Ilang linggo na ang nakakalipas simula ng huling labas namin nila Lavinia at Kyle. May mga pagkakataong lumalabas pa rin kamim ngunit hindi kagaya ng dalas noong mga nakaraang araw. Papalapit na kasi ang finals at abala ang lahat sa paghahanda para sa mga tests at final requirements.
Samantala, hindi naman pumapalya si Kyle sa pagbisita sa akin linggo- linggo. Tulad ng nakagawian, tila naging tradisyon na ang art jam mapa- saan man kami magpunta ng nobyo. May mga pagkakataon din na may mangilan- ngilan ang nakakapansin sa mga obra namin buhat ng mag post si Kyle online sa iilang mga gawa namin.
Minsan pa ngang may nag alok na bilhin ang isa sa mga obra namin. Gusto man ni Kyle na pagbigyan ngunit napag usapan kasi namin na mas mabuting ipunin muna iyon para sa mas malaking ganap at yun nga ang pagbabalak naming mag exhibit.
Patungkol doon, sa tingin namin pareho ay hindi naman kami mahihirapan na matupad iyon gayong maraming connection ang kuya ni Kyle. Idagdag mo pa na napapalapit na rin si Kyle ate Max gawa ng kaibigan ito ng Kuya niya. Sa pagkakaalala ko rin ay nabanggit niya na ito sa nakatatandang babae at binigyan naman kami ng kasiguraduhan ni Ate Max na magbibigay ito ng buong suporta niya.
Sabado ngayon ng gabi, kagagaling lang ni Kyle sa amin at kasalukuyan akong nagliligpit ng mga pinag gamitan namin kanina. Kung susumahin, mayroon na kaming higit bente piraso ng obra. Kabilang na roon ang dalawang partisipasyon ni Lavinia.
Hindi pa man ako natatapos sa pag aayos, narinig ko ng nagtawag si Mama. Nakabalik na rin nga pala sila matapos ang higit isang linggong pagkakawala. Gayon pa man, hindi naging mahirap para sa akin ang mga panahong iyon dahil na rin sa presensya nina Kyle at Lavinia na wala namang patid sa pag kukumpitensya sa isat- isa.
"Mamaya mo na ituloy yan at lalamig na ang sabaw. Sumunod ka na sa kusina," rinig kong turan ni Mama. Ni hindi ko na nagawang lingunin pa ang nakatatanda dahil abala ako sa pag pupulot ng mga acrylic tubes sa lapag. Ibabalik ko muna ang mga ito sa bakanteng kwarto at susunod na rin ako kung nasaan man sila naroon.
Nang makaakyat sa kwarto, isa- isa kong nilapag ang mga tube, paint brush at iba pang nakaya kong bitbitin. Pagkalapag, saka ko lang ininda ang braso ko. Sinubukan ko pang iangat ang sleeve ng tshirt ko para sana tignan ang specific part ng braso ko na nananakit sa sandaling ito.
Sa susunod nga pagsasabihan ko si Kyle na yung kabilang braso ko naman ang bugbugin para pantay. Lately, napapansin ko ang pagiging clingy at sobrang kumportable ng binata pero hinahayaan ko lang dahil sa tingin ko naman ay paglalambing niya lang ito.
Kung minsan, nagiging needy din siya minsan kung kaya't bawat hiling nito ay madalas kong tuparin. Sa mga ganong tagpo kasi naalala ko ang kaparehong sinabi ni Kyle noon na natural niya lang 'yong ganoon at ako lang ang nakakakita ng ganoong side niya. For me, it's also endearing that he seems to open up to me and exhibits a sense of comfort with me.
Ganon din naman, sa parehong pagkakataon, bumabalik din sa akin ang maikling video na napanood ko patungkol sa mga childhood traumas, inner child satisfaction at iba pa. Hindi naman malaking bagay para sa akin ang kahit papano, i-spoil si Kyle sa mga maliliit na bagay. Kahit pa kung minsan, ang pag pa- punching bag niya sa akin ng pabiro ang nagiging kapalit. Little sacrifices, I think?
Sandali lamang at nakababa na rin ako. Inabutan ko pa roon si Mama na abala sa pag aayos ng mga kubyertos at iba pang mga kagamitan. Si Daddy naman ay abala sa pag memekaniko sa bago nitong cellphone. Buhat ng makabalik, iyon at iyon na ang naging tagpo sa pagitan ng cellphone at ni Papa.
Sa tuwing mapupukaw ni Daddy ang atensyon ko, hindi ko mapigilang hindi mangiti. Lalong- lalo na sa mga pagkakataong humihingi ito ng tulong tuwing naliligaw sa sistema ng cellphone na hawak niya. Nakaka- entertain din paminsan- minsan.
"Anak, kunin mo-" Hindi na nagawang tapusin ni Mama ang nais niyang sabihin dahil napapikit ako nang mapansin ang pagtaas nito ng kamay niya sa harapan ko. Nasaksihan ko naman ang takang- takang itsura niya. Maya- maya pa ay napansin ko na rin ang titig ni Daddy sa akin.
Ang buong akala ko ay dadapo sa akin ang kamay ni Mama kaya ganon na lang ang naging reaksyon ko. Noon ko lang din napagtanto ang pagturo nito sa gawi ng mga placemat.
"Ayos ka lang?" alalang tanong ni Mama. Binalingan ko ito agad ng ngiti at saka nagtungo sa nauna nitong inutos. Kahit pa abala sa pagkuha ng mat, dama ko pa rin ang titig ng dalawa kahit pa nakatalikod.
Matapos noon, nang maayos na ang hapag ay nagsimula na rin kaming kumain. Tahimik ang buong hapag hanggang matapos kaming lahat sa hapunan. Tinulungan ko rin si Mama sa pag liligpit ngunit kapansin- pansin ang pagiging tahimik nito at tila alerto sa paligid. Anong meron?
--
Kinabukasan, Linggo ng tanghali, kagagaling lang namin ng church. Sumaglit din kami nila Daddy sa palengke para mag grocery ng pagkain. Sa fastfood na rin kami nag tanghalian gawa ng hindi na makakapag luto pa si Mama dahil aabutan kami ng gutom kung ganon ang mangyayari.
Habang nasa byahe pauwi, nakatanggap pa ako ng tawag kay Kyle. Nagyayaya siya ngayon na lumabas at ani pa nito'y kasama raw ang family niya. Malimit ang ganitong mga pagkakataon kung kaya't tinimbre ko agad sa kanila Mama sa pag asang papayagan ako. Since ang parents na rin ni Kyle ang nagpaabot ng mensahe, hindi naging mahirap para sa akin ang pagbigyan nila Mama.
Sa ilang buwan naming magkasintahan ni Kyle, kahit papano ay nagkasundo na rin ang mga magulang namin. Sa tuwi- tuwina ay nagpapadala ang mga magulang ni Kyle ng mga ani nila sa bukid habang malimit din magpadala si Daddy ng mga produkto mula sa kumpanyang pinagta- trabahuhan nito.
Makalipas ang kalahating oras na byahe, nakarating na kami sa bahay. Dali- dali kong tinungo ang kwarto ko upang magpalit at maghanap ng dress na susuotin para mamaya. Sakto naman at bumalik sa tawag si Kyle kung kaya't nagkaroon pa kami ng kaonting oras para makapag usap. Balak ko kasing matulog muna para naman may sapat akong pahinga bago sumama sa kanila mamaya.
"Yes, Love?"
"Susunduin kita diyan sa inyo para mapag paalam kita ng personal sa kanila Tita," paalam ng binata. Tumango naman ako kahit pa hindi naman ito nakikita ng binata. Dagdag pa niya, "Ala singko na kita susunduin. Dinner lang naman yun, love."
"Okay! Noted, Love."
Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin. Abala kasi ako sa pag hahanap ng masusuot habang wala akong ideya sa kung ano man ang pinagkaka abalahan ng lalaki sa kabilang linya. Malimit ding maririnig sa kabilang tawag ang kalmadong paghinga ng lalaki. Sa palagay ko tuloy ay nakahiga ito at tamang naghihintay lang din na magsalita ako.
"Love, nag hahanap akong damit. After nito, matutulog muna ako ha?" ani ko.
"Matutulog ka? Ayaw mo ba akong kausap? Lagi ka na lang busy kamo," bawi ng lalaki sa kabila. Natawa na lang ako dahil sa tono ng pananalita nito na animo'y batang hirap pagbigyan.
"Maaga kaming nagising, Kyle. Kahit one hour lang na tulog pagbigyan mo na ako," balik ko naman na hindi pa rin natitigil sa pag aalis- balik ng mga damit na natatagpuan ko sa loob ng aparador.
Nariyan at nakapag labas ako ng tatlong piraso ng dress sa higaan. Narinig ko pa ngang may kumatok sa pintuan ko. Nilapitan ko yon agad at saka pinagbuksan ang ngayong nakatayo sa harap ko, si Daddy.
