Mackenzie's POV
"Ano? Aalis ka na naman? Magwo-walk out ka na naman? Sasabihin mo na naman ayaw mo na? Mackenzie naman! Parang ganon lang, mag o-over react ka na ng ganito," sigaw ng lalaking kasa-kasama ko ngayon sa loob ng kwarto.
Pinalampas ko muna ang ilang segundo bago siya muling hinarap. Ani ko, "Ganon lang? What do you mean 'lang'? Pinahiya mo ako sa mga kaibigan ko Nico! Ano bang problema mo? Hindi mo ba naiintindihan na brithday yun ng bestfriend ko?! Kung may nag o-over react dito, ikaw yun Nico!"
Sa inis ko ay naitapon ko na sa ere ang kamay ko at halata na rin ang galit sa tono ng pananalita ko. Napansin ko naman ang pangungunot ng noo ng kasintahan ko. Hindi malayong ano mang oras ay dobleng emosyon pa ang igawad nito sa akin.
"Iyon ba yung problema? Dahil sinundo kita sa party ng bestfriend mo? Hindi mo man lang ba naisip na nag aalala ako sayo? Dapat nga magpasalamat ka pa kasi concern ako sayo Mackenzie!" pagbabalik ni Nico na halata namang pinipigilang maabot ang pinakamataas na tono ng boses nito.
"I'm aware pero p*cha naman! Mga kaibigan ko yun, walang magpapahamak sa akin doon! Isa pa, hindi tama na bigla mo na lang akong hatakin paalis sa party ni Denisse. Hindi man lang ako nakapag paalam ng maayos! Kung makaasta ka daig mo pa yung mga magulang ko sa sobrang pagka strikto," baling ko sa kasintahan.
Noon din naman ay narinig ko ang pag singhap ni Nico. Nagawa pa nitong tumalikod ngunit mabilis ding binalik ang tuon sa direksyon ko. Kasunod pa noon ang animo'y panduduro niya sa akin. Idagdag mo pa ang pekeng tawa niya na siyang ikinakulo lalo ng dugo ko.
"Edi ayun nga? May iba ka pang issue bukod sa panunundo ko? Now, you hate me for being too protective huh? Sana alam mo rin kung saan ako nang gagaling Ga. Naisip mo ba'ng mag update man lang sa akin habang nandoon ka? Naisip mo ba na may naghihintay sayo rito habang nagsasaya ka?" ani muli ni Nico.
Sinubukan kong intindihin ang side niya pero hindi ko alam kung papano tatanggapin ang mga sinabi niya. Maisip ko man ang punto, hindi naman sapat at balidong rason iyon sa sarili kong pananaw. Ganon na lang at ibinalik ko sa kanya ang saloobin ko.
Sambit ko, "Hindi pa ba enough yung nagpaalam ako sayong magce-celebrate kami? Kailangan ba talaga at lahat ng kilos ko, nakatimbre sayo? My goodness Nico! Whenever I'm with someone's company, hindi ko ginagalaw ang phone so I could give y'all my attention. What would you feel if I constantly pour my attention on the cell? Matutuwa ka ba?? Have you seen me once, texting my friends or even calling anyone when I'm with you?!-"
Nico immediately cut me out. He said out loud, "You don't, but you could have just texted me... or called me every 5 minutes Ga! Just as simple as that!"
"The fvck man? Grow up! We don't need to be together always! May kanya-kanaya tayong relationship outside ours. We have our own boundaries too. At least respect mine, Nico."
The room is filled with silence after that last line I throwed at him. Clearly, I know that those words hit him on the worst side I could possibly imagine. Nakabibinging katahimikan ang bumalot sa amin nang bigla na lang niyang marahas na itulak ang plorera na nakapatong sa bed side-table. Sa sandaling magkalat ang pira-piraso ng bababasagin, noon din ay nakaramdam ako ng mabasa-basang tekstura sa pisngi ko. Ganoon na lang din at mabilis na lumapit si Nico sa pwesto ko at bakas sa itsura nito ang kaba.
Sunod na rin'g iginiya ng lalaki ang hinlalaki nito papunta sa pisngi ko. Nang magpang abot ay doon niya sinimulang punasan ang kung ano mang likidong naroroon sa pisngi ko. Matapos ang unang pagbahid niya, noon ko pa lang napagtantong nagtamo ako ng sugat buhat ng basagin niya ang plorera kanina.
"I-Im sorry... H-hindi ko sinasadya..." Pauulit-ulit na sambit ng lalaki habang patuloy pa rin sa pag alalay sa dumudugo ko ngayong mukha.
May kung ano sa mga oras na ito na siyang tila nagpa manhid sa akin. Sa loob ng ilang sandali, hindi ko na namalayan ang sumunod kong naiusal. That left Nico's jaw to hang in front of me.
"W-What? ...L-look, I'm sorry Zi. Hindi ko sinasadya na masugatan ka. I couldn't contain my emotions kaya nagawa kong ibato yung vase. I'm really sorