Chapter 35

1486 Words
Kyle’s POV "Love, naalala mo ba yung huling workshop? Naaalala mo rin yung guest?" dinig kong tanong ni Nukk na nagpatuon ng atensyon ko sa kanya. "Oo, bakit? Sila Kuya Nico?" Hindi na nagawang sagutin pa ni Nukk ang tanong ko at sa halip ay itinuro na lamang sa akin ang direksyon ng tila nagsusuyuang mag nobyo sa di kalayuan. Sa sandaling pag oobserba ay napansin din namin ang malaking bag na bitbit ng babae pati na rin ang walang tigil na paglapit ng lalaki sa kasintahan nito. “Sa tingin ko kailangan ng tulong nung babae,” ani Nukk kaya’t dali-dali naming tinahak ang direksyon nila. “Ako na ang unang babati. Dito ka lang sa likod ko,’ wika ko. Sinunod naman ng dalaga ang suwestyon ko at ganon na nga ang nangyari. Habang papalapit ay mas naging kapansin- pansin ang pangungulit ni Kuya Nico kay Ate Max, kung tama ang alala ko sa kanyang pangalan. "Ate Max... Kuya Nico? Andito po pala kayo?" panimula ko. Ganon na lang din at marahang bumaba ang kamay ni Kuya Nico mula sa pagkakahawak sa siko ni Ate Max. Nakita ko rin ang reaksiyon ni Ate Max na tila inaalala kung sino kaming ngayon ay kumakausap sa kanila. "Kami po yung sa workshop. Ako po so Kyle, ito po si Nukk," dugtong ko na siya namang nagpaliwanag ng itsura ng babae. Maya- maya pa at sumalubong na rin ang tipid na ngiti ng kasamang lalaki sa direksyon namin. Ano kaya ang meron? Hindi rin itsurang kumportable si Ate Max. Sa kuryosidad ay minabuti ko na ring tanungin ang mga ito. Sa parehong pagkakataon ay naramdaman ko ang pamaya- mayang pagpisil ni Nukk sa braso ko na sa tingin ko naman ay indikasyon ng pagkabahala nito sa kapwa niya babae. "Ano pong ginagawa niyo rito? Mukhang may hinihintay po kayo?" ani ko sabay pang napalingon sa mga tangan na bag ni Ate Max. "Ahh wala, hinihintay lang namin magulang ni Ate Mackenzie niyo. Kayo ba? Ginabi kayo ah? May masasakyan ba kayo?" ani ni Kuya Nico na sinusubukan pa ring ngumiti ng pilit sa amin. Sa sandaling ito ay mas pansin ko na ang tila kagagaling lamang sa pag iyak na mga mata ng nakatatandang lalaki. Sa tingin ko ay magkaaway sila o kung mas grabe pa ay baka naghihiwalay na? Sumunod na mga tagpo ay nakuha ko na ring makipag biruan sa kanila sa pag asang mapapagaan ang tensyon na marahil ay kanina pang namumuo sa pagitan nila. Nariyan na rin at nakuha ni Nukk na makisali na rin sa usapan. Sa sitwasyon ngayon ay malakas ang pakiramdam ko na hindi katulad ng suspetsa namin ni Nukk ang inabutan naming tagpo sa dalawang ito. Kaya naman minabuti na rin naming dalawa na magpatuloy na dahil gumagabi na’t baka wala pa kaming masakyan pareho ni Nukk pauwi sa amin. "Sige po Ate Mackenzie, Kuya Nico, mauuna na po kami. Mag iingat po kayo sa pupuntahan niyo," sambit ko. Ganoon na lang din at nagpatiuna na kami ng lakad ni Nukk. Hindi pa rin nawawala ang pangamba ngunit nang makarinig ng isang marahang busina mula sa direksyon nila ay tila napanatag din naman ako pati na rin ang kasama. Nang lingunin namin pabalik ni Nukk ang pwesto nila Kuya Nico, sakto naman ang pagbaba ng dalawang nakakatanda mula sa kotse. Sa wari ko ay mga magulang iyon ng isa sa kanila. Ipagpalagay pa ang pag kuha noong lalaking matanda sa mga gamit ni Ate Max. “Siguro naman safe na talaga siya Kyle. Halika na?” sinserong tono ni Nukk na siya namang agad kong pinag tuunan ng pansin. Nginitian ko na lamang ito ng marahan at saka iginiya ang kamay ko sa bewang niya upang alalayan sa paglalakad. “Kung ano man pinagdadaanan nila, sana lang ay hindi ganon kalala. Hindi ko kasi maimagine na naghihiwalay ang mga mag jowa lalo na kung matagal na talaga sila,” ani ni Nukk mula sa kawalan. Ano naman kayang naisip nito at biglang doon napunta ang concern niya? “Hayaan na natin sila. Ang mahalaga okay sila lalo na’t may mag ga-guide sa kanilang mas matanda na naroon. Bata pa tayo, baka di tayo yung fit na audience para sa problema nila,” balik ko sa dalaga. Habang patuloy na naglalakad, mas napahaba pa ang kwentuhan nang marinig ko si Nukk na magbitaw ng panibagong diskusyong hindi malayo sa naunang usapan. “Papano love kung tayo rin dumating sa ganon? Yung halimbawa sobrang tagal na natin at saka nagkaroon tayo ng maraming problema? Papano na? Mag hihiwalay din ba tayo? Hindi ka manghihinayang?” sunod- sunod na birada ng kasama. Babae nga naman no? “Unang- una sa lahat, hindi mangyayari yon. Pangalawa, dapat pag uusapan natin palagi. Makinig ka sakin parati kasi expert nako dyan. Kung magkakaroon ng problema, pag usapan natin. Hindi solusyon ang paghihiwalay. Naiintindihan mo? At saka huwag kang mag overthink masyado,” patuloy ko. Hindi pa siguro napapansin ng kasama ko na nasa sakayan na kami dahil hindi pa nito nagagawang pumasok sa loob ng tricycle. Kaya naman inilapat ko ang kamay ko patungo sa braso at ulo nito upang igiya siya papasok sa sasakyan. Sumunod naman sa akin si Nukk kaya nang makapasok siya ay pumasok na rin ako sa loob. “Sa tingin mo naghiwalay yung dalawa? Mukha kasing nagsasama na sila sa iisang bahay sa dami ng dalang gamit ni Ate Max. Ano kayang dahilan ng paghihiwalay nila, love?” baling na muli ni Nukk. “Love, hindi ko alam na medyo may pagka chismosa ka. Pero sabagay kahit ako na-curious. Baka toxic na? Kasi diba nakwento nila dati na matagal na silang mag girlfriend at boyfriend? Eh, hindi ba pag matagal na toxic na kadalasan?” pangunguna ko. Tila nakukuha naman ni Nukk ang nais kong iparating. Sandali pa, narinig namin si Manong na nagtatanong kung san ang punta namin. Ganoon na lang din at pinunan ko ang impormasyong kinakailangan niya. Di naman nagtagal at umandar na rin ang tric at unti- unti ko na ring naramdamang ang malamig na hampas ng hangin sa balat ko. “Sa tingin mo magiging toxic din tayo pag nagtagal tayo?” tanong muli ng kasintahan ko. “Hindi, tulad ng sabi ko, makinig ka lagi sakin. Akong bahala sayo, love,” pasensyoso kong tugon. Maya-maya pa at naramdaman ko na lang ang pagsandal ng ulo ng girlfriend ko sa balikat ko. Napangiti naman ako roon. Hindi ko rin maiwasang mapansin ang biglaang pagdagundong sa dibdib ko kasabay ang tila pag akyat ng dugo sa pisngi ko. Pano ko nagagawang makaramdam ng ganitong klaseng panlalambot sa maliliit na gesture ng dalagang kasama ko? Napapadalas ang pagkawala ng angas ko ha? --- Tatlumpung minuto rin ang tinagal ng byahe bago namin narating ang bahay nila Nukk. Sa loob ng kalahating oras na iyon ay inilagi lang ng girlfriend ko ang ulo niya sa balikat ko kaya nang magkaroon ng pagkakataong iangat ang pagkakadagan ay doon ko naramdamang ang sandaling ginahawa mula sa bigat ng ulo ni Nukk. Nauna na akong lumabas ng tric upang samahan na rin si Nukk sa loob ng bahay nila at nang makapag paalam na rin sa magulang niya. Pinasabihan ko na rin muna si manong driver na hintayin ako dahil sa kanya na rin ako sasakay pabalik sa amin. Papasok sa pintuan ay bumungad na agad sa amin ang imahe ng mga magulang ni Nukk na marahang nagsasayaw sa mahinang saliw ng musika sa kanilang sala. Napansin ko pa ang paghinto ni Nukk sa gilid ng pintuan at pati na rin ang pagsandal nito para panoorin ang mga magulang. Ganoon din ang ginawa ko dahil ayoko namang sirain ang magandang panoorin hango sa karakter ng dalawang nakatatanda sa amin. "Baka gusto niyo akong isama sa mini JS Prom niyo Ma?" biglang singit ni Nukk na siya namang nagpahinto sa mag asawa. Sinalubong lamang nila kami ng banayad na ngiti. Iyon na rin ang naging indikasyon upang lumapit ako para magmano sa kanila. "Magandang gabi po Tito at Tita, hinatid ko lang po si Nukk at mauuna na rin po ako," ani ko matapos ibaba ang kamay ni Tito na katatapos ko lang pagmanuhan. "Sigurado ka ba? Ayaw niyo bang kumain muna rito?" sambit naman ni Tita na aktong papasok na sana sa direksyon ng kusina. "Naku po tita hindi na po. Kumain na rin po kami sa labas ni Nukk at saka naghihintay po si manong driver sa labas," paniniguro ko. Hindi na nagawa pang kumontra ng magulang ni Nukk at sa halip ay hinatid na lamang nila ako sa terrace. Tinahak ko naman ang daan papunta sa direksyon ni Manong driver. Bago pumasok sa loob ng tric ay nakuha ko pang mag angat ng kamay para magpaalam sa pamilya. Matamis na ngiti rin mula kay Nukk ang binaon ko bago pa muling buhayin ni Manong driver ang makina ng kanyang motor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD