ang magandang hardin. Nasundan ko siya ng tingin.
“Matalino ka Khamala, mabait, matulungin dito sa kumbento, pero may gustong umampon sayo, sa kanila, mabibigyan ka nila ng magandang kinabukasan, mapag aral ka sa mamahaling eskwelahan.” Mahabang paliwanag niya.
“P—pero sister gusto ko po dito, makakapag aral naman po ako dito diba? Matataas naman po ang grades ko, magaling po ako mag English at sa Math po mataas po mga grades ko.” Sunod-sunod kong sagot. Kita ko ang pailing-iling niya sa sagot ko.
“Parang awa niyo na sister, ‘wag niyo po akong ipaampon, kahit ano po gagawin ko, iutos niyo na po sa akin lahat ang gawain dito sa kumbeto hindi po ako mag rereklamo. Please po, please?” Agad akong tumayo at lumuhod sa harapan niya. Walang tigil ang pag agos ng luha sa aking mga mata.
Nakatingala ako sa kanya, hindi ko na maaninaw ang mukha niya dahil sa aking pag-iyak. Taas-baba ang aking balikat. Parang piniga ang puso ko. Bakit kung kailan okay na ako saka niya ako ibibigay sa iba. Sobrang hirap ang pinagdaanan ko kay uncle Salvador. Baka malupit ang aampon sa akin.
“Para ito sa kinabukasan mo Khamala, iniisip ko lang ang para sa kabutihang mo.” Puno ng pinalidad ang sagot niya.
“Hindi ko naman po kailangan ang magandang kinabukasan sister, dito lang po ako, masaya na po ako dito. Kuntento na po ako dito sa kumbeto, please po h’wag niyo po akong ipamigay.” Kumapit ako sa mga tuhod niya. Parang bukal ang pag agos ng luha mula sa aking mga mata.
“Wala na pong may gusto sa akin, dahil po pabigat ako. Kaya please po, h’wag niyo po akong ipapaampon please, please po….” Nanginginig na ang buong katawan ko. Takot, sakit at pagkabahala ang bumabalot sa puso ko…
“My decision is final! Not get out of my office!” Sinipa niya ako, na siyang ikinahandusay ko sa malamig na semento. Para akong nanghina na lang bigla. Mariin akong pumikit, at niyakap ko ang aking sarili, parang sanggol ang posisyon ko. Dinig na dinig ko ang paglapat ng pintuan…Diyos ko bakit? Kung kailan okay na ako….