Wala akong masabi pabalik kay Lavinia gayong namangha na lang din ako sa pagiging seryoso nito. Well, I already knew she had this side, but this level of seriousness always astounds me. Malayo sa masungit, mapang asar at paminsan minsan na bibong ugali nito.
Ilang oras din kaming nanatili sa sala para sa late night art jam namin. Tutal wala rin naman pasok tulad ng nabanggit niya kanina lang, hindi na kami nagdalawang isip pang magkasundong tapusin ang aming nasimulan. Mangilan- ngilang kwentuhan ang napag saluhan namin at kalimitan doon ay patungkol lamang sa kung anu- anong bagay sa mga buhay namin.
Ngayon ko lang din nalaman since nai- share ni Lavinia na meron itong mga kapatid sa bagong mga pamilya ng mga magulang niya. Hindi ko naman maiwasang hindi malungkot dahil sa paghihiwalay ng mga ito at pagka iwan ng kaibigan sa puder ng kanyang lola.
I even asked her if she had considered living simultaneously with her parents. Lavinia didn't hesitate to oppose the idea. Ang sabi pa nito, masaya na pareho ang mga magulang niya sa kanya- kanyang bagong pamilya. Kung sisingit pa siya sa oras ng mga ito, baka raw makagawa lang ng gulo sa dalawang panig.
Sinubukan kong intindihin ang sinabing iyon ni Lavinia pero sa kabilang banda, may parte sa akin na umaasang bibigyan niya ng pag asang makasama kahit paminsan- minsan ang mga magulang niya kahit pa may mga bagong pamilya na ito. Sa kabilang banda, naiintindihan ko rin na maaaring awkward nga iyon at baka hindi rin talaga ayos para kay Lavinia ang ganong set up.
Ganon na lang at hinayaan ko na ang pasya ng dalaga. Itinuon ko na lamang ang pansin sa pag aayos ng ilang mga detalyeng iniwan sa akin ng kasama upang matapos na ang aming obra. Nariyan at nakuha ko ng makakuha ng ilang teknik mula sa kasama at laking pasasalamat ko naman kay Lavinia dahil marami akong natutunan mula rito.
Mag a-alas dos ng madaling araw bago kami tuluyang natapos. Iniwan na lang namin ang mga natirang gamit dahil masyado ng malalim ang gabi at mas mabuting ipagpabukas na ang pag lilinis noon.
Dahil pareho naman kaming babae, nagtabi kami sa kama at hindi na ako nagtakang nag bigay ng espasyo si Lavinia sa pagitan naming dalawa.I had anticipated the girl's reluctance to share her personal space.
Kinaumagahan, maliwanag na sikat ng araw ang tumama sa direksyon namin. Dahil na rin sa puyat at labis na antok, sinubukan kong tumayo sandali upang ibaba ang kurtina't madagdagan pa ang pahinga namin. Matapos noon ay bumalik ako sa higaan para sana ipagpatuloy ang tulog ko.
Maya- maya lang, nakuha ng katabi kong babae ang atensyon ko buhat ng marinig ko itong magsalita. Akala ko pa nga noon ay gising ito't ako ang kausap ngunit sa pag uusisa'y tila nananaginip ang kasama ko sa oras na ito. Pinakinggan ko siya at noon ko narinig ang pag tawag nito sa magulang.
"Hindi ako babalik kahit kanino sa inyo. Sana hindi na lang k-kayo nag anak kung maghihiwalay din kayo," bulong nito. Hindi ako sigurado sa mga naunang sinambit ni Lavinia gayong medyo bulol at mahina ang iilang mga liriko sa pangungusap nito.
Sa sandaling iyon, hindi ko mapigilang hindi malungkot sa narinig.She's been unconsciously dreaming of these scenes. I'm curious how many times she does this. Ganon na lang at inilapit ko ang kamay sa ulunan nito upang bahagyang himasin. Alam kong hindi sasapat at hindi rin naman aware ang dalaga sa nasaksihan ko pero kahit papano, gusto kong iparamdam dito na nais ko siyang damayan.
Dahil doon, imbis na ipag patuloy ang tulog, tumayo na ako at nagpasyang mag handa ng agahan naming dalawa. Naalala ko rin yung mga kalat na naiwan kagabi kaya susunod ko na ring lilinisin iyon.
Dumiretso ako sa banyo para mag toothbrush. Sakto namang dala ko ang cellphone ko kaya't habang naglilinis ng ngipin, nakuha kong tumingin sa gadget na hawak ko. Doon bumungad sa akin ang ilang mga mensahe mula kay Kyle. Sunod- sunod iyon.