"Nagluto akong meryenda roon, Nak. Baka gusto mo kumain ulit? Hindi talaga ako nabubusog sa fastfood," sabi ni Daddy. Napansin niya naman ang hawak kong cellphone na hanggang ngayon ay nasa tenga ko pa. Saka ko rin naalalang nasa kabilang linya pa si Kyle.
"Si Kyle ba yan? Oh Nak kamusta?" baling ni Daddy. Bahagya pa nitong nilapit ang bibig sa cellphone ko para nga sana kamustahin ang lalaki. Ganon na lang at inilayo ko ang cellphone sa tenga ko at saka nilagay sa loudspeaker ang tawag.
"Ayos naman po Tito. See you po mamaya, pagpapaalam ko po sana si Nukk."
"Walang problema. Sakto may dala akong wine. Ipadala ko na sayo at ibigay mo kay kumpare ko," ani Daddy at saka sumenyas na bababa na. Sinuklian ko ito ng ngiti ngunit bago ito magpatuloy sa kusina, tinuro niya pa ang dress sa kama at saka sinabing, "Light blue. You'll look good in that." Sabay kindat.
"Mukhang hindi ka na makakapili ng kulay, Kyle. Si Daddy na nagsabi, pastel blue raw."
"Ano pa nga ba? Wala naman akong laban kay Tito," aniya na batid ang pagkatalo sa tono nito.
--
Pagpatak ng ala- singko ng hapon, nariyan at nakuha ko nang makapag ayos at bihis. Hinihintay ko na lang ang pagdating ni Kyle. Batid ko ring hindi matatagalan bago sumulpot ang binata sa harapan ng bahay namin gayong nagpaalam itong babyahe na papunta sa amin.
Pagbaba ko sala, nandoon sina Mama na abala sa panonood. Katatapos lang ata ni Mama magluto habang si Daddy naman ay matyagang sumisimsim sa mainit nitong kape. Napansin din naman nila ako agad.
"Kaya dapat naniniwala ka sa taste ng tatay mo. Tignan mo, bagay talaga sayo ang kulay anak ko," nakangiting komento ni Daddy. Tinignan ko naman ang reaksyon ni Mama na batid namang mas malapad ang ngiti kaysa sa asawa nito.
"Iyan ba yung binili ko nung nakaraan? Sakto lang pala oh. Bagay na bagay sa iyo nak ko," bati naman ni Mama. Kumikislap ang mata nito at nakuha pang magtakip ng bibig. Anong klaseng reaksyon iyon? Nailing na lang ako at natawa. Busog na busog ako sa compliment mula sa pamilya ko ah?
Maya- maya pa, nakarinig kami ng tinig mula sa labas. Malamang ay si Kyle na iyon. Noon din, isa- isang tumayo sina Mama upang labasan ang bisita namin. Napansin ko rin ang pagkuha ni Papa ng hindi kalakihang karton na nakatayo roon sa coffee table. Iyon siguro yung sinasabi niyang wine na pinapaabot para sa Tatay ni Kyle. Sandali pa't kaharap na namin ang bianta. Hindi ko napigilang igala ang tingin sa suot ng lalaki.
Nakasuot ito ng puting polo shirt na tinernuhan ng kulay khaki pants. Bumagay naman ang top sider shoes nito at idagdag pa ang malinis na hawi ng buhok niya sa kanan. Inaamin ko namang ang gwapo niya lalong tignan sa pormahan niyang iyon.
"Baka malusaw ako niyan, Love. Konti- konting titig lang, alam ko namang gwapo talaga ako," bulong ni Kyle. Ni hindi ko napansin agad na nakalapit na pala ito sa direksyon ko at hawak- hawak na rin ang pinaaabot ni Daddy.
"Sira ka talaga! Masyadong confident Kyle Tan ha?" balik ko na siyang nagpalawak lalo ng ngiti ng binata. Sumagot naman ito agad. Wika niya, "Don't worry, you still look stunning despite having zoned out a few minutes ago. Bagay na bagay ka lalo sa akin, Nukk Ryleigh Espiritu." Nagtawanan kaming dalawa matapos ng maikling usapang iyon.
Maya- maya pa, nagpaalam na rin kami sa mga magulang ko. Nangako rin si Kyle lalong- lalo na kay Daddy na ibabalik ako agad at sisiguraduhing babantayan nito ang oras. Ipinagkatiwala nama nako ni Daddy ng walang pag aalinlangan sa kanya.
Ganon na lang at nauna na kami para sundan kung nasaan man ang pamilya niya na nauna na sa amin sa kainan. Kumaway pa ako sa huling beses na siyang iginawad din pabalik ng aking mga magulang.