Chapter 44

1424 Words
“Ano? Mag aaway na lang kayong dalawa?” baling ko. Tanghali na at nagbabangayan pa rin silang dalawa. Pinag aawayan kung sino ang magluluto ng tanghalian. Konti na lang at iisipin kong mas bagay silang dalawa dahil panay silang nagko kontrahan. Sandali pa’t ni- give up na ni Lavinia ang sandok na pinag aagawan nila. Yun nga lang, tumama sa mukha ni Kyle iyon buhat ng biglang bitawan ni Lavinia ang maliit na piraso ng bakal. “Laklakin mo. Panira ka ng bonding,” bitaw ni Lavinia at saka tinalikuran ang mangiyak- ngiyak na lalalki. Nakaramdam man ng pag aalala, hinayaan ko na lang din si Kyle dahil sa tingin ko naman ay kaya niya ng I- manage iyon. Isa pa, alam ko kasing kokontra si Lavinia kung tutulong pa ako. Walang excemption kahit pa mag nobyo’t nobya naman kami ni Kyle. Matapos ang ilang sandaling pag luluto ng binata, pinag saluhan naming tatlo ang tanghaliang hinanda ng lalaki. Mabuti na lang, sa pagkakataon na ito, tahimik ang paligid. Pansamantalang nakapag pahinga ang tenga ko sa kumossyon ng dalawang to. Maya- maya pa, narinig ko ang bitaw na suwestyon ni Kyle na siyang nakakuha ng atensyon naming dalawa ni Lavinia. “Gusto niyo ba mag art jam?” ani ng lalaki. Napansin ko naman ang pagrolyo ng mata ni Lavinia kasabay ng pagsubo nito sa kutsara niyang puno ng pagkain. “Kaka- art jam lang namin kagabi. Baka may naiisip kang ibang ‘unique’ na activity?” tuon ng dalaga animo’y kumo- quote pa sa hangin matapos sabihin ang salitang ‘unique’. “Wala akong ibang alam gawin. Ayoko rin naman sa bahay naiinip ako,” baling naman ni Kyle. “Tuyo kasi utak mo kaya wala kang maisip. Mabuti pa nga umuwi ka sa inyo. Mag s-stroll na lang kami ni Nukk,” ideya ni Lavinia na siyang tila nagpapalakpak sa tenga ng lalaki. Hindi ko lubos maisip kung bakit nauna pang na- excite si Kyle gayong ako naman ang tinuro ni Lav. Maya- maya pa, napatayo sa tuwa si Kyle at binaling ang atensyon sa kasama namin. Aniya, “Isama niyo ako! Marunong ka bang umangkas ng dalawa?” “Ano?! Kapal naman ng mukha mo! Neknek mo no? Mag bike ka pauwi sa inyo!” At ayan na naman sila. Nagsimula na naman ang bangayan sa pagitan ng dalawang to. Wala pa man akong naaambag sa usapan at nakuha na naman nilang humirit ng isang round pa ng gulo. Mabuti na lang at kahit paano nasasanay na ang tenga ko sa kanila. Para akong naiiipit araw- araw sa dalawang nag uumpugang bato. Hinayaan ko na lang sila at tinapos ko ang pagkain ko. -- Pagdating ng hapon, kasama ko ang dalawa lulan ng motor ni Lavinia. Batid ko sa itsura nito ang hindi kaaya- ayang repleksyon gawa ng kasama namin si Kyle sa sasakyan niya. Papunta kami sa bukid ng pamilya ng binata. Hindi ko naman maitatanggi na excited ako para sa aming tatlo. Madalas ang pagsigaw ni Kyle sa buong byahe. Nakuha pa nitong magtaas at magwagayway ng kamay, bagay na nais ko ring gawin kagabi kung hindi lang ako natatakot na mahulog sa motorsiklo ni Lavinia. Sa itsura pa lang ni Kyle na nakikita ko ngayon sa side mirro, mahahalata mo rito ang saya at naiintindihan ko naman ang emosyong iyon. Mayroong kung ano sa pagsakay sa single na tila nagbibigay sayo ng freedom. Idagdag mo pa ang masarap na hampas ng hangin sa mukha kasabay ng nakaka- relax na simoy nito. “G*go ka ba? Huwag ka ngang malikot? Pag naaksidente tayong tatlo ikaw sana ang mapuruhan,” sigaw ni Lavinia. Kung kanina nasabi kong naiipit ako sa gitna ng dalawang kasama ko, ngayon ay literal na naiipit ako dahil napapagitnaan nila akong pareho. “Mag drive ka lang diyan! Ang reklamador mo naman!” sigaw pabalik ng lalaki. Hanggang dito nagtatalo ang aso’t pusa. May isang oras din bago kami nakarating sa mismong kubo sa loob ng bukid nila Kyle. Maraming tanim dito kabilang na yung mga nakapilang mangga sa b****a pa lang ng lupa nila. Sa pagpasok mo pa, mapapansin ang malawak na taniman nila ng talong, kamatis at iba pang mga gulay. Ngayon ko lang nalaman na may ganitong pag aari sila Kyle. Noon ko rin naisip na malamang ay masaya ang childhood nitong lalaking to gayong mayroon silang ganito kalawak na taniman. Imagine the simple life here? Para sa akin, napakalaki at napakasayang tagpo na noon. Maya- maya pa, nilatag na ng dalawa ang malaking kumot sa ibabaw ng papag na naroon sa kubo. Medyo marumi kasi roon at iniiwasan naming madumihan ang bitbit na mga art mats, at idagdag pa ang mga pagkain. Kanina lang, pinagtatalunan ng dalawa kung ano ang gagawin sa hapon at kung sino ang mas sasamahan ko sa kanya- kanyang ideya na nabanggit nila. Dahil alam ko naman na walang magpapatalo, minabuti ko ng pagsamahin ang parehong suwestyon ng mga kasama ko. “Hindi ka pa ba nagsasawa sa art jam? Yan at yan na lang ang ginagawa niyo,” wika ni Lavinia. Nauna na nitong nilabas ang pagkaing bitbit namin. Hindi ko lang alam kung makikipag participate ito pero ang mahalaga naman ay pumayag siyang sumama sa amin. Sa ganoong paraan, makakapag bonding kaming tatlo nang hindi ako kailangang gawing trophy para sa contest nilang dalawa na hindi ko maintindihan. “Pag passion mo, hindi mo pagsasawaan no. Isa pa, nag iipon kami ng artworks ni Love. Mag eexhibit kami,” wika ni Kyle at halata mo sa tono nitong niyayabangan si Lavinia. Hindi naman nagpatinag ang babae. Sagot ni agad, “Akala mo lang hindi nagsasawa si Nukk. Napipilitan lang yan kasi hindi naman marunong tumanggi yan.” Nalaglag ang panga ko sa sinabing iyon ni Lavinia. Alam kong sa mga susunod na sandali ay mag o-overthink na yang si Kyle. Alam na alam pa man din ni Lavinia kung pano galitin tong boyfriend ko. Magsasalita pa sana si Kyle ngunit nagawa ko itong pigilan. Humarap ako sa binata at saka ito nginitian ng malapad. Ani ko, “Pag asar, talo. Sige na, mag isip ka na ng theme nate.” Animo’y maamong bata naman ang binata at agad ko ring nasuway. “Palibhasa may kasalanan ka kagabi kaya ang bait- bait mo,” bulong ni Lavinia kung kaya naman umai ito ng tapik sa braso mula sa akin. Pagbabawal ko sa kanya, “Tigil na. Quota na kayong dalawa sa araw na ito. Malapit na akong mabingi.” Natawa naman si Lavinia roon sa sinabi ko. Ganon na lang at tahimik itong sumunod sa akin. Sandali pa, bumalik ito sa tipikal niyang side. Iyong tahimik at tila walang pake sa paligid. Kung hindi ko to kilala eh’ mag aalala na ako. "Wala ka bang draft na tula sa phone mo Love? Mas madali kasi mag isip pag ginagawa nating konsepto yung gawa mo," ani Kyle na siyang umani ng atensyon ni Lavinia. Wala naman itong masamang reaksyon ngunit tinapunan ako nito ng naiintrigang tingin. Sa tingin ko ay tungkol iyon sa pag gawa ko ng tula at hindi pa siya pamilyar sa hobby ko na iyon. Saka ko na lang inilabas ang phone ko mula sa bulsa. Kung tama ang pagkakaalala ko, nakagawa ako noong minsan matapos kong makabasa ng ilang mga kumento sa pinapanood kong video online. Malimit na gawain ko ang gumawa ng mga salita mula sa karanasan ng mga taong hindi ko naman din kilala sa internet. Sandali pa, matapos ang ilang pag ii-scroll sa notes, hindi naman ako nabigong bigyan ng pirasong tula ang lalaki. Iaabot ko na sana ang phone ko ngunit nauna nang hinatak ni Lavinia ang kamay ko at saka pabulong na binasa ang mga lirikong nakasulat sa screen. My body is an art I draw now and then It lived in every part I carved red lines on it Scraped, tired, and beat Points straight —in series they're neat A load in my top organ A broken carriage in chest; There my pain —span To feel is in her wrist No lifeline; all are at risk "Gawa mo to?" hindi makapaniwalang sabi ni Lavinia. Mula sa gilid ng mga mata ko, nakikita ko naman ang pag bungisngis ni Kyle. Kasunod noon ang mahinang pag layo ni Lavinia sa mukha ng binata gamit ang palad niya. Para niya na ring sinampal si Kyle sa inakto niyang iyon. Muli kong narinig ang dalaga, "Ano pang talent mo? This is too much, babe. Paborito ka ng langit ano?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD