Chapter 39

1344 Words
“Ha? Anong ibig mong sabihin?” naguguluhan kong tanong. Sa tono niya ay tila nakukuha ko paunti- unti ang ibig nitong sabihin. Baka yung di ko pagpasok ng umaga? “Ano? Tinuruan ka na mag cutting nitong mokong na to?” wika ng dalaga sabay turo sa direksyon ni Kyle na ngayon ay malapad na nakangiti pabalik kay Lavinia. Tama nga ako. “Pano mo nasabi? May ibidensya ka ba?” paghahamon ng binata. “Nadaanan ko yung field. Nakita ko kayo. Ano? Ano? Ikaw sira ulo ka no? Ang bait- bait ni Nukk tinuturuan mo ng kung anu- ano!” balik naman ng dalaga. Sa hindi maipaliwanag na dahilan buhat noon ay talagang mainit na ang dugo nitong si Lavinia sa boyfriend ko. Kahit anong subok kong pagkasunduin sila, talagang parang wala ng pag asa tong dalawa. “Ang sabihin mo nainggit ka lang kasi magkasama kami. At saka bakit ba? Mag girlfriend- boyfriend naman kami. Baka gusto mo ikaw na girlfriend? Mas selosa ka pa sakin ah?” sumbat ni Kyle. Sinubukan ko silang pahintuhin pero parang mga bingi naman tong mga to. “Kung isumbong kaya kita kay Sir? Iniimpluwensyahan mo tong si Nukk kabago- bago sa school,” balik ni Lav na siya namang ikinalaki ng mata ko. Ilalaglag niya ba ako?? “Edi magsumbong ka! Gusto mo rin mapagalitan si Nukk?” Doon na natigilan si Lav. Sa halip na magsalita pa ay dumiretso na ito sa katabing pwesto ko. Kahit pa nakita nito ang bag ni Kyle, walang nakapigil sa kaniya para ihagis lamang ang gamit ng binata papunta sa dulong linya ng mga upuan. Mas tumindi tuloy ang kumosyon sa pagitan nilang dalawa. Ewan ko ba sa mga ito. Nagpatuloy ang pag aasaran ng dalawa at hinayaan ko na lamang iyon. Lumipas ang oras at isa- isa nang nag akyatan ang mga kaklase namin papasok ng kwarto. Pagpatak ng ala una, kasunod na rin na pumasok sa silid ang class adviser namin. Kung kanina, matatandaan na katabi ko si Kyle, hindi naman na ako nagulat nang mapalitan ang bag na nasa sunod na upuan ko ng kay Lavinia. Ganon na lang din at umupo ito kasabay ng pag sisimula ng klase ni Sir. Nang sipatin ko ang likod na upuan, doon ko rin natagpuan ang nobyo kong tila sinakluban ng langit at lupa. Malamang ay sinusumpa na naman nito si Lavinia dahil sa pag aagaw nito ng upuan niya. Walang masyadong ganap ngayong araw. Tulad ng nakasanayan, activities, lectures at kaswal na mga kwentuhan lang ang bumuo sa huling parte ng araw ko. Kasabay ko rin sa pag uwi si Lavinia. Pagdating sa bahay, sakto namang inabutan ko sina mama na nagmamadali. Nakabihis ang mga ito at alalang- alala pa ang mga itsura. Aktong magtatanong na ako nang marinig ko ang nanginginig pang boses ni Mama na siya namang inalalayan ni Daddy. “Andito ka na pala. Nabasa mo ba yung text ko sayo nak ko?” sambit ni mama na hindi man lang magawang makalingon sa akin. Anong nangyayari? “Hindi po. Ngayon ko pa lang po sana titignan yung phone ko. Ano pong nangyayari? Saka bakit nerbyos na nerbyos kayo? May nangyari po bang hindi maganda?” sunod sunod na tanong ko. “Nukk, ayos lang bang maiwan ka muna rito ng ilang araw? Kailangan kong lumuwas dahil may emergency ang Tita Ivy mo sa Maynila,” alalang wika ng nakatatandang babae. Hindi rin magkamaliw ang mga bitbit nitong gamit at kamuntik- muntikan ng mangahulog sa tuwi- tuwina. Mabuti na lang at nariyan si Daddy para saluhin ang iba roon. “Kumalma ka muna Ma, baka mamaya ikaw naman ang mapano,” banayad na tono ni Daddy. Sinusubukang pakalmahin ang asawa nito. Ngayon ko lang din napansin ang maagang pag uwi ni Daddy mula sa trabaho. Sa tingin ko tuloy ay kanina pa ito at nagmadali talagang umuwi para damayan si Mama. “Ayos lang naman po sa akin. Basta mag iingat po kayo. Update niyo na rin po ako at saka ikamusta niyo ho ako kay Tita Ivy,” ani ko at saka hinimas ang braso ni Mama. “Kaya mo ba mag isa? Kasi kung hindi pwede namang maiwan na lang din muna si Daddy mo rito. Kaya ko naman mag isa?” ani Mama ngunit binalingan siya ng mas nag aalalang tingin ni Papa. Batid ko naman ang sitwasyon at sa tingin ko rin ay hindi alam ni Daddy kung sino ang dapat samahan sa sandaling ito. “Ma kaya ko na. At saka isa pa, time niyo rin po ni Daddy para makapag byahe ng kayo lang. Take your time, okay lang po ako rito. Yun ay kung pagkakatiwalaan niyo rin po ako?” “Wala namang duda roon anak. Inaalala lang namin ang araw- araw mo. Pwede ko rin papuntahin ang pinsan mo rito para samahan ka. Ano sa tingin mo?” pag aalok ni Mama. Ganoon na lang at nakaisip ako ng mas maiging plano. Baling ko agad, “Busy din yun sila sa kanya- kanyang school Ma. Hayaan niyo po, si Lav tatanungin ko kung pwede.” Nagpatuloy ang usapan ng ilan pang sandali. Kalaunan, nagpaalam na rin ang mga magulang ko lulan ng kotse na dina- drive naman ni Papa. Kumaway pa kami sa isat- isa bago ako tuluyang pumasok sa bahay. Nang makapasok, una kong tinungo ang kusina para I- check kung ano ang pwede kong lutuin para sa mamayang gabi. Mabuti na lang, mayroon na agad nakalutong pagkain. Hindi ko tuloy maiwasang matuwa dahil kahit pa may inaalala si Mama, nagawa niya pa ring mag handa para sa maiiwan sa bahay. Umakyat ako sa kwarto para magpalit at maglinis na rin ng katawan. Matapos noon, agad kong kinuha ang cellphone ko upang tumipa ng mensahe para sa kaibigan kong si Lavinia. Hello pa lang ang nase- send ko ay laking gulat ko na ng rumehistro ang mukha nito sa screen ko. Sinagot ko rin agad ang tawag. “Busy ka ba? Nakita ko ksing bukas yung nightmarket. Maalala kong malapit na ang fiesta. Ano? Papayagan ka ba ni Tita gumala?” bungad agad nito. Wala ng paunang bati. “Hmm, wala sila Mama kaaalis lang. Makakasama naman ako sayo,” sagot ko. “Ha? Nasaan? Ano? Sunduin na kita? Mag mo- motor ako,” magkakasunod na tanong ng dalaga. Ani ko naman, “May emergency kasi kaya lumuwas sila ni Daddy. Ilang araw din ako maiiwan mag isa rito. Teka marunong ka mag motor?” Sa dami ba naman ng tanong niya eh’ pati sagot ko naghahalo halo na rin. Di ko rin naman akalain na nagmo- motor tong babae na to. Naaastigan tuloy ako lalo kay Lavinia. Saglit pa ay narinig kong muli ang tinig ng dalaga sa kabilang linya. Sambit niya, “Ikaw lang mag isa niyan? Kung gusto mo samin ka tumuloy? O ako na lang tumuloy sa inyo?” Sa sinabi niyang iyon ay agad namang humugis puso ang mata ko sa suwestyon niyang iyon. Although, yun naman sana talaga ang gusto kong sabihin pero mukhang hindi na kailangan dahil nagkusang loob na tong kaibigan ko. “Okay lang ba kung ikaw na lang ang tumuloy sa amin? Wala kasing maiiwan sa bahay baka mamaya wala ring matirang gamit at napasukan na pala kami,” suwestyon ko. Madali namang kausap si Lavinia kung kaya’t pinahintulutan niya ako. “Osiya, magbihis ka na. Puntahan na kita niyan,” ani nito. Pinasalamatan ko pa ang dalaga bago tuluyang binaba ang tawag. Dumiretso agad ako sa lagayan ng mga damitan. Kumuha lang ako ng itim na t-shirt na may katamtamang laki ng print sa likurang bahagi ng damit. Tinernuhan ko iyon ng maong na shorts at naisip ko rin na paparisan ko na lang ng itim na sandals. Sa kwenta ko naman ay hindi katagalan ang magiging byahe ni Lavinia lalo pa’t may sarili itong sasakyan. Ganon na lang at nagmadali na akong mag ayos ng buhok. Pagtapos ko sa salamin, bumaba na rin ako agad upang sa sala na abangan ang kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD