"Hindi ko inexpect yon," maikling saad ko.
"Ano ka ba wala yun no. Saka baka kinakaawaan mo ako baka saksakin kita diyan tigilan mo. Ayoko non, Nukk."
Malayo sa awa ang naramadaman ko sa pagbubunyag niyang iyon ng buhay niya. Pawang gulat lamang ang naramdaman ko dahil hindi ko talaga inaasahan na mayroong ganong kapait na talambuhay itong kasama ko.
Nang titigan ko ang kaibigan ko'y tila wala lang nga sa kanya ang nauna nitong sinabi. Hindi ito naapektuhan, bagkus ay tila isang kaswal na pangyayari lamang iyon para sa kanya.
Sa sandaling ito, mas focused siya sa pagtingin- tingin ng mga litrato ko sa photo almbum. Akala mo naman hindi niya pa nakita noong minsang napadalaw siya sa amin. Sa pagkakaalam ko pa nga ay nagka kwentuhan pa sila ni mama tungkol sa mga pictures ko nung bata. Tuwang- tuwa pa siyang pinicture-ran yung iba roon sa pagkakaalala ko rin.
"Pero hindi ako naaawa. Nagulat lang talaga ako. Nga pala, kamusta si Lola mo? Sinong kasama niya ngayon sa inyo?" pag aalala ko gayong nabanggit na rin ni Lavinia na sila ang magkasama ng Lola niya.
"Nandoon naman yung ibang pinsan ko sa mga kapatid ni Mama. Tamang- tama nga yung pag invite mo sa akin. Ayoko nakikisalamuha sa mga yon dahil masyadong masaya mga buhay nila. Nagugulo yung tahimik at mapayapa kong mundo," saad ng dalaga. Sandali pa't nilabas niya ang isa sa mga litrato ko roon sa photo album. Nagsalita itong muli, "May extra canvass ka ba? Gusto mo bang mag drawing saglit?"
Ano naman kaya bigla ang pumasok sa imagination nito at biglang naisipang magdrawing sa ganito ka-late na oras? Kung sabagay nga naman, marami rin akong kakilalang ganoon. Kung saan ka datnan ng ideas at themes, hindi pwedeng palampasin at talagang gagawin at gagawin mo siya dahil kung ipagpapabukas mo ay baka mawala pa siya sa isip mo.
Ganon na lang at tinabi niya ang litrato ko at saka mabilis na pumanhik sa loob ng kwarto. Agad ko namang sinundan ang dalaga at sakto namang inabutan ko siyang nangangalkal sa loob ng bag niya. Noon ko lang din napansin na marami- rami rin ang bitbit nitong damit. Mamaya ko na itatanong kung mag ii-stay ba siya ng matagal dahil kung oo, mas ikakatuwa ko iyon.
"Ito yung picture ko nung baby. Only picture sabi ni mommy. May naisip akong concept. Ano? G ka ba?" suwestyon ni Lavinia habang ipinapakita sa harapan ko ang kuha niya ng litrato noong bata pa ito. Sa tagpong iyon ay sandali kong tinitigan upang eksaminahin ang kapirasong papel.
Nakasuot ang bata roon ng ternong damit katabi ang dalawang naglalakihang stuff toy. Mapapansin din doon ang napaka- cute na pag flash ng smile ni Lavinia. Hindi mo aakalaing siya iyon dahil sa unang tingin mo sa kanya ngayon, agad na bubungad sa iyo ang masungit nitong itsura. Wala pa ngang ginagawa eh' nakaka warshock na.
Kinuha ko ang ilan sa stock ko ng mga canvass sa extra'ng kwarto sa tabi ng kwarto ko. Naroon din ang iilang mga gamit na hindi masyadong nagagamit nila mama. Nang makakuha ng katamtamang laki ay tinungo ko kung nasaan si Lavinia.
Although mayroon naman akong drafting table sa loob ng kwarto, sa tingin ko ay mas magiging kumportable kami pareho kung sa sala kami gagawa. Isa pa, nauna naman na roon si Lavinia kung kaya't hindi na ako nag suwestyon pa.
"Sa tingin ko magugutom tayo. O-order ako ng pizza online. Okay lang ba sayo magpuyat ng konti? Wala namang pasok bukas," ani ng dalaga. Wala akong ideya sa huling sinabi nito. Sa tingin ko ay napansin niya naman iyon dahil napangisi na lang ito. Parang alam ko kung saan papunta ang ekspresyon niyang iyon.
"Cutting pa more. Ano na lang mangyayari sayo kung wala ako hindi ba? Stick with me, babe" maharot na sabi ni Lavinia sabay kindat pa sa direksyon ko. Talagang pinaalala pa ang pagliban ko sa klase kaninang umaga kasama si Kyle.
Noon din, bigla na namang pinaalala sa akin ang tagpo namin ng binata kanina. Sandali pa't unti- unti akong nakaramdam ng pamumuo ng init sa aking pisngi nang alalahanin ang quick peck namin. Sinubukan kong itago ang mukha dahil ayokong mahuli ni Lavinia at baka kung anu- ano ang itanong ng paulit- ulit sa akin. Hindi pa man din nakukuntento sa sagot to.
Sa kaparehong pagkakataon na rin, hindi ko maiwasang hindi mag alala sa binata gayong hindi pa kami nagkakausap muli para klaruhin at ayusin ang tila maliit na away namin kanina lang. Gustuhin ko mang magparamdam sa lalaki, mas nangingibabaw pa rin ang takot ko kay Lavinia lalo pa't kasa- kasama ko lang ito ngayon.
Ilang sandali pa at narinig kong muli ang tinig ni Lavinia. Masyado yatang napalayo ang isip ko at kanina pa raw siya nagsasalita ngunit wala rito ang atensyon ko.
"May naiisip ka bang concept bukod sa sinabi ko? Basically baby portraits natin to. We'll add elements later on and you are free to suggest," tuloy- tuloy na diskusyon ng babaeng kasama ko. Sa tono ni Lavinia ay nagmumukhang pormal ang gawain namin bagay na hindi ko nae- experience sa tuwing nag co- collab kami ni Kyle noon.
Maya- maya pa at nadagdagan ang mga diskusyon sa pagitan namin at napag desisyunan ko na ring makibahagi sa pansariling interes na proyekto. After some time, we further discussed few elements that will be visualized later on in our piece. To be honest, I enjoyed the way how Lavinia handled our piece professionally.
Kung ihahambing mga sa paraan namin ni Kyle, masasabi kong mas sequenced at transparent ang flow of work namin ni Lavinia. Tila kaya naming tapusin agad ang obra gayong mayroon na agad desisyon sa pinal na kalalabasan ng sinnig na pagtutulungan namin.
Di rin nagtagal at nagsimula na si Lavinia sa pag le-lay out sa canvass. Habang abala siya sa pag gaya ng mga mukha namin papunta sa katamtamang sukat ng tela, nakuha kong silipin ang cellphone ko. Doon naman tumambad sa akin ang mensahe mula sa kanina ko pang iniisip na nobyo. Since wala naman sa akin ang atensyon ni Lavinia, minabuti kong buksan ang chat ni Kyle.
Tangin emoji lamang ang nakalagay doon. Isang tila naiiyak na itsura na siyang pumukaw ng emosyon ko. Sa tingin ko ay nalulungkot ito sa nangyari kanina at maaaring nakapag reflect na rin? Papasa na kaya kay Lavinia to?
"Huli ka! Si Kyle yan no? Ano? Nagsorry na ba?" sabi ni Lavinia na ngayon ay nakakrus ang parehong braso habang unti- unti pang tinataas nito ang isang linya ng kilay niya. Ano pa ba ang magagawa ko?
"Hmm? emoji lang tong nandito," mataman kong sagot na siyang sinuklian ng pagrolyo ng mga mata ng dalaga. Sabi ko nga, hindi siya masa- satisfy doon. Muli nitong binalik ang tuon sa pinipinta. Saka ko lang napansin na nag- aapply na siya ng acrylic sa canvass.
Maya- maya lang at binalik nito ang tingin sa akin bago muling nagsalita. "That's not how you say sorry. Hindi pa rin siya nagbibigay ng accountability sa lagay na yan."
Napakunot ang noo ko at sakto namang napansin niya iyon. Lavinia added, "If you are going to apologize, address the issue where you went wrong. Sabihin mo sa tao na valid yung na- feel niya sa actions na ginawa mo. Lastly, promise them that you will never do it again. Ganon ang accountability at key to healthy relationship."
"Wow."
Yun lang ang tanging salitang nabitawan ko. Sa pagkakasabi ni Lavinia, animo'y may pinaghuhugutan ang bawat salitang binitawan niya kani- kanina lang. Ganitong mga pagkakataon ang madalas na hindi ko inaasahan sa kaibigan kong ito. Sa tagal ko siyang kasama, paunti- unti ay nahihimay ko ang iilang mga identity na ipinapakita niya sa akin. Isa na itong side niya na ito.
Sometimes, Lavinia tends to be this typical cold, rugged and sharp person. Other times, she possesses this side of her where she's sweet, concern and social. Lastly, itong side niya na parang sinasapian ng matatalinong mga pilosopo, Idagdag mo pa ang mga words of wisdom na nakukuha ko paminsan- minsan sa kanya.
"Natahimik ka na diyan? Baka gusto mo akong tulungan? Wag mo sabihin sa akin na hindi ka nag eenjoy at mas gusto mong ginagawa tong mga gantong bagay pag si Kyle ang kasama mo?" animo'y nagseselos na saad ng nag iisa kong kasama.
Di ko naman naiwasang hindi matawa sa sinabi nito. Syempre naman hindi ganon yun no. Kahit sino naman ang makasama ko sa sa mga ganitong aktibidad, halata namang mae- enjoy ko dahil iyon din naman ang hilig ko. Na-occupied lang ako kung kaya siguro akala ni Lavinia ay hindi na ako nakikipag partisipa sa activity na ginagawa namin sa kasalukuyan.
"Akala ko ayaw mo eh'. Hahayaan naman kita't papaligpit ko sayo lahat to. Bahala ka diyan at tutulugan kita," walang emosyong wika ni Lavinia. Sa sobrang pagka abala sa ginagawa ay halos hindi na nito ganong napapansin ang paligid niya. Maging reaksyon ko ay malayo na sa atensyon nito.
Gayong abala na rin siya, sinikap kong panoorin ang dalaga sa bawat kumpas nito ng brush sa katsa. Ngayon ko lang mas naobserbahan ang pag guhit ng kaibigan. Hindi mo maitatanggi na mahusay din itong gumuhit. Sa hawak pa lang niya sa lapis kanina, alam mo agad na magaling ito at sanay na sanay sa ginagawa.
Maya- maya pa't narinig ko na siyang magsalita muli. Wika niya, "Oh ikaw naman, render mo na tong mukha mo. Tapos na ako sa mukha ko." Iniabot ng dalaga sa akin ang canvass at doon pa ako mas namangha nang makita ng malapitan ang obra niya.
"Huy! Ang ganda ng gawa mo. Malayong malayo sa kaya kong gawin. Baka masira ko lang to?" alala kong sabi. Magulat- gulat ako ng pabiro niya akong sakalin. Wika ng babae, "Have a little confidence, babe! Tinulungan mo akong mag conceptualize and I know ever since na forte mo iyon. Ngayon, kung hindi mo pa- practice- sin ang medium mo, sa tingin mo ba mag i-improve ka?"
"When you practice, you get one percent better every day. Kaya ituloy- tuloy mo lang. Keep honing your craft." Huling mga salitang narinig ko mula kay Lavinia sa gabing ito.