Chapter 40

1355 Words
Inakala kong sampu hanggang bente minutos lang ang itatagal ni Lavinia bago makarating sa amin. Hindi kasi sumagi sa isip ko na mag iimpake na rin pala ito para hindi na dumaan pa pabalik sa kanila. Sa sandaling makarating si Lavinia, sumalubong sa akin ang dalaga na naka helmet pa, tangan- tangan ang backpack nito. Hindi kalakihan ang bitbit nito. Pinaakyat ko muna sa kanya ang gamit niya sa kwarto at saka hinanap ang susi ng bahay namin. Baka mamaya ay umuwi kaming nakalock ang pinto at mangyari pang sa labas na kami matulog. "Nilagay ko bag ko sa ibabaw ng kama mo. Mayang kauwi ko na lang siya ayusin ayos lang ba?" tanong ni Lav na ngayon ay tangan- tangan na lang ang helmet na suot niya kanina. "Oo naman. Hindi naman aalis yung bag mo diyan," sinbukan kong magbiro pero wala yata sa mood makipag tawanan si Lavinia ngayon. Tipikal na attitude ng dalaga. Ala sais na ng gabi iyon kaya nakuha ko na ring makapag linis pa ng bagya dahil nakakahiya naman sa bisita kung aabutan niyang hindi presentable ang tutuluyan niya. Matapos ni Lavinia sa kwarto, nagpasya na rin kaming umalis papunta ng bayan. “May lisensya ka ba at nagda drive ka Lavinia?” ani ko habang inaabot naman ng dalaga ang helmet para suotin ko. “Syempre naman no. Bakit? Wala ka bang tiwala sa akin?” walang emosyong tugon nito. Abala siya sa pagsuot noong helmet niya. Mga ilang sandali pa at bumabyahe na kami lulan ng single na motor. Di ko rin pinalampas ang pagbabato ng mga tanong sa kasama para lang hindi mabagot sa ere. “Ang dami kong hindi alam sayo ha? Ano pang mga sikreto mo?” pang uusisa ko. Sinilip ko ang dalaga sa side mirror at napansin ko roon ang pag ngiti nito sa isang gilid. May kung ano naman sa tagpong ito na nakaramdam ako ng kakaibang awra sa pagitan namin. Sakto namang nag iba ang timpla ng ekspresyon ng mukha ng kasama ko buhat ng silipin ko siya sa salamin ng motor. “Marami sis, baka di mo kayanin,”tipid niyang sabi bago hinarurot ang motor upang I-overtake yung nauunang sasakyan mula sa amin. Dahil doon umani ang dalaga ng mahinhin na sampal sa braso. Inisip ko rin naman ang kapakanan namin bago ko siya saktan no. “Mas maa- aksidente tayo sa paghampas mo, Nukk. Can you relax? Ako lang to sis. Konting tiwala naman diyan,” baling ni Lav. Hindi pa nga ako sigurado sa mga ibang salita dahil nakukulob ang pandinig ko sa loob nitong helmet. Sandali lang ang byahe namin. Humanap lang sandali ng pag pa- parkingan si Lav at dumiretso na rin kami sa night market na sinasabi niya. Hindi pamilyar sa akin ang lugar pero kung sisipatin, buhay na buhay ang paligid. Idagdag mo pa ang animo’y peryahan sa di kalayuan. “Gusto mo ba kumain muna tayo o umikot muna tayo?” tanong ni Lavinia na kababalik mula sa motor. Agad kasi akong bumaba para bawasan ang karga ng dalaga. “May pagkain sa bahay. Pero kung nagugutom ka na, pwede namang dito na rin tayo kumain.” wika ko. Agad niya rin sinundan iyon. Dugtong ni Lavinia, “Sigurado naman magugutom tayo ulit. Wag ka mag alala makakain din natin yung nasa bahay. Subukan natin yung mga food cart dito para naman full experience.” Tulad ng napagkasunduan, nilibot muna namin ang night market at karatig pang mga pwesto nito. Maraming magagandang damit ang naka display sa bawat sulok ng lugar. Pahinto- hinto ang lakad namin sa bawat tindahan. Kung hindi magtatanong ng presyo, sukat o di kaya’y iba pang mga disenyo ng mga bagay- bagay na naroroon ang inaasikaso namin. May mga pagkakataon din na nakakakita kami ng mga kaklase namin na naroroon din sa kaparehong lugar. Sandaling batian at tawanan eh’ nagtutuloy na rin ang bawat isa sa amin sa kanya- kanyang mga lakad. Higit isang oras ang makalipas at nagyaya ang kasama kong magpahinga muna sa isa sa mga kainan sa mismong pook. Noon ko na lang din naalalang hindi ako nakapag sabi kay Kyle at inaasahan ko ng tadtad ako ng mga mensahe gayong kahit ang pagdating ko sa bahay, hindi ko naitunog sa nobyo. Gaya ng inaasahan, umabot ng higit limang tawag at sampung mensahe ang cellphone ko galing sa iisang tao. Karamihan sa mensahe ng lalaki ay pare- pareho lamang ang konteksto. Nagtatanong kung ano ang lagay ko at batid din ang bahid ng pag aalala nito sa texts. Imbis na tumipa ng chat, agad kong ni-dial ang numero ni Kyle para tumawag. Isang ring pa lang sa cellphone niya ay nasagot na agad nito ang tawag. Nagi- guilty tuloy ako. Nilagay ko sa loudspeaker ang tawag sa pag asang mas marinig ng maayos ang lalaki. Idagdag pa ngang gayong maingay ang paligid sa loob ng night market. “Sino yan? Si Kyle?” ani Lavinia na kasalukuyang kumakain ng binili nitong burger. Ni hindi na nagawa pang lumingon ni Lav sa direksyon. Sa wari o’y nag e- enjoy na rin sa kinakain. Naiinggit ako sa pag subo niya pero mamaya ko na lang itutuloy ang pagkain ko. Tumango lamang ako sa kasama at noon din narinig ko ang tinig ng lalaki sa kabilang linya. “Ano?! Hindi ka talaga agad magpaparamdam?? Nakauwi ka ba o ano??” Laking gulat ko sa baritono nitong tinig. Ni hindi ko inaasahan na ganon na lang ang magiging tono ng pananalita ng lalaki. Ito ang unang beses na marinig ko si Kyle sa ganitong emosyon. May kung ano noon sa sandaling iyon at hindi ko magawang makapag salita sa pagko kompronta ng lalaki sa akin. Naiwan akong nakaawang ang bibig. Tila napansin naman iyon ni Lavinia dahil napahinto siya sa pagnguya ng pagkain niya. Sandali lang at inagaw nito ang cellphone at tinuloy ang tawag sa pagitan namin ni Kyle. “G*go ka ba? Did you just yelled at her?” galit na salubong din ni Lavinia. Maya- maya’y kinalikot niya ang cellphone. Tingin ko’y ibababa ang tono ng tawag. Hindi naman ako nagkamali dahil noon din wala na akong narinig pa mula sa kabilang linya. Muli kong narinig ang dalaga. “I don’t give a d*mn whether you waited for f*cking years Kyle! You don’t get to talk to her like that! Naiintindihan mo? T*ng ina mo wag kang magpapakita sa akin!” I watched the girl let out her angst in that very moment. Hindi ko alam kung saan ako mas nagulat, kay Kyle ba na galit o kay Lavinia na umuusok na ang ilong dahil sa kausap. Sandali lang at padabog na ibinalik sa akin ni Lav ang cellphone ko. “L-Lav-” “Wag mong ipagtanggol sa akin yan. Red flag yon, Nukk! Nako sinasabi ko sayo,” sambit ng dalaga bago muling hinarap ang burger niya. Sa tingin ko alam ko ang sagot sa nauna kong tanong. Dapat mas matakot ako kay Lav kaysa kay Kyle. “H-hindi ko naman ipagtatanggol,” nauutal kong sabi. “Dapat lang no! Pagbubuhulin ko kayo pareho!” masungit niyang tugon. Gayon pa man, sumagi naman sa isip ko ang sitwasyon namin ni Kyle. How will I talk to him? Unang away namin ito at hindi ko alam kung anong magiging approach if ever. Tinapos rin agad ni Lavinia ang pagkain niya at kasunod noon ay dinugtungan pa nito ang nauna niyang sinabi kanina. Aniya, “Subukan mo ring tawagan yan pabalik mamaya! Isasakal ko sayo yung charger ng phone mo! Siya ang manuyo sayo Nukk! Babae ka, hindi ka rapat sinisigawan ng ganon. Ang angas niya naman pala?” Naiwan lang akong laglag ang panga sa ibinubuntong na galit ng kaibigan ko. Hindi ba dapat ako ang mas galit dahil ako ang nasigawan ni Kyle? Sumunod na lang na tagpo ay ang marinig ko ang kaibigan na utusan akong ubusin ang pagkain sa harapan ko. Sa takot ko ay ganon na lang din ang ginawa kong pagsunod sa dalaga. “Pagkatapos mo diyan, sa perya tayo. Aish! Pinakulo ng lalaking yon ang dugo ko nakakabanas!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD