Chapter 1
Lunes araw ng enrollment maagang nagising si Rhiana para maghanda at pumunta sa university para magpaenroll sa 4th year college sa kursong Business administration, pagkabangon ay agad na naligo at nag-almusal, pagakatapos ay inihanda na niya ang kanyang mga gamit upang makaalis na ng biglang tumunog ang kanyang celpon.
"Hello , Good morning Rhiana" bati ng nagtext, nagtataka siya kung sino ito kaya agad siyang nagreply.
"Hi, sino to?"
"Liam, future 1rst bf mo"
" Liam ? sorry pero di kita kilala."
"Meet up tayo mamaya ha"
"Wala akong time busy ako at bawal ako makipagkita sa hindi ko kilala." pagsusungit ni Rhiana dahil nayayabangan siya dito at pakiramdam niya pinaglalaroan siya nito.
"See you" reply lang sa kanya ni Liam na tila hindi natinag sa kanyang sinabi kaya hindi na niya ito nereplyan.
"Wala yata magawa ang tao na to , makaalis na nga" sabi niya sa sarili.
"Ma !"
"Oh anak, bakit?"
"Alis na po ako ma papuntang school ngayon po kasi kami magpapaenroll ng mga kaibigan ko."
"Ok cge anak, mag-ingat ka sa pagmamaneho at agad na umuwi pagkatapos at pupunta tayo sa papa mo." bilin ng ina niya.
"Opo ma uuwi po ako kaagad kasi namimiss ko na rin po si papa, cge na po ma." humalik siya sa pisngi ng ina at pinaandar na ang sasakyan.
Bago siya mag- debut ay natuto na siya magmaneho dahil maaga siyang tinuruan kanyang namayapang ama, noong nakaraan taon ay pumanaw ito dahil sa komplikasyon sa sakit na kidney disease. Simula nang pumanaw ang ama ay tinutulungan na niya ang kanyang ina sa pamamahala ng negosyong naiwan ng kanyang ama, meron silang apat na branch ng Grocery store at dalawang Hardware store kaya naman nasa maayos at marangyang buhay si Rhiana.
Nakarating na siya sa University na kanyang pinapasokan ng bigla naman nag-ring ang kanyang celpon, tiningnan niya kung sino ito, ng makita niya ang numero ay napailing siya ng makilala ang numerong ito na siya rin ang nagtext sa kanya kanina bago siya umalis, dahil sa curiosity ay sinagot niya ito.
"Hello Rhiana !" bati ng lalaki sa kabilang linya.
" Hi, pwede bang pakibura nalang ng numero ko at wala po akong oras makipag- usap sa hindi ko kilala." inis na sagot ni Rhiana.
"I can see how really beautiful you are, my friend is right you really grown up to a beatiful woman now." sagot naman ng nasa kabilang linya na tila binawela lang ang kanyang sinabi.
Nagtataka si Rhiana sa mga sinabi nito na tila nakilala na siya nito dati pa.
"Sino ka ba talaga ha bakit parang kilala mo na ako?" tanong niya sa lalaking kausap sa celpon.
"Bye Rhiana, take care and see you soon."
Magsasalita pa sana si Rhiana ng biglang naputol ang linya. Naglakad na lamang siya papasok sa loob upang makapagpaenroll na. Matapos magpaenroll ay naglakad na siya palabas ng building ng matanaw niya ang upuan sa ilalim ng puno sa oval ng university, parang bata na tumakbo siya papunta doon at naupo at dinama ang simoy ng hangin ng nakapikit.
Naramdaman niyang may umupo sa tabi niya idinilat niya ang mata napalingon sa bandang kaliwa at natigilan siya ng makita ang gwapong mukha ng lalaking katabi na nakapikit din at dinadama ang simoy ng preskong hangin, nagulat siya ng bigla itong lumingon sa kanya at muntik ng magdikit ang kanilang mga labi, napaatras siya ng bahagya at tumikhim.
"Hi Rhiana!" bati na sa kanya ng lalaki at pamilyar ang boses.
"Ikaw ba yung nagtext at tumawag sakin kanina?" tanong niya dito
"I guess hindi mo talaga ako natatandaan kahit nakita mo na ang mukha ko, ganun naba talaga ako ka invisible noong high school tayo? "
"Pamilyar ka pero di ko talaga matandaan, sigurado ka bang magkaklase tayo noong high school?" nagtatakang tanong ni Rhiana.
"Prince Liam Saavedra the nerd boy."
" Ha ! ikaw yan ? talaga ba?" gulat na reaksyon ni Rhiana sabay hawak sa mga pisngi ni Liam at tinitigan.
Natatawa si Liam sa ginawa ni Rhiana at nakita niyang wala parin itong pinagbago masayahin at malambing parin ito.
" I miss you " sabi ni Liam.
Biglang napabitaw si Rhiana sa mukha ni Liam ng marealize ang ginagawa niya.
" Ayy sorry," tanging nasabi ni Rhiana.
" Teka teka bakit mo ko na miss e di naman tayo close noong high school tayo ah?" tanong ni Rhiana.
" Ako hindi close sayo pero ikaw close na close sakin." sagot ni Liam.
" Iwan ko sayo, pero kumusta kana nga pala?"
" Syempre ayos na ayos lalo na nakita na kita ulit." sagot ni Liam
" Ang corney mo, haha. Pero grabee ang pogi pogi mo na at ang tangkad pa mas pogi ka pala pag walang salamin siguradong madaming nagkakandarapang babae sayo ngayon." sabi ni Rhiana dito.
" Salamat, ikaw kumusta ka na?"
"Ayy ako ba? syempre maganda parin" biro ni Rhiana.
"Mas gumanda kapa kamo" sagot ni Liam.
" Uyy baka mamaya maniwala ako niyan ha."
" Rhiana !" tawag ng kanyang mga kaibigan na paparating.
" As always Pilipino time kasi nga Pilipino kayo". Biro niya sa mga ito.
" E siguro kaya ka maaga kasi may ka uhmm ka pala.." kinikilig na sabi ni Gain.
"Anong pa uhmm yan sinasabi mo ha Gain? Nga pala siya si Liam yung binansagan niyo noong high school tayo ng the nerd boy."
" haaa!" sabay na reaksyon ni Gain at Sabina.
"Grabee napaka-pogi mo na at ang tangkad mo pa, anyways nice to see you again Liam." bati ni Sabina.
"Nice to see you too Gain and Sabina." sagot din ni Liam.
"So guys pano mauna na ako sa inyo ha may usapan kasi kami ni mama na dadalawin namin si papa ngayon kaya napaaga ako, baka hinihintay na ako ni mama."paalam ni Rhiana.
" Ang daya mo kakarating lang namin tapos uuwi kana agad." maktol ni Sabina.
" Oo nga di pa nga tayo nagkakakwentohan" sabi naman ni Gain
" Don't worry guys babawi ako "sabay yakap sa dalawang kaibigan.
"Oh sige na at baka hinihintay kana ni tita, say hi to tita and tito for us Ri." saad ni Gain kay Rhiana or Ri for short.
"thank you" sagot ni Rhiana.
"So I'll just call you later, ingat sa pagdadrive Ri" bilin ni Liam
"Thank you Liam, bye guys."
" So pano Liam una na kami sayo ha magpapaenroll pa kami, see you around" saad ni Sabina.
" Sure guys take care" sagot ni Liam.
Pagkatapos dalawin nila Rhiana at ina nito ang ama ay inihatid na niya sa opisina ang ina at siya naman ay nagpasya na bisitahin ang bawat branch ng grocery store nila.