Chapter 46

1359 Words
"Kumain ka lang ija. Huwag ka mahihiya sa amin," pag eengganyo ni Tita Vicky. Sinuklian ko ng matamis na ngiti ang nakatatanda bilang paraan ng pag appreciate sa kabaitan nito. Malaking kainan ang napuntahan namin. Laking pasasalamat ko gayong tila bumagay naman ang suot ko sa tema ng lugar. Isa kasi iyon sa mga inaalala ko kanina bago pa man makarating sa tanggapan. Naalala ko pa nga kung makailang beses kong tinanong si Kyle kung presentable ba ako o ano gayong siya rin ang nakakaalam ng lugar na pagdadausan ng hapunan. Mabait ang pamilya ni Kyle sa akin noon pa man. Gayon pa man, hindi mo maaalis sa akin ang makaramdam ng ilang lalo pa't kasama rin namin ngayon ang class adviser namin na Kuya nga ni Kyle. Panay din ang ngiti sa akin ng guro at sa tuwi- tuwina ay sinisgurado nitong kumportable ako sa hapag kasama ang buong pamilya nila. "Kamusta pala tong si Kyle sa school, Nukk? Hindi naman ba sakit sa ulo?" pagbubukas muli ni Tita ng topic. sumubo muna ako bago sumagot sa tanong niyang iyon. "Hmm, mabait naman po siya, Tita. Nariyan na po yung pilyo pero mukhang hindi naman po siya umuubra kay Sir Tan," banggit ko sabay ngumiti sa direksyon ng guro namin. Hindi ko tuloy alam kung ganong itatawag dahil nasa labas naman kami ng school. Ganon pa man, pinili ko na yung nakasanay. Sandali pa at nasagi ng paningin ko si Kyle na ngayon ay nakataas ang isang kilay buhat ng sagutin ko ang ina nito. "Hindi na lang ako magsasalita Nay, Tay. Grabe kagulo niyan si Kyle hindi lang sa klase ko, sa buong school. Ikaw talaga Nukk, pinapababa mo pa ang sintensya nito. Porke jowa ha?" biro ni Sir na umani ng tawa at eksaheradong reaksyon mula sa aking nobyo. "Ang OA mo magsumbong Kuya. Ikaw nga diyan nililigawan mo ata si Ate Mackenzie!" balik ng binata na naging dahilan ng pagkaka samid ng nakatatanda nitong kapatid. Wala akong ideya sa mga sumunod na pangyayari. Ang alam ko lang ay nagpapalitan na ng pabirong suntukan sa kani- kanilang mga braso ang magkapatid. "Oh tama na yan. Kumakain tayo at hindi lang kayong dalawa ang tao sa restau," saway ni Tito na hindi pa rin naman natitigil sa paisa- isang tawa nito. Nakakatuwang pagmasdan ang pamilya nila lalo na ang interaksyon ni Kyle at ng kanyang Kuya. Kung sa school, strict at professional ang datingan ni Sir, pagdating sa pamilya ay lumalabas ang natural na pakikisama nito sa kanila. Malayong- malayo sa mala- ginoong postura sa loob ng paaralan. "Pero totoo ba yon, Kevin? Nililigawan mo si Mackenzie? Hindi kaya magkagulo kayo ni Nico? Tama ba tanda ko sa pangalan ng kaibigan mo?" sunod- sunod na tanong ni Tito Kris. "Tatang, huwag ho kayong maniwala kay Kyle. Gumaganti lang po yan sa akin dahil napapahiya sa girlfriend niya. Hindi ba, Nukk?" pang aasar lalo ni Sir Kevin sa kapatid niya. Sinabayan niya pa ito ng kindat at pabirong bumulong sa akin na siya namang lalong kinainis ni Kyle. "Lagot ka sakin mamaya kauwi, Kebong! Matutulog kang salubong ang kilay. Makikita mo," asar- talong banat ni Kyle. I'm not sure why, but I find this side of him endearing. Kyle exhibits this side the majority of the time, and it adds to my admiration for him. Nagpatuloy sa pag aasaran ang dalawang mag Kuya habang nagkaroon naman kami ng pagkakataon ng Mama ni Kyle na makapag usap. Nag yaya kasi si Tita na lumabas papuntang balkonahe para magpahangin sandali. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na siyasatin ang paligid. Kalimitang mapupuna ang tatlong timbre ng kulay. Higit na umiikot sa kulay kalawang, pula at kremang tono ang pintura ng bawat pader. Nakdagdag sa pagka sopistikada ng establishimento ang naglalakihang mga bintana na may kadugtong na balkonahe. Isama mo pa ang mga pailaw sa kisame na talaga namang mas lalong nagpagaan ng atmospera sa loob ng restawran. "Sana nag eenjoy ka ija. Pagpasensyahan mo na yung magkapatid at ganyan talaga yang mga yan kung mag asaran. Sa totoo niyan may mas ga-grabe pa diyan," pag bubuking ni Tita sa mga anak niya. "Ganon po ba?" maikling balik ko na mabilis niyang sinundan. "Oo jusko! Ano ba yung tinatawag nilang prank ano ba yon? prank battle? prank war?-" "Opo Tita prank wars po. May ganong ganap ho sa inyo?" wika no nang saluhin ang pangungusap ng nakakatanda. Ganado naman sa pagkukwento si Tita at masasabi ko namang mas nagiging kumportable ako sa sandaling ito. Kahit papano ay nawawala ang tensyon na nararamdaman ko lalo pa't magulang ng nobyo ko ang kaharap ko. Nariyan pa't nakuha ni Tita na magbanggit ng iilan sa mga kalokohang nagaganap sa loob ng kanilang bahay. Hindi ko naman mapigilang hindi matawa gayong nailalapat ko rin sa imahinasyon ang mga sinasalaysay ng nakakatanda sa akin. Sa maraming pagkakataon, nagfo- focus ang mga kwento ni Tita patungkol kay Kyle na sa tuwina ay nasusundan din ng tungkol sa panganay. May tatlongpung minuto rin ata kaming nasa balkonahe at pawang ang magkapatid lamang ang pinag uusapan. Nadiskubre ko rin sa ginang ang patungkol sa pagkakawalay sa kanila ni Kyle noong bata pa lamang ito. "Noong elementary yan si Kyle, nag abroad kasi ako Nak. Ang Tito Kris mo naman, namamasada ng tric," panimula ni Tita sa maikling pagbabalik tanaw nito. Sandali rin ay nagpatuloy siya. Wika ng ginang, "Hindi kasi yan sanay si Kyle matulog ng hindi nabe- baby. Alam mo naman ang trabaho ng Tito mo, pagod. So, agad na iyan nakakatulog." Pinanood ko lamang ang babae habang nagkukwento ito. Bawat kumpas nito ng kamay kasabay ng mga salitang binibitawan ay madali ko lang din nasusundan. "Long story, kinukulang sa atensyon yung bata. Kaya ayon, nagpasya ang nanay ko, yung Lola nila Kyle, na kukunin muna itong bata at siya na ang bahala roon. Kaya kung mapapansin mo eh' medyo spoiled nga yan si Kyle. Idagdag mo pa yung madalas na pag aasaran nila ng Kuya niya. Sa tagal ko ba naman sa abroad, halos ganon din katagal na nakahiwalay si Kyle sa tatay at kapatid niya." Matapos ang huling pangungusap ng ginang, walang kamalay- malay at pareho kaming natuon ang pansin sa direksyon ng mag aama. Mula sa malayo, wala akong ibang nagawa kung hindi ang admirahin ang mukha ng kalalakihan na nagsasaya kasama ang isat- isa. Hindi ko rin maiwasang makaramdam ng animo'y lungkot at sa parehong pagkakataon, saya, gayong buo sila ngayon. Sandali pa at napadako ang tingin ko kay Tita Vicky. Tila ba nangingilid pa ang luha sa mga mata nito. Noon din at mas umigting pa ang emosyong naririto sa dibdib ko. Na para bang sa sandaling ito, nakiki- share ako sa emosyon na nararamdaman ng ginang habang nasisilayan ang mga mukha ng kanyang pamilya na matagal niyang hindi nakasama. "Tara na ulit sa mesa?" iyon ang huling mga salitang narinig ko sa loob ng balkonaheng iyon. -- Paglabas ng establishimento, nariyan at marahan akong hinatak ni Kyle sa isang sulok. Kung gano kabilis ang kamay ng binata ay ganon din kabilis ang pag ragasa ng dugo sa dibdib ko. Ang lakas mag pakaba ng lalaking ito no? "B-bakit mo ko hinatak?" kinakabahan kong sabi. Napalinga naman ako sa paligid. Hindi agad tanaw ang pwesto namin gayong napakaliit ng tyansa ng pagtama ng ilaw sa direksyon namin. "Isang kiss lang," malapad na ngiti ng binata. Para itong bata na tuwang- tuwa sa kending iniaabot sa kanyang harapan. Maya- maya pa, hindi pa man ako nakapagbibigay ng konsento ay saka ko na lang naramdaman ang mga labi nito sa akin. As the kiss passed quickly, I didn't have much time to close my eyes. Seconds later, I felt another pair of lips on mine and leaned away slowly. Sandali akong napaayos ng tayo nang makaramdam ng ilang at hiya. Baka may makakita sa amin lalo pa at batid kong hindi kaaya- ayang lugar ang kinalalagyan namin. Bago pa ako makapag salita, sumalubong sa akin ang disappointed na titig ng binata. Napansin ko rin ang pag iling nito pati na rin ang bahagyang pagbabago ng awra sa presensya nito. "What was that?" Kyle asked, disappointed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD