Alas syete ng umaga at marahan kong idinilat ang mata ko dahil na rin sa nakakasilaw na tama ng liwanag mula sa bintana papunta sa mga mata ko. Ramdam ko pa ang pamamanhid ng katawan ko mula sa matagal na pagkakahiga sa kama. Bukod pa roon ay dama ko rin ang bigat sa ilalim ng mga mata kong namumugto mula sa pangyayari kagabi.
Ilang sandali pa narinig ko na lang ang banayad na pagkatok mula sa labas ng kwarto ko. Noon ko na lang naalalang dito nga pala ako dinala ng sariling mga paa sa bahay ng mga magulang ko.
"Nak, kung gising ka na ay bumaba ka na nang makapag almusal tayo... pero kung gusto mo mapag- isa sabihan mo ang mama para ihatid ko na lang ang agahan mo riyan sa kwarto, ha?" mahabang tinig ni mama. Dama ko mula sa boses nito ang pag aalala at sinseridad sa pananalita niya.
Hindi na sana ako tutugon pa mula sa huling saad nito nang muli ko na namang marinig ang boses niya. Aniya, "Mahal ka namin, anak. Nandito lang kami lagi nila Tatay mo. Magpahinga ka at huwag mo na munang masyadong isipin."
Ganon na lang at isa-isang kumawala ang mga luha sa mata ko. Ni wala akong ideya kung saan pa humuhugot ng butil ng likido ang mga mata ko gayong balde- baldeng luha na ang nailabas ko kagabi.
---
Hindi naging madali ang pag alis ko sa tinutuluyan namin ni Nico. Tangan- tangan ang malalaking bag ay pinilit kong umalma sa pagpupumilit ni Nico na huwag ko siyang iwanan. Mabigat man para sa akin, iyon na lang naiisip ko para makawala sa araw- araw na gulong dulot ng pakikipag relasyon ko sa kanya.
Bago pa ako tuluyang makalabas ng establisyimento, nagawa ko nang timbrehan sila Tatay sa pagbabalak kong umuwi pabalik ng bahay. Inaasahan ko na rin kasing hindi palalampasin ng ganon- ganon na lang ni Nico ang pag alis ko at batid kong pipilitin niya na namang magkaayos kami kahit pa hindi naman talaga nauuwi sa mabuting diskusyon ang bawat pag uusap namin.
Siguro kung naayos namin ng mas maaga ang problema ay hindi kami masasanay ng ganito at hindi aabot ang lahat sa hiwalayan. Ano pa nga ba at huli na para ipukol ang lahat ng pagsisisi sa mga oras na ito. Buo na ang desisyon ko dahil mas ikakabuti namin ang paghihiwalay ng landas gayong hindi na rin kami nag go-grow sa isat-isa.
For the past months, it has been a constant pulling between us. Para bang kasalanan ang magkaroon ng oportunidad habang naiiwan ang isa. Kahit hindi intesnsyon ang magkaibang dating ng mga pribilehiyo, animo'y dahilan ito para sa karelasyon upang ihambing ang narating ng bawat isa.
"Ga, pumasok na tayo sa loob. Please, nagmamakaawa ako. Aayusin ko na talaga," pagmamakaawa ng lalaki.
"Nico, hayaan mo na ako... Please? Hindi para sa atin tong relasyon na ito," wika ko habang iniiwasan ang pagtatama ng mga mata namin.
Nararamdaman ko na rin ang desperadong pag hagod niya sa kaliwang braso ko. Naluluha man at naaawa ay hindi ko ito hinayaang usigin ako. Iniisip ko na lang na para sa aming dalawa ang desisyong ito.
"H-hindi ko kaya na wala ka, Ga..." natigilan ang kausap ko pansamantala. Marahil ay dahil na rin sa sarili nitong mga luha na nagpapabara sa lalamunan niya. Di nagtagal at sinundan niya rin naman ito. Wika ni Nico, "Nasamay na ako na ikaw ang kasama ko. Ang tagal na natin, ayoko na pag gising ko bukas 'e wala na talaga. Please? Ayusin na natin, Ga?"
Muli kong ibinaling ang tingin sa kaniya at aaminin kong naantig ako sa mga litanya niyang iyon. Ganon pa man, hindi pa rin sapat para sa akin ang mga sinabi niyang iyon. Wala akong ibang maisip na sabihin kung kaya't hinayaan ko na lang na tangayin ng hangin ang patay na ere sa pagitan namin.Sandali pa, nakarinig kami ng hindi pamilyar na boses sa tabi.
"Ate Max... Kuya Nico? Andito po pala kayo?" bati ng pakilyar na mukha ng lalaki. Sa kabilang gilid niya ay nakatuon din ang tingin ng kasama niyang dalaga.
Makuha ko na sanang tanungin ang pangalan ng dalawa ngunit mabuti na lang at inunahan na nila ako. Marauil ay nakaramdam na rin.
"Kami po yung sa workshop. Ako po so Kyle, ito po si Nukk," ani muli ni Kyle na buong gilas pa ang pag ngiti sa amin. Hindi nagtagal at narinig ko na rin ang kasama nitong babae na magsalita.
"Ano pong ginagawa niyo rito? Mukhang may hinihintay po kayo?" ani nito sabay pang napalingon sa mga tzngan kong bag. Sana lang ay hindi napansin ng dalawa ang naunang kumosyon namin nitong lalaking kasama ko.
"Ahh wala, hinihintay lang namin magulang ni Ate Mackenzie niyo. Kayo ba? Ginabi kayo ah? May masasakyan ba kayo?" baling ni Nico na sinusubukan pa ring ngumiti ng pilit sa mga ito. Sa observasyon ko naman ay tila wala pa ring ideya ang dalawang kabataang ito sa nangyayari.
"Mukhang katatapos niyo lang din po mag- date ah? Art date din po ba?" pagbibiro ng lalaki gayong nagbitaw ito ng mahinang tawa sa dulo ng kanyang sinabi. Napailing na lang si Nico sa tinuran ng binata.
"Huyyy wag ka nga. Pasensya na po kayo kay Kyle. Palabiro lang po talaga," suway naman ng dalaga sabay habol ng kurot sa tagiliran ng kanyang nobyo.
Habang pinapanood ang dalawa'y muling binabalik sa akin ang panahong hindi pa ganon kabigat ang unos sa pagitan namin ni Nico. Ganitong- ganito rin kami noong nagsisimula. Sa sandaling ito ay ipagdadasal ko na lang ang dalawang ito na hindi nawa matulad sa amin.
"Kailan po ulit ang susunod na workshop? Sigurado pong aattend kaming dalawa ulit ni Nukk. Nag enjoy po kami nung nakaraan at sobrang dami talaga naming natutunan," sabik na tono pa rin ng lalaki. Unti- unti ko na ring naalala ang presensya nito sa tinutukoy na workshop.
"Naku, mukhang matatagalan pa. Kailangan ko na kasing mag focus sa studies. Pero I'm looking forward to see you both if ever may chance ulit na makasama kami," ani ko sa unang beses. Kahit pa wala sa maayos na estado ay sinubukan ko pa ring makipag partisipa lalo na't nahahalata ko sa dalawang kabataang ito ang nag uumapaw na passion sa ginagawa nila.
Sabi nga diba, Kabataan ang pag asa ng bayan. Hindi naman dahil broken ako ay magiging patay saya na rin ako. Ang masama pa ay baka ako pa ang pumatay sa passion nitong dalawang pag asa ng bayan.
"Oh! Good Luck po sa College Ate Max! Sayo rin po Kuya Nico."
"Maraming salamat. Kayong dalawa rin, pag igihan niyo palagi!"
Hindi nagtagal ay nadugtungan pa ng maliliiit na katanungan ang pagkikita naming apat. Ilang minuto lang din ang itinagal bago nagpasyang magpatuloy na ang dalawa sa kanilang pupuntahan. Sa itsura ng dalawa, marahil ay magka sintahan ang mga ito. Hindi ko tuloy lubos maiwasang alalahanin ang mga panahong nasa maagang parte pa lamang kami ng relasyon namin ni Nico.
"Sige po Ate Mackenzie, Kuya Nico, mauuna na po kami. Mag iingat po kayo sa pupuntahan niyo," sambit ni Kyle at saka nagpatuloy sa paglalakad tulad ng naudlot nitong gawain.
