Chapter 41

1507 Words
"Unang beses ba nangyari yon? O may nauna pa?" wika ng kasama ko. Pumipila kami ngayon ni Lavinia para bumili ng ticket sa isang ride sa perya. Iyong parang barko na nag su- swing pataas ng pataas. Sa itsura pa lang noon ay parang nasusuka na ako. "Oo, unang beses. Naiintindihan ko rin naman bakit ganon na lang naging reaksiyon niya. Hindi ako nakapag update agad at anong oras na," kaswal kong sabi habang pinapanuod ang mga nauna nang nakasakay sa umaandar na Vikings. Habang tumatagal, palakas ng palakas ang sigawan ng lulan noong specific na ride. Ano kayang pakiramdam ng tinatapon ang kaluluwa mo pabalik sa magkabilang dulo ng dalawang direksyon? "Kuya dalawang ticket. Sa aming dalawa nitong kasama ko. Magkano?" ani Lav sa lalaking nasa cashier. "Singkwenta kada isang tao. Pila na kayo sa likod," baling ni manong matapos mag abot ni Lav ng isang daang piso para sa aming dalawa. Sa sandaling iyon ay hindi ko napigilang hindi makaramdam ng kaba. Natatakot ako and at the same time, nae- excite dahil unang beses kong makakasakay ng extreme ride tulad nito. Ganon na lang at muling napatitig ang mga mata ko sa tagpo sa harapan namin. Mas mataas na ang inaabot na height ng sasakyang barko. Kung grabe ang sigawan kanina, mas malakas pa ang tili ng mga nakasay dito. "Parang isusuka ko yung kinain ko kanina ah? Magdala kaya tayo ng plastic sa loob? Baka pagkababa natin, napaliguan ko na ng suka yung mga kasama nating sasakay," tuloy- tuloy na sambit ng dalaga na bahagya pang natawa sa sarili nitong kathang isip. "Kung magsusuka ka, wag ka na lang sumakay. Baka mapaaway tayo kung susukahan mo rin yung mga makakatabi natin sa loob," natatawa ko ring suwestyon. Tila narinig naman ng babaeng nakapila sa likod ang pinag uusapan namin. Di ko maiwasang matawa muli dahil sa pakikipagpalit nito ng pwesto sa kasama niyang lalaki. Na- bother siguro na baka masukahan nga. -- Matapos ang pagsakay namin sa Vikings, nasundan pa iyon ng tatlo pang sakayan. Hindi maitatanggi na nakaka trauma 'yong unang ride dahil totoo namang muntik na kami masuka pareho ni Lavinia. Sa sumunod na tagpo, tumimbre kami pababa ng kasama at nagpasya na mag carousel na muna. Sa huling pagkakataon, sinubukan naman namin iyong parang octopus na paikot- ikot lang din. Ang kaibahan sa carousel, may kaunting thrill ito dahil habang tuamatagal ay mas bumibilis ang pag ikot at pati na rin ang tila pag akyat- baba nito sa ere. Matapos ang ikatlong ride ay napag pasyahan muna namin ni Lavinia na mag ikot- ikot sandali para sa huling beses. Matapos noon, nagtungo na rin kami sa kung saan unang nag park si Lavinia ng motorsiklo nito. Sa byahe pauwi, wala ng ni isa pa sa amin ang nagawa pang makipag kwentuhan dahil na rin siguro sa labis na pagod sa lakad namin. Habang angkas- angkas sa likuran, natuon lamang ang atensyon ko sa malimit na sinag ng mga ilaw na nadadaanan namin. Aaminin kong nakaka relax ang tanawin pati na rin ang banayad na paghampas ng hangin sa balat ko. Ganitong mga tagpo ang paminsan- minsang bumubuhay sa akin. May kung ano naman sa sandaling ito at gustong- gusto kong pasalamatan si Lavinia dahil sa pagsama niya sa akin. Sa totoo lang din, ngayon ko lang naranasang makalabas ng ganito ka- late at malaking bagay sa akin na ma- experience ito kasama ang kaibigan. Idagdag mo pang si Lavinia ang kasama, knowing na hindi siya malapit sa iba at malaking karangalan para sa akin ang maging ganito ka- close sa dalaga. -- Alas nuebe na ng gabi bago kami nakabalik sa bahay. Pagod man sa naging lakad, masaya naman kaming nakauwi ni Lavinia. HIndi naman nagkamali ang dalaga nang sabihin nito kanina na makakain din namin ang niluto ni Mama dahil pagdating pa lang sa pintuan, nag unahan na kaming dalawa sa kusina. Pinagtulungan namin ang paghahanda ng plato at iba pang mga kubyertos. Sa gutom namin pareho ay halos wala ng magsalita sa pagitan namin. Nang magkalaman kahit papano ang mga tiyan, doon na muling nagsimula ang maliliit na usapan sa pagitan namin. "Hanggang kailan daw wala sila Tita?" ani niya bago muling sumubo sa pagkain. Sumubo rin muna ako bago tuluyang sumagot sa sangguni nito. Wika ko, "Hindi ko pa sigururado. Sabi ko sa kanila ni Daddy eh' tunugan na lang ako kung sakaling pauwi na sila rito." "Ibig sabihin, ilang araw kang walang kasama? Alam ba ni Kyle?" muling tanong ng kasama. "Hindi niya pa alam. Hindi ko rin alam pano sasabihin?" tugon ko. Hindi pa kasi kami ulit nagkakausap ni Kyle buhat ng komprontahin siya ni Lavinia kanina. Muli namang nagsalita ang dalaga. Ang sabi niya, "Hayaan mo siyang unang magparamdam sa iyo. Mas malaki ang kasalanan niya. At isa pa, hindi mo kailangang itimbre lahat ng gagawin mo sa kaniya. May buhay kayo sa labas ng relationship niyo." "Pero dapat nag update pa rin ako sa kanya, hindi ba?" ani ko na sinusubukang ibahagi ang sariling repleksyon. Alam ko namang may pagkukulang ako. "Nandun na tayo, pero hindi tama na sigawan ka niya ng ganon. Hindi normal yon, okay?" "Panong hindi normal?" maikling tanong ko na siyang nakakuha ng atensyon nito. Imbis na isubo ang adobong manok, natuon ang titig nito sa akin. Animo'y disappointed pa nga ang itsura. "Nakita mo na ba si Daddy mo na sinigawan Mama mo dahil lang may di sila napag kasunduan? Lumaki ka ba sa ganong household?" baling ni Lavinia. Noon din at napa awang ang bibig ko nang alalahanin ang tipo ng relasyon na meron ang mga magulang ko. Naisip ko rin na tama si Lavinia. Ni minsan, hindi nagawang pagtaasan ng boses ni Daddy si Mama. Sa tuwing may hindi sila pagkakaunawaan, laging nagpapakumbaba si Daddy at sinusubukang aruin pa nga si Mama para lang hindi lumaki ang usapan. "See? Now let him do his job. Magpakita siya ng accountability at doon ko lang kayo hahayaan ulit na dalawa. Please don't tolerate that if ever that happens again," mahabang salaysay ng dalaga at saka itinuloy ang pagkain nito. Medyo natawa pa ako sa tila pagwawagayway nito sa manok na nasa tinidor niya habang nagsasalita. Mag iisang oras din bago kami natapos sa pagkain. Nakuha pa kasing mangalikot ni Lavinia sa ref at nang makakita ito ng dessert ay saka niya rin sinimulang kainin. Wala namang kaso sa akin ang ginawa niya pero inaalala ko lang na gabi na at baka hindi matunawan itong kasama ko. Gayon pa man, wala naman akong nagawa dahil iyon ang gusto niyang gawin sa buhay. Nang matapos naming pagtulungan ang paglilinis ng mga pinagkainan, pinauna ko na si Lavinia sa kwarto ko para maglinis ng katawan nito. Sinubukan ko namang abalahin ang sarili sa panonood sa sala dahil sa oras na matapos si Lavinia sa pagligo, susunod naman ako roon para maglinis din ng sarili. Sinara ko muna yung pintuan bago ginawang kumportable ang sarili ko sa isa sa mga upuan sa sala. Nakabukas na rin ang tv pero wala akong idea sa kung anong palabas ang naroon dahil hindi ko naman din hilig ang manood. Ang alam ko lang, drama- romance ang pinapalabas ngayon. Halata naman dahil sa corny na mga linyahan ng mga karakter doon. Maya- maya pa, narinig ko si Lavinia na nagtawag mula sa hagdan. Senyales na tapos na ito at pagkakataon ko sa loob ng banyo. Sandali lang naman ako roon dahil maghihilamos lang ako. Sinipot ko muna ang damitan para ihanda ang susuotin ko. Matapos doon ay agad ko ring tinungo ang banyo sa pagitan ng mga kwarto namin nila Mama. -- Nang matapos sa paglilinig ng sarili, bumaba rin ako agad para kamustahin si Lavinia. Mukha naman siyang kumportable at nag eenjoy lalo pa't abutan ko itong abala sa pagtitingin ng kung ano man ang hawak- hawak niya. "Nukk, wala kang kapatid? Only child ka?" ani nito. Mas nakalapit ako sa direksyon niya at noon ko lang napansin ang pagtitingin niya sa photo album na malamang ay koleksyon ng mga larawan ko nung bata. "Oo, hindi nako nasundan kasi sabi raw ni Mama sensitive siya magbuntis." Binalingan na lamang ako ng marahang tango ng kasama. Kalaunan ko na lang din napansin na naroon pa rin ang palabas sa tv at tila ginawang background music ng kasama ko iyon. Sandali lang at narinig ko na naman itong magtanong. "Pareho pala tayo. Kaya siguro medyo magaan loob ko sayo. Only child things," aniya. Napataas naman ang kilay ko dahil hindi ko rin inasahan na only child ito. "Pero akala ko may kapatid ka?" "Only child sa unang partner ng nanay ko..." pabitin niyang saad. Noon din at lumabong ang kuryosidad ko. Magtatanong pa sana ako ngunit tila nakuha na ni Lav ang assignment at nagpatuloy ito. Aniya, "Hiwalay magulang ko. May bago na silang mga pamilya pareho." Sandaling binalot ng kaahimikan ang paligid namin. Maya- maya pa't dinugtungan niya itong muli dahil na rin siguro sa absence ng reaction ko. Saad nito, "Kaya nga kay Lola ako nakatira."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD