"Anong ginagawa mo?" kabado kong tanong na siya namang sinuklian ng nakakalokong ngiti ng binata. Ilang sentimetro lang ang pagitan namin at kung ano man ang nasa isip ko sana ay hindi iyon yon.
Habang naghihintay pa rin ng magiging tugon ng lalaki, sandali lang at sinara nito ang distansya sa pagitan namin. Ganoon na lang at nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.
"That's our first kiss," Kyle said after pecking my lips. Naiwan akong tulala roon at hindi makapaniwala. Did he really just kissed me? Ilang segundo rin ang lumipas ngunit tila iniwan na ako ng dila at hanggang ngayo'y wala akong magawang ibukambibig sa kaharap. He is still smiling from ear to ear right now.
"Uy? Gumalaw ka naman. Na- stroke ka na diyan love?" muling sambit nito habang ito ako't dinadamdam ang nag iinit kong pisngi. He really kissed me... and that scene replayed in my head several times. Nanatili pa rin akong tahimik sa pwesto.
"Hindi mo ba nagustuhan yon?" nag aalalang sambit ng binata. Ganon na lang at sinuklian ko ng mabilis na iling ang tanong nito.
Hindi naman sa hindi ko nagustuhan pero gulat lang talaga ako dahil hindi ko inaasahang makukuha niya ang first kiss ko ng walang kalaban- laban.
I liked it but a part of me felt awkward and betrayed at the same time. Ganon ba talaga ang kiss? Biglaan? Hindi konsenswal?
"Uhh... I'm sorry. Did that made you feel uncomfy?" baling muli ni Kyle at sa pagkakataong ito, nawala ang ngiting naglalaro kanina sa kanyang labi. Napalitan din ang ekspresyon ng itsura nito na siya namang ikina- guilty ko. Akmang tatalikod na sana ito at mabuti na lang na napigilan ko sa pamamagitan ng bahagyang pag hatak sa braso niya.
"Nabigla lang ako. I-I... I liked it," nahihiya kong sagot. Noon din at binalingan ako ng lalaki ng kumportableng ngiti bago muling magsalita. Aniya, "Totoo ba?"
"O-oo naman. Nagulat lang talaga ako. At the same time naiilang. K-kasi..."
"Kasi?" pagpapatuloy ni Kyle na pinahaba pa ang dulo ng salita. Animo'y hinihintay talaga ang naudlot kong rason. Pinagpatuloy ko rin naman agad ito. Wika ko, "Kasi... f-first kiss ko y-yun."
Matapos sabihin iyon ay saka ko mas naramdaman ang pag akyat ng lahat ng natitira pang dugo papunta sa mukha ko. Alam ko naka- hoody ako pero ibang klaseng init ang nararamdaman ko at ikonsidera mo pang sa bandang pisngi iyon. Maling isisi ko sa damit ni Kyle dahil alam naman nating hindi iyon dahill doon.
"Cute mo!" balik ng aking nobyo at saka tinangkang guluhin ang ibabaw na buhok ko. Napangiti na lang ako ng pilit kahit pa sa totoo lang ay gusto ko ng iwasan ang tingin nitong animo'y natutuwa pa sa estado ko. Pagpapatuloy pa ng lalaki, "Don't worry, first kiss din kita." Nag iwan pa ito ng matamis na ngiti at saka naglahad ng palad para ayain ako pabalik sa kaninang pwesto.
---
"Kamusta pala? Nasabi mo na ba kanila Tito at Tita yung napag usapan natin kagabi?" ani ko. Abala kami pareho sa paglalagay ng kanya- kanyang detalyeng nais naming iimprinta sa loob ng masikip na tela. Ni hindi ko na magawang lingunin pa ang lalaki dahil nag e-enjoy na rin ako sa ginagawang banayad na pag hagod ng brush sa canvass.
"Hindi ganon ka- detalyado pero may idea naman na sila. Nagustuhan ni Tatay yung idea at saka support naman lagi yun sila. Lalong- lalo na si Kuya. Nabanggit niya pa nga na pwede natin siyang konsultahin sa mga bagay- bagay patungkol sa pag e- exhibit," walang patid na kwento ng kasama ko. Katulad ko ay abala rin siya sa pag de- depina ng mga naunang linyang naroroon sa obra.
Nang mabanggit ni Kyle ang Kuya niya which is adviser din namin, hindi ko mapigilang mailang. Sino ba namang hindi lalo pa't kapatid niya ang nobyo ko at ikunsidera pa ang katotohanang class adviser nga namin siya. Bukod sa nagkikita sa loob ng paaralan ay hindi talaga malayong hanggang sa pagbisita sa kanila Kyle ay makikita pa rin namin ang isat- isa.
Minsan napapaisip din ako kung bakit ba kasi sa laki ng mundo, napipili pa natin yung mga magkakadikit na circle ano? Sa lawak ng paligid eh' ginugusto talaga nating paliitin ang mga distansya para sa isat- isa. gusto ko mang isisi sa tinatawag nilang destiny chu chu eh' hindi lang talaga ganon kabuo ang paniniwala ko roon.
Mas naniniwala pa rin akong binubuo natin ang kinabukasan natin more than nakakasalubong natin kung ano ba talaga ang para sa atin. Kung anong tinanim siyang aanihin nga ika.
"Oo nga pala kahapon bago umalis, hindi ba pinapadalaw ka ni Mama sa bahay? Gusto niya sa sunod na weekend sana samin ka hanggang dinner. Okay lang kaya sa kanila Tita at Tito?" dagdag ni Kyle na ngayon ay nagkaroon na ng oras para harapin ako.
"Magpapaalam ako. Siguro papayagan naman ako at saka magpapasundo na lang ako kay Daddy. Balitaan na lang kita non, love. Hmm?" sagot ko matapos ang ilang stroke ng pintura sa kinukulayan namin.
"Good! Ewan ko ba kasi kay Mama. Ikaw? Ano bang ginawa mo roon at panay ka na lang hinahanap sa akin? Kulang na lang love at ipalit ka na sa akin doon dahil ikaw ang bukambibig," animo'y nagrereklamo nitong tono at nadagdagan pa ng bungisngis sa dulo ng pangungusap nito.
"Aba? Parang ayaw mo pa atang nagugustuhan ako ni Tita, love? Sabihin mo lang para naman aware ako," ani ko na may halong pagbabadya at syempre ay may halong pagbibiro na rin. Sa simpleng usapan ay saka naman nag tuloy- tuloy ang sunod- sunod na tawanan sa pagitan naming dalawa.
---
Nanatili kami sa field ng ilang oras. Katulad ng naunang date, hindi rin namin natapos ang artwork pero sa pagkakataong ito, hinayaan ko namang si Kyle ang mag uwi at magtuloy ng nasimulan namin. Habang nagliligpit ay nakuha pa nitong magtaas ng iilang mga katanungan.
"Maalala ko. Ang husay mo rin sumulat ng tula. Saan mo natutunan?" ani niya habang isa- isang pinapasok sa loob ng bag ang mga art materials na ginamit namin.
"Hobby?" maikling sagot ko na mabilis niyang sinundan ng banat. "Yes my wife?" Nakapaskil sa mukha nito ang malapad na ngiti sa gwapo nitong mukha. Sinuklian ko na lang ito ng seryosong titig sa pagtatantong hindi pa rin pala siya graduate sa ganoong era niya. Marunong pa rin bumanat?
"Pero di nga? San ka natuto? Ang talented mo naman. Pwede natin gamitin lahat ng tula mo tapos iinterpret natin as art. Hindi ba?" ngiting- ngiti niyang sabi habang patuloy pa rin sa pagliligpit. Tinulungan ko siya kahit papano. Sumagot din ako agad sa binata at sinabi ritong maaari naman naming gamitin ang mga gawa ko. Kung makakatulong, why not diba?
Sampung minuto rin siguro ang tinagal bago kami natapos sa pag liligpit. Nag enjoy ako sa sandaling panahon pero hindi pa rin maalis sa akin ang mag alala sa ginawa naming pag liban sa klase. Kaya naman nang mag tanghalian, nagawa ko ring yayain si Kyle pabalik ng paaralan pero yun ay matapos naming kumain mula sa kaninang establishimentong pinasukan namin.
Pagtungtong ng alas dose ng hapon, sakto lamang ang dating namin ni Kyle sa school. Nakuha ko na ring nagpalit ng uniporme kanina sa palikuran ng fastfood. Habang papasok kami, awang- awa naman ako kay Kyle dahil noon ko lang napansin kung gano kalaki ang dala- dala nitong bag.
Wala naman siyang choice kung hindi ang bitbitin iyon since it was his idea all along. Gustuhin ko man siyang tulungan pero alangan namang i-hand carry ko yung blanket at iba pa? Kung yung jacket siguro oo maisasabit ko pa sa bewang ko. Pero tulad nga ng sinabi ko, ginusto niya naman yan, so suffer the consequences na lang talaga.
Nakarating kami sa room at dahil medyo maaga pa nga at saktong magta- tanghalian pa lang ang mga tao, inabutan namin ang kwarto na may iilan lamang na estudyante. Sa katunayan nga ay bilang lamang sa ilang daliri ang tao rito. Maya- maya lang at nakuha na ring magsimulang hanapin ng mga mata ko ang nag iisang pinaka- close kong kaibigan. Si Lavinia. Hindi ko pa man halos naiikot ang tingin ay nakarinig na agad ako ng pamilyar na tono.
Ani noon, "Natututo ka ng gumawa ng masama ha?"