Di katulad kagabi na emoji lang, napansin ko habang nag ii-scroll ako pababa, may mga mensahe roon na mahahaba na siyang bahgyang nagpatigil sa akin sa kasalukuyang ginagawa. Nagmadali akong magmumog at saka tinuloy ang pagbabasa sa mga iniwang chat ni Kyle.
"Hindi mo ako ginising. Balak mo pa atang magpaka bayani't magluto mag isa ng agahan." Dinig ko mula sa pamilyar na boses. Pumihit ako ng dahan dahan at tumambad sa akin ang nagkukusot pa ng mata na si Lavinia. Muli itong nagsalita, "Oh? Cellphone agad? Aga- aga ah?"
Sandali pa't dumire- diretso ito sa loob at umupo sa water closet. Hindi alintana ang presensya ko. Ganon na siya ka- kumportable sa akin at kaya niyang maghubad at umihi sa harapan ko. Di pa man ako nakakasagot may sinabi na naman itong muli. Ani ng dalaga, "Si Kyle na ba yan? Nag sorry na ba?"
"Ahh... oo. Hindi ko napansin agad pero kagabi pang messages ito," mahinang saad ko. Tumayo rin agad si Lavinia at tinungo ang lagayan ng mga toothbrush. Katulad ko'y naglinis din ito ng ngipin.
"Maayos naman ba ang sorry?"
"Uhm, oo?" alangang tugon ko bago nagpabalik- balik ang tingin sa cellphone at kay Lavinia.
Kung magiging basehan ang structure ng apology ni Lav kagabi, isang parte lang naman ang sa tingin kong nakukulangan sa mensahe ni Kyle. Ganon pa man, hindi ba't it's the thought that counts?
"Okay, I'll just leave it to you." Yun lamang ang huling mga salitang binitawan ng dalaga bago bumaba at iwan akong nag iisa sa loob ng palikuran. Hindi ko tuloy alam kung na- satisfy ba siya sa sagot ko o ano.
Gayon pa man, tumipa ako sa phone ng iilang mga mensahe para kay Kyle. Masyado ng matagal ang higit sampung oras na hindi kami magkaayos buhat ng di pagkakaunawaan kahapon. Hindi naman siguro masama na tanggapin ko ang sorry nito at pag usapan ng maayos ang mga susunod naming mga di pagkakaunawaan.
Sandali lang din at nakatanggap ako ng reply sa binata. Tulad kanina ay sunod- sunod din ang mga iyon at pawang pare- parehong konteksto ng paghingi ng tawad ang laman ng bawat mensahe. Nagtagal pa ako ng ilang mga minuto sa banyo para i-entertain ang binata. Nang magkalinawan, bumaba na rin ako para sundan si Lavinia sa kung saang parte man ng bahay siya naroroon.
--
Tahimik kaming kumain ng kasama ko dahilan na rin siguro sa puyat. Natapos ko na rin linisin ang sala habang nag presenta si Lavinia na magluto ng makakain namin. Nga pala, katabi namin ang canvass habang kumakain. Para tuloy kaming may mini exhibit habang kumakain. Bawat subo ay saka rin bumabalik ang atensyon sa pareho naming nakaupong canvass sa bandang harapan namin.
"We did great. Ano magandang title?" matamang wika ng dalaga bago isinubo 'yong toast niya at diretso ang titig doon sa sining.
"Yeah, I had no idea it would turn out so beautifully," komento ko na kaparehong napapako ang tingin sa art work.
Pangunahing elementong nakaguhit doon ay ang mga imahe namin ni Lavinia noong bata. Bukod pa roon, may mga detalye kaming idinagdag tulad ng kulang na bahagi sa ulunan ng mga portrait na may kadugtong na tila imahe ng mga usok, alikabok at dreamy elements. Kung salita lamang, talagang mahirap idepina ang mga salitang maglalarawan pa sa obra.
"Mas may chemistry pa yata tayong mag art jam kaysa sa inyo ng jowa mong si Kyle. Ang tanong, may natatapos ba kayo?" ani Lavinia. Nang sipatin ko ang dalaga ay nangingilid pa ang mga ngiti nito. May kung ano naman sa sandaling ito at hindi ko mapigilang hindi alalahanin ang tagpo kaninang umaga.
Magsasalita sana ako pero natigilan ako nang dugtungan ni Lav ang nauna niyang tanong. "Baka isipin mo sobrang sama ko sa boyfriend mo. Don't get me wrong. Mainit lang talaga dugo ko sa kanya pero hindi naman siguro tayo maaapektuhan non no?"
"Wala naman akong nakikitang problema roon," tapat kong wika. Hinarap ko siya sabay sumimsim ng gatas sa tasa ko. Nauna na itong nakatitig sa akin kung kaya't medyo nailang ako roon. Ani niya, "Goods.I believe you are aware that I am somewhat protective of you. Ikaw ang una't huling kaibigan na ta- tyagain ko."
Naiintindihan ko naman ang punto ni Lavinia. Maaaring ibig nitong sabihin ay ako ang unang naka tyamba ng pwesto sa circle niya na dati namang hindi okyupado dahil sanay na itong mag isa. Sobrang ikinagagalak ko naman ang magkaroon ng ganitong klaseng oportunidad sa buhay niya.
Matapos naming mag agahan, sinuwestyon ko sa kasama na kung gusto nitong manood o kung ano man ang nais niyang pagka abalahan sa bahay ay malaya siyang gawin ang mga ito. Napag isipan ko kasing dalawin ang garden ni mama sa harap. Alam ko kasing importante kay mama ang mga halaman niya lalo pa't ito ang isa sa mga pinag kaka- abalahan niya sa tuwing may mga pasok kami ni Daddy.
Habang nagdidilig, sakto naman at dumungaw sa bintana si Lavinia hawak- hawak ang malapad na ngiti nito. Di nagtagal at nagsalita ito sawakas. Ang sabi niya, "Nakakuha ako ng invitation sa bagong workshop ni Ate Max. Naalala mo ba siya? Ano? Gusto mo ulit sumama?"
Paano kong makakalimutan si Max gayong ilang beses ko na itong nakakasama? Bukod sa naunang workshop, maaalala ko ring may tagpo kami noon kailan lang nung kasama ko si Kyle. Ibinaling ko naman pabalik ang atensyon sa dalaga na tila excited nga rin talaga sa paparating na workshop.
Akala ko pa man din, hindi niya tipo ang mga ganong activity. Ewan ko lang at baka nag enjoy siguro siya last na punta namin? Change of mind I think? Umoo naman ako sa paanyaya ng dalaga.
Maya- maya pa, nnakarinig kami ng tinig ng lalaki sa labas ng bakuran namin. Parehong atensyon namin ni Lavinia ang dumapo roon. Ganon na lang at bumungad sa amin ang pawis na pawis na si Kyle lulan ng bike niya. Wait?? Totoo ba to?
Pinagmasdan ko ang suot nito at tila hindi pa nagagawang makapag palit ni Kyle ng damit mula sa pagkakahiga. Nakasuot ito ng muscle cut na puting sando. Idagdag pa ang jersey shorts nitong itim na tinernuhan ng itim na slip on na tsinelas. Mahahalata mo rin sa itsura nitong kagigising lang dahil naniningkit pa ang mata.
"Good morning, love. Andiyan sila Tita? ...K-kaninong motor to?" pangunguna ng lalaki. Hindi nagtagal at nasipat nito ang nasa bintanang si Lavinia. Muling nagsalita ang lalaki, "Ang aga mo namang dumayo?"
"Duh, ikaw nga tong mukhang pagod diyan? Isa pa, kahapon pa ko rito." banat ni Lavinia. Alam ko na ang kasunod nito, gera na naman sa pagitan ng dalawang aso't pusang ito.
"Anong ginagawa niya rito, Nukk? Nasaan sila Tito?" sabi ni Kyle bago tuluyang bumaba sa bike at aktong papasok na sa loob buhat ng pagbuksan ko ito ng gate.
"Sinamahan niya ako rito. Wala sila Mama, may emergency kasi sa kapatid niya kaya lumuwas sila ni Tatay," baling ko. Noon din at pumarada na rin ang nobyo ko sa tabi ng motor ni Lavinia.
Nakita ko rin ang ekspresyong iginawad ni Lav sa lalaki bago ito tuluyang lumabas ng pinto at tinungo ang malapit sa direksyon namin. Sa wari ko ay babanat na naman tong babae na ito. Hindi naman ako nagkamali.
"Ano yang bitbit mo? Fastfood? Peace offering? Sana pina deliver mo na lang dahil ganon din lumamig na since ang tagal mong ni-bike niyan mula bayan hanngang Daang Bago," pang aasar ng dalaga at talagang binuo pa ang pangalan ng kanto namin.
Ganoon na lang at pinasimulaanan ng bangayan ang umaga naming tatlo. What a great way to start?