Chapter 36

1411 Words
Nukk’s POV Alas nueve ng gabi at nagawa ko ng maglinis ng sarili pati na rin ang iayos ang mga gamit mula sa kaninang lakad. Nakakaramdam ako ng kaunting pagod pero hindi ganon katindi kaya naman minabuti kong ilatag muli ang canvass mula sa kaninang aktibidad namin ni Kyle. Balak kong ipagpatuloy ang naiwan namin kanina. Nagsimula ako sa pagtitig pansamantala sa huling natapos namin ni Kyle. Kung pagmamasdang mabuti, kalimitang masisilayan doon ay ang dami ng maiitim at mabigat na kulay. The lighter shades also contemplated to the piece very well. Idagdag pa ang sopistikadang detalye ng imahe ng babaeng puno ng galos sa ibat- ibang parte ng katawan nito. Sa mas malapitang tuon ay animo’y aninag lamang ang hugis ng karakter sa harapan ng mabibigat na kulay ng pintura sa kapirasong tela. Sa dami ng elemento, ewan ko kung bakit tila nakukulangan pa rin ako. Nagsimula akong iangat na muli ang paintbrush patungo sa canvass. Balak ko lamang mas idepina ang mga hugis at malamlam na kulay sa telang nasa harap ko. Saka ko na rin isusunod ang pagdadagdag ng iba pang tema. -- Makalipas ang ilang oras ay saka ko lang naisipang tigilan na ang ginagawa sa takot na baka silipin ako ni mama rito sa taas. Mag aalas dose na rin pala at hindi ko man lang iyon namalayan. Inuna ko ng ligpitin ang mga pangulay. Matapos doon ay isinawsaw ko na muna ang mga paintbrush ko sa basong may tubig at saka na dumiretso sa banyo upang maglinis ng mga natitirang pintura sa katawan ko. Hindi na rin ako nagsayang pa ng oras at humayo na rin sa kama para magpahinga. Kinabukasan, araw ng Linggo ay tipikal na umaga ang sumalubong sa akin. Maaga akong nagising para maghanda sa Simba. Pagdatin gnaman ng hapon ay wala namang ibang espesyal na gawain ang nakatoka kaya naman pinagpaliban ko ang buong araw sa pamamagitan ng pagtulog. Kinagabihan, sabay- sabay kaming naghapunan nila Mama tulad ng nakasanayan. Pinagsaluhan namin ang mainit na sabaw na hain ni mama kabilang na rin ang iilang mga diskusyon. Pinangunahan pa nga ni Papa ang usapan sa tulong ng pagtatanong tungkol sa amin ni Kyle. “Kamusta pala ang lakad ninyo ni Kyle kahapon? Nakita ko may bitbit kang canvass paalis saka pagbalik. Baka gusto mo ipakita samin ni Mama mo anong natapos niyo nak ko?” ani Papa na interesado naman talaga sa kung anong laman noong artwork. “Ahh opo tay. Bale gumawa po kasi ako ng tula bilang challenge. Iyon po yung tema nung artwork namin. Hindi pa po tapos pero ibababa ko po mamaya pagkatapos kumain. Baka sakaling matulungan niyo po ako anong magandang idagdag doon,” tuloy- tuloy kong sambit sa katapat na lalaki. Sumubo rin naman ako ng pagkain dahil baka mahuli ako’t maiwan sa lapag dahil sa bagal kong kumain. “Natutuwa ako sa ganyang date ninyo. Makabuluhan. Naalala ko ang tatay mo noong kaedad niyo kami. Hindi naman ako nakakaintindi ng arts arts na yan pero tina tyaga kong panoorin dahil sinusuportahan,” pangiti- ngiting turan ni Mama. Nakuha pa nitong sumandal kay Papa na siya namang sinuklian ng matamis na ngiti ng asawa. Natutuwa talaga ako sa mga ganitong pagkakataon. Ang saya lang naman makita na nagbibigay ng ganitong apeksyon ang mga magulang ko sa harapan ko. Kung bubuo man ako ng pamilya, ang gusto ko ay katulad sa environment na kinalihan ko ang kalakihan ng magiging anak ko. Naniniwala akong mabuting epekto ang ganitong klaseng pamumuhay ng pamilya para sa mga bata. Sa totoo lang ay malaking pasasalamat ko dahil nabiyayaan ako ng ganito kaayos na pamilya. Blessing na tunay at siyang panay na ipinagpapasalamat ko sa bawat panalangin. “Maiba ako. Naisip ko lang nak ko, kung gagawin niyong regular ang pagpipinta, makakakolekta kayo ng maraming piraso ng artworks. In the future, magagamit niyo ang lahat ng iyan at pwede niyong idisplay o kaya naman I-exhibit,” suwestiyon ni Daddy. Hindi ko naisip agad iyon pero napakagandang ideya ng sinabing iyon ni Daddy. “Oo maganda iyong naisip ng tatay mo. Subukan mong banggitin kay Kyle iyan at hingian mo ng opinyon kung ayos lang ba sa kanya nak ko. Support namin kayo dyan ni Daddy mo,” pag papangalawa ni Mama. Wala akong ibang naging reaksiyon kung hindi ang magkontamina ng namumuong tili sa loob ko. Iniisip ko pa lamang ay hindi ko na alam kung papanongsaya ang naidulot noon sa akin. Bukod sa swerte ko sa buo at mapag mahal na magulang, swerte rin ako dahil sa pagiging supportive ng mga ito sa passion ko. Napabulong na lang ako ng pasasalamat sa dalawa. Sinuklian iyon ng paninigurong ngiti ng aking magulang at sa sandaling iyon ay binilisan ko ang pagkain sa intensiyong ibalita agad kay Kyle ang nasabi ni Papa kanina lang. -- “Ano sa tingin mo, love?” ani ko at inip na inip sa sagot ng tao sa kabilang linya ng telepono. Nasa kwarto ako ngayon hawak hawak ang unang canvass na proyekto namin ng kasintahan ko. “Oo naman! Payag na payag ako. Isa pa, pangarap ko rin yon, love! Pakisabi sa kanila Tito excited ako sa idea nila. Ikukwento ko agad yan sa kanila Tatay!” mataas na tonong tugon ng lalaki sa kabilang linya. Mula rito ay dama ko rin ang excitement niya. “Osige, iyon lang naman ang tinawag ko sayo. May iba ka bang ginagawa? Naabala ba kita?” ani ko. “Ahh wala naman. Never kang magiging abala sa akin love. Kumain ka na ba? Kakain pa lang ako. OKay lang bang ibaba ko na?” paalam ni Kyle at hindi ko naman na iyon tinutulan. Tulad ng sinabi ko ay tinawag ko lang naman ang balita sa kanya. Maya- maya pa at narinig kong muli ang lalaki. Wika nito, “Tawag na lang ako pabalik ha? I love you.” “I love-” hindi ko pa man natatapos ang sagotko ngunit nauna na nitong binaba ang tawag. Sandali akong nakaramdam ng hindi pangkaraniwang kirot ngunit hinayaan kong lumipas din ito agad. Hindi niya naman siguro sinasadya iyon? Gayon pa man, naalala ko namang bababa nga pala ako para ipakita kay Papa ang work in progress naming gawa ni Kyle. Iniwan ko pansamantala ang cellphone ko sa kwarto at dali- dali nang bumaba sa sala. Inabutan ko roon sina Daddy. Nakasandal si mama sa balikat ni Daddy habang nakapaibabaw naman ang kamay ng lalaki sa braso ni Mama. Walang oras na makikitang magkahiwalay ang dalawang ito. “Oh andyaan ka na pala hindi ka man lang nagsasalita?” pangunguna ni Daddy. Napaayos naman ng upo si Mama at animoy sinisipat ang hawak- hawak kong piraso ng kahoy at tela. Sandali pa’t nag- extend ng kamay si mama para sana abutin ang tangan kong canvass. Nang makita ang nilalaman noon, pinagmasdan kong maigi ang reaksyon ng dalawa. Namamag- asang makakakuha ako ng positibong komento mula sa kanila. Although I know for sure they will leave a good remarks since anak nila ako, gusto ko pa ring marinig ang opinyon nila patungkol sa gawa namin ni Kyle. “Kayong dalawa ang gumawa nito?” seryosong tanong ni Tatay. Nakangiti akong tumango sa kaniya. Di rin nagtagal at nasundan ang tanong na iyon ni Daddy. "Sa totoo lang nak ko, hindi ko na alam kung ano pang idadagdag dito. Mukhang hindi niyo na kailangan ng opinyon ko dahil maganda na itong ginawa niyo. Baka mamaya ay makasira lang ako," natatawang sambit ni Daddy. Ilang sandali pa at sumali na rin si Mama sa usapan. Natutuwa ako sa effort nila lalo na kay mama dahil sinusubukan niya talagang magbigay ng partisipasyon kahit hindi niya linya ito. "Alam mo namang wala akong maintindihan sa arts anak at blessing in disguise na hindi ka sakin nagmana. Maganda ang gawa ninyo. Proud ako sa inyong dalawa," sinseradong wika niya. Ganon na lang at niyakap ko ang dalawa. Kung iisiping mabuti, bukod sa mga taong posibleng makakita ng mga obra namin ni Kyle, walang ibang mas hihigit pang audience sa mga magulang ko at pati na rin kayKyle. Iyon lamang ay maibabalik na ang lahat ng pawis sa pagbuo ng mga likhang sining. Masasabi ko talagang sila ang tanging swerte at blessing na palagi kong ipagpapasalamat. "I love you Nak ko. Andito kami lagi ng Daddy mo at susuportahan ka," bati ni mama. Sinuklian ko iyon. "I love you too Ma, Dad. Na-aappreciate ko po lahat galing sa inyo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD