Khalama’s POV Lumipas ang mga araw, na tila tulala ako. Sinubukan kong kumbinsihin si Sister Marites pero tila bingi niya siya sa mga hinaing ko. Kapag nagkakasalubong kami sa hallway halos hindi man lang niya ako tapunan ng tingin. Malamig na rin ang pakikitungo niya sa akin. “Ang layo naman nang naabot mo,” pukaw sa akin ni Shaina. Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang sitwasyon ko. Mapakla akong ngumiti sa kanya pero ibinalik ko rin ang tingin ko sa magandang hardin sa harapan namin. Humugot ako ng malalim na buntong hininga. “Gusto ko na lang umalis dito,” wala sa loob kong sabi. Hindi ko siya nilingon man lang. Pero heto na siya sa harapan ko. Nanlaki ang kanyang mga mata. Hawak niya ang magkabilang balikat ko sabay yugyog noon. “Nasisiraan kana ba, Kham?” Hindi mapagkakaila ang i