Maya- maya pa, marahang busina ang tumambad na kotse sa harapan namin. Nang lingunin ko'y hindi naman ako nagkamali dahil sa imaheng lumabas mula sa bintana ng sasakyan. Lulan noon si Papa sa driver's seat.
Tahimik at banayad na ngiti ang ginawad nito sa direksyon namin. Ilang sandali pa'y napansin ko na rin ang nagmamadaling pagbaba ng aking ina sa kabilang pintuan ng sasakyan.
Unti-unti ko na ring naramdaman ang pagbagsak ng mga kamay ni Nico mula sa kanina niya pang hinihimas na braso. Sandali pa't napansin na rin nito ang papalapit kong magulang. Nauna nang kinuha ni Tatay ang bitbit kong bag at saka ito isinukbit sa balikat niya. Ganon din si mama nang marahang hilahin mula sa kamay ko ang isa pang lalagyan na lulan ang natitirang mga gamit ko.
"Magandang gabi po, Tito Tita," mahinang boses ni Nico. Hindi ko pa rin nililingon ang lalaki.
"Ganon din sa iyo, iho," magalang na balik ni Tatay sa binatang kaharap nito.
Sandali pa at nakita kong tinapik ng aking ama ang balikat ng lalaki at saka ito inaya para sa isang mahigpit na yakap. Sa pagkakataong iyon ay muli na namang humagulgol ng iyak ang binata at hinayaan naman siya ni Papa na maglabas lang ng emosyon sa mga oras na iyon.
"Ayos lang iyan nak ko. Iuuwi na muna namin si Kenzi. Hindi naman matatapos lahat dito nak ko," batid ni Tatay habang patuloy sa pagkuskos sa likurang bahagi ni Nico.
Hinayaan ko sila sa ganoong posisyon dahil sa tingin ko naman ay kahit papano, kailangan ni Nico ang comfort na iyon. Kung makatutulong sa pagpapagaan ng loob niya hinggil sa pag alis ko ay ipauubaya ko na.
Natigilan naman ako nang makaramdam ng malumanay na haplos mula sa pamilyar na mga kamay. Nang sipatin ko'y si mama iyon at inimbitahan na rin ako sa mainit na yakap. Dama ko ang bawat pag aalala sa hagod nito kaya't hinayaan ko lang na magpatuloy ang ina sa pag aaro sa akin.
"Okay ka lang nak? Sandali na lang at uuwi na tayo," maamong turan ni Mama. May kung ano sa tono niya na siyang nagpakalma sa akin. Di katulad ng sitwasyon ni Nico'y hindi ko magawang umiyak sa sandaling ito. Animo'y mas magaan ang loob kong gayong may pagkakataon akong umuwi at lumayo pansamantala sa gulong dulot ng pakikipag relasyon.
Tumango lang ako bilang tugon kahit pa sa tingin ko'y malabong nakuha ni mama ang mensahe ko gayong magkayakapan kami. Ang mahalaga naman ay nakakakuha ako ng simpatya mula sa magulang.
Ilang minutong yakapan din ang nangyari bago nagpasyang magyaya nang umuwi ang mga magulang ko. Pinalalahanan at binigyang habilin din nila si Nico bago nagtungo papasok ng kotse. Sa parehong sandali ay hindi ko pa rin magawang lingunin ang lalakl gayong alam ko namang masasaktan lang ako kung pababaunan pa ito ng huling sulyap.
I was about to enter the car when I heard him utter a few words. This time, his tone is slightly giving a hint of defeat.
"Cool off lang ba to?"
Noon ko na lang ito muling binalingan. Hirap man ngumiti ay hinayaan ko ang sariling kabisaduhin ang imahe nito sa huling sandali.
---
Hindi ko namalayan na mas marami pang luha ang bumaba mula sa mga mata ko. Hindi ko rin lubos na maisip kung dahil ba ito sa sinabi ni mama kanina o dahil sa muling pag alala ko ng mga pangyayari kagabi. Ganon pa man, hinayaan ko lang muna ang sarili ko na damhin ang kirot at pagkalungkot.