Chapter 37

1344 Words
Maaga akong gumising hindi lang dahil Lunes ngayon ng umaga. Bukod sa may pasok, ginusto ko lang magsulat ng panibagong tula para na rin sa panibagong sining na gagawin namin ni Kyle. Ala-singko pa lang ay maliwanag na agad ang buong kwarto ko sa pag asang makakatapos ng kahit ilang stanza man lang. Makailang papel din ang nagamit at nayukot ko bago makabuo ng paksa. Nang makabuo kahit papano, sinandali ko ang pagtingin sa orasan na ngayon ay nakapatak na sa ika-anim na numero ang maliit na kamay. Ganon na lang at napagpasyahan kong mag ayos na ng sarili para sa pagpasok. Tulad ng nakagawian ko sa umaga ay ayon din ang aking ginawa. Sa sandaling matapos, nakuha ko pang tumipa ng mensahe para kay Kyle at natuwa naman akong mas nauna na itong bumati sa akin ngayong umaga. Maliit na bagay kung tutuusin yet it really does matter. Pagkatapos kong pindutin ang phone para isend ang good morning chat ko ay saka pa lang ako bumaba sa kusina. Doon inabutan ko sina mama abala na sa pagku- kwentuhan habang nag aasikaso ng agahan. Tipikal na umaga. --- Sa paradahan, laking tuwa ko naman na makita si Kyle. Hindi ko inaasahan ang pag aabala ng binata para samahan ako mula sa amin papasok ng school. Kung tutuusin, mas malapit ang bahay niya sa Nueva Caceres at itong aktong pagdayo niya sa amin ay talagang appreciated ko naman. Nasakto naman na hanggang dito lang ako hinatid ni Daddy sa paradahan dahil ibang ruta na naman ang dadaanan niya. Nauna nang nakaalis si Daddy bago pa nakarating si Kyle kaya't nagkasalisihan sila't hindi nagkita. Pagsalubong pa lang ni Kyle ay inalok na ako agad nito na dumaan sandali sa fastfood. Tinignan ko ang oras at dahil maaga nga kaming nagising, marami pang oras ang natitira bago kami abutan ng time. Pumayag na rin ako sa gusto niya lalo pa ng sabihin nitong hindi niya nagawang mag almusal para lamang sa planong puntahan ako. Nasa tricycle na kami at panay ang reklamo ng lalaki sa tyan nito habang ako naman, natatawa pa sa binata dahilan na rin sa naririnig ko rin ang pag ugong ng sikmura nito. "Eh sana kasi sinabi mo para napaghanda kita ng pagkain kahit sandwich lang love," bawi ko. "Surprise nga diba? Kung sinabi ko love masu- surprise ka pa ba?" reklamong muli ni Kyle. Sandali pa at mas lumakas ang pagmamaktol nito. Parang bata nga, eh. "Tignan mo tuloy itsura mo. Umayos ka rin kasi nalulukot na yung uniform mo. Malapit na rin naman," ani ko habang inaalalayan ang lalaki lalo pa't nakikita ko ngang hindi na maayos ang estado ng uniporme nito. Ang aga- aga hindi na agad presentable. Tulad naman ng sinabi ko ay nag ayos naman siya ng upo. Kapansin- pansin ang pag iwas nitong maulit ang kaninang pwesto. Mas mabuti na iyon para hindi magulo ang suot nito. Maya- maya pa, naalala kong iabot sa kanya ang nagawa kong tula nitong umaga lang. Noong una ay tila naguguluhan pa siya ngunit tila nakuha niya rin naman kung ano ang laman noon. Para siguro malibang ay binuksan niya na rin ang papel at aktong binasa ang mga nakasulay doon. TO WRITE IS A CURSE The writer’s piece must reach it’s rightful audience Her words struck strings oblique but with confidence To feel is a drive to write Be numb and nothing falls exact and right To feel is a burden —be numb too not far similar to them To write is a curse but to be her reason is far worse --- Mas mabilis ang byahe namin ngayon papunta sa bayan kung saan kami kakain. Kung kalimitang inaabot kami ng 30 minutes, kalahati noon ang tinagal namin. Dahil siguro maaga pa masyado at walang ganong build up ng traffic sa daan kaya ganon na lang ang tagal. Pagdating aa tapat ng fastfood, dali- daling tumakbo si Kyle papasok sa establisyimento. Nakapag bayad naman siya sa tric pero hindi ko inaasahan na para siyang si Flash sa bilis. Nakakabilis pala ang gutom no? "Wala ba kayomg barya rito ineng? Maaga pa kasi wala akong panukli," ani Kuya na nangangamot pa ng ulo tangan- tangan ang isang daang piso na binayad ni Kyle bago kumaripas ng takbo. "May fifty pesos ako Kuya. Dito niyo na lang po kunin. Pasensya na po kayo sa kasama ko. Gutom na po kasi iyon," sambit ko at pareho naman kaming nagtawanan ni Manong driver. "Ay nako ineng wala pa rin akong palit sa singkwenta. Kung ayos lang sayo papapalit ko muna sa labasan?" Suwestyon ni Kuya. Sa halip na hintayin pa siya ay nagpasya akong hayaan na lamang ang natitirang sukli. Sinabi ko na rin kay Kuya na wag na niyang alalahanin pa ang panukli. Pakompirmiso na rin sa bilis ng byahe at saka rapat naman talagang barya ang iabot namin lalo pa't maaga pa nga lang. Pagpasok ko sa establishimento, sinipat ko ang buong lugar sa pag asang makikita si Kyle. Hindi naman ako nagkamaling pumunta sa dulong bahagi dahil naroon nga siya't nauna ng kumain. Gutom talaga siya ano? "Hindi na kita nahintay love. Pinag order na rin kita upo ka na," wika ng binata na puno pa ang bibig habang nagsasalita. Sinalubong ko ang mesa namin na may lulang mga pagkain. Naroon at nakita ko ang tatlong piraso ng burger, regular fries, may apple pie pa at kape kung hindi ako nagkakamali. "Hindi ka nagkakanin pag umaga love? Sure ka okay na yan sayo para sa half day?" Paninigurado ko. Sinuklian niya lamang ako ng mahabang tango ngunit abala pa rin sa pag nguya ng pagkain niya. Dagdag ko pa, "Pagtake out ba kita para kung sakali magutom ka?" "Goods na to sakin love. Kain ka na rin baka ma-late tayo at mag date na lang tayo sa labas imbis na pumasok," nangingiti niyang sabi. Kakaiba ang display ng mukha nito sa ideya at animo'y isa pa ngang plano ang winika niyang iyon. Maya- naya pa, nagsalita muli ito. "Pero kung gusto mo naman totohanin, malapit na lang yung field dito, love." "Sira ka ba? Magka cutting tayo?" nagugulo kong tanong. "Oo. Wala akong dalang notebook. Art mats at saka blanket lang," nakangiting wika ni Kyle at doon ko lang nakumpirma na yun pala talaga ang balak niya. Napakamot ako ng ulo sa suwestyon niya. Although interesting naman pero nag aalala pa rin ako. Sambit ko, "Pero hindi ko pa naranasan mag cutting. Pag nalaman nila Mama ano na lang sasabihin ko? Mapapagalitan tayo pareho, Kyle." "Technically, hindi cutting yon kase hindi pa naman tayo pumasok. So absent lang naman. Isa pa, wala si Kuya ngayon may biglaang seminar at isa-substitute lang ni Sir Paclibar para magbantay sa section natin. Ano sa tingjn mo?" mas malapad ang ngiti niya ngayon. --- "Sigurado ka ba rito? Kinakabahan ako baka may makakita sa atin Kyle," ani ko. Inaalala ko pa na naka uniform kami pareho. Mas lalong nakaka conscious dahil may nire-representa kaming paaralan. "Alam ko anong inaalala mo. May dala akong t-shirt kasi boy scout nga ako. May cr doon sa gilid pwede tayong magpalit. Tara?" Ganon na naga ang nangyari. Nagtaguan ko na lamang ang sarili naming abala sa pagpapalit ng baong damit ni Kyle. Aaminin ko naman na may excitement na dala ang ideya ni Kyle. Pero kahit pa pinahintulutan ko ito, hindi mo pa rin maiaalis sa akin ang matakot at mag alala. Pinangako ko naman sa sarili na ito na ang una't huling beses na gagawa ako ng ganitong bagay. "Tapos ka na ba? Pwede na akong tumingin?" dinig ko mula sa lalaki. Umoo lang ako at hinayaang salubungin ako ng tingin ng nobyo. "Medyo malaki pero ayos lang. Maganda ka pa rin kahit lubog ka sa damit ko love," bati ng lalaki at natatawa pa. Totoo namang lubog talaga ako sa hoody niya pero sa tingin ko naman ay mas ayos ito dahil hindi mapapansin ang palda ko. Lalakad na sana ako pabalik sa pwesto namin nang hilahin ako ni Kyle sa pwestong hindi ko inaasahan. "K-Kyle?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD