"Good evening po, Tita... Tito," bati ni Kyle at saka sumunod na nagmano sa mga nakatatanda sa harapan namin. Sandali pa't sumunod si Sir Kev at ginaya ang naunang kilos ng kapatid.
"Magandang gabi ho, Tito. Hinatid na po namin si Nukk," bati rin ng Kuya niya. Nakita ko namang sinuklian ng mga magulang ko ng matamis na ngiti ang magkapatid. Di rin nagtagal at nagsalita na ang mga ito habang naiwan naman ako pirmi at walang kibo sa isang tabi.
"Oh, maaga kayo. Sila kumpare nasaan?" sambit ni Daddy at saka inilibot ang tingin nito sa paligid. Sinabayan ko iyon ngunit ang imahe agad ng aking nobyo ang bumungad sa akin. Nasa likod ko na pala ito at kuntodo ngiti pa rin gayong wala na sa kanila ang atensyon nila Mama.
"Pasunod po sila Tito naiwan lang saglit sa sasakyan. Pagpasensyahan niyo na po at mabagal lang talaga kumilos," biro ni Kuya Kev.
Kaswal namang nagtawanan ang mga kasama ko habang ako, hindi pa rin mahanap ang kalma sa sistema ko. Nariyan naman at napansin ni Kyle ang kakaibang ikinikilos ko. Bigla naman akong nakaramdam ng haplos ng palad sa kanang balikat ko na siya ring ikinagulat ko. Sabay- sabay tuloy na napatingin sina Mama sa akin.
"Anong nangyari sa iyo?" naguguluhang tanong ni Mama. Napalingon akong muli kay Kyle at nakabalandra sa mukha nito ang alalang itsura. Sa pangalawang pagkakataon ay sinbukan nitong haplusin muli ang balikat ko. Gayon pa man, kahit anong pigil ko'y hindi agad maaalis ang pagkabog sa dibdib ko.
Sinubukan kong ikalma ang sarili ko upang hindi makahalata sina Mama. Nang magkaroon ng lakas ay saka ako ngumiti sa kanila at naglakad na papunta sa direksyon nila Mama.
"Napano ka? Namumutla ka ata?" alalang tanong ni Mama. Agad ko rin itong sinagot nang maalalang wala pa akong binibitawang salita mula kanina. Ani ko, "A-ahh, malamig sa kotse ni Sir Kev. Ano, medyo nahilo lang po ako sa byahe."
Napansin ko ang maliit na ngiting lumabas sa labi ni Kyle. Sinundan pa ito ng komento niya. Aniya, "Dapat sinabi mo kanina para binuksan natin yung bintana. Okay ka lang ba niyan?"
"Ikaw talaga, Eridio. Sabi ko naman sa iyo wag ka nahihiyang magsabi sa amin. Di bale makakapag pahinga ka na niyan... Oh teka ayan na pala sila Mama," tuloy- tuloy na baling ng adviser namin. Napalingon tuloy silang lahat sa ngayon ay paparating na mag asawa. Saglit lang at bumalik ang tingin ni Kyle sa akin. Paano niya nagagawa yon??
"Magandang gabi sa inyo. Pinag balot namin kayo ng makakain. Salamat doon sa wine, Pare!" pauna ni Tito Kris.
"Ay naku nag abala pa kayo. Salamat sa paghatid kay Nukk," wika ni Mama habang tinatanggap ang iniaabot na suport ng mag asawa. Sandali pa't nag besohan ang mga ito. Pinatuloy na rin nila Mama ang mag anak at malugod naman naming silang tinanggap sa sala.
Wala akong ideya kung gano katagal ang magiging stay nila pero alam ko lang sa sandaling ito na gusto ko ng magpahinga. Ganon na lang din at nagpaalam ako kay Mama na aakyat sandali sa kwarto. Wala pa naman akong balak na magpalit pero gusto ko lang talagang bumawi ng hangin doon.
Aakyat na sana ako nang marinig ang tinig ni Kyle na nagpaalam din na sasamahan ako. Hindi ko alam kung anong karisma ang meron ito at tila wala namang kaso sa mga magulang ko ang pagsunod nito sa akin. Yun nga lang, kung siya nakangiti, ako naman ay nagsisimula na namang kabahan.
"Let's talk?" bulong ng binata at saka ako sinalubong ng maamong titig. Saglit pa at naramdaman ko na naman ang pagdapo ng kamay nito sa akin.
--
"I am really sorry, Love. I didn't mean to."
"Hindi mo sinasadya? ...Hindi mo sinasadyang diinan yung hawak mo sa magkabilang braso ko kanina?" nagtatakang tanong ko. Alam kong sa sandaling ito ay batid ng binata ang takot na naramdaman ko buhat ng huling tagpo namin sa labas ng kainan.
"Nadala lang ako. I was dissatisfied. When I tried to kiss you again, I thought you were disgusted," pagdadahilan ng binata. Nabalot kami ng katahimikan sa loob ng kwarto ko. Kahit papano, nag aalala rin ako gayong hindi naman kalakihan ang bahay at baka mamaya'y may nakasunod sa amin sa pinto.
Wala pa man akong nagiging tugon ay narinig ko muli ang lalaki. Wika nito, "I promise I won't do it again. Sorry na, Love. Pwede mo naman kasi'ng sabihin na ayaw mo. Hindi ka kasi nagsasalita kaya akala ko okay lang sa iyo. Kaya ko nagawa iyon... tapos umiwas ka. Ano namang mararamdaman ko dun di ba?"
May kung ano sa tono ni Kyle na siyang nagpabagabag sa akin. Sa isang iglap ay nakaramdam ako ng guilt. Hindi ko naisip 'yon.
"Sa susunod, magsalita ka, please? Para alam ko naman kung anong nasa isip mo. Nag o-overthink tuloy ako," dagdag pa ng binata.
Napako ang tingin ko rito na ngayon ay nakayuko. Damang- dama ko ang lungkot sa presensya nito na siyang lalo pang nagpatindi ng nararamdaman kong guilt. May punto ang sinabi niya. I should have mentioned earlier that I was uneasy even before he kissed me on the first try. I could have done something right then and there. Pang ilang beses na ba ito?
Ganon at ganon na lang nang mapagtanto ko kahit papano na ang pananahimik ko ang madalas na dahilan ng hindi pagkakaintindihan. Naging dahilan din ito noon para malagay sa alanganin ang pangalan ng binata noong nanliligaw pa lamang siya.
"I'm sorry, bati na tayo?" muling narinig ko sa lalaki. Hindi rin nagtagal at naramdaman ko ang yakap nito. Ibinalik ko rin ang kilos na iyon at maya- maya pa nakaramdam ako ng maliliit na likidong pumapatak sa balikat ko. Noon din at naalarma ako.
"Huy?? Kyle? Umiiyak ka ba??"
"H-Hindi..."
Agad akong kumawala sa yakap ng binata at saka pilit na itinaas ang ulo nito. Noon din at nakita ko ang bakas ng luha sa mukha nito. Mas lalo tuloy akong na- guilty. Dali- dali akong humingi ng patawad sa binata.
--
Natapos ang gabi nang magpaalam ang mag anak sa amin. Pasado alas- diyes na rin ng gabi iyon nang makabalik ako sa kwarto. Inuna ko na ang maglinis ng katawan bago dumiretso sa higaan. Hindi ko nagawa pang magdetalye sa kanila mama patungkol sa nangyari roon sa kainan. Sa tingin ko rin naman ay sapat na ang pagdalaw ng mga magulang ni Kyle kanina para ma- update ang mga magulang ko.
Tungkol naman sa naging di pagkakaunawaan namin ni Kyle, mabuti na lang at naayos din namin iyon. Nangako ako sa binata na gagawin ang makakaya ko para magkaroon ng pagbabago sa mga dapat baguhin sa akin. Ganon din naman siya at noon din ay nagkapatawaran kami. We spent an hour inside my room talking about random stuff. Syempre hindi maaalis doon ang patungkol sa art at iba pang related na bagay.
Nag paalam din si Kyle kanina na dadalhin niya ang ilan sa mga obra namin sa kanila upang isangguni kay Ate Mackenzie na siyang tutulong din sa amin sa pag eexhibit. Hindi ko tinutulan iyon bagkus ay sinuportahan ko pa lalo na't mag be- benefit naman kami pareho sa ideya niyang iyon.
Nang papauwi, tinulungan ko ang binata na bitbitin ang kalahati sa bilang ng mga nagawa namin. Lingid din sa kaalaman ko na nabanggit din ito ng mga magulang namin kaninang wala kami. Nalaman ko na lang nang makasalubong ko muli si Mama sa kusina noong bumaba ako saglit para uminom ng tubig.
Kaonting usapan lang na sinamahan ng maikling tawanan bago kami bumalik ni Mama sa kanya- kanyang silid. Saktong alas- dose ng hating gabi nang makahiga ako. Balak ko pa sanang mag sulat noon gayong may iilang ideyang pumapasok sa isip ko.
Gayon pa man, hindi katulad ng mga regular na araw ay pinalampas ko na lamang ang posibleng tula na maaari kong magawa. Hindi na kasi kaya ng antok ko kung kaya't itutuloy- tuloy ko na ang pagpapahinga. Sana lang, maalala ko iyon kinabukasan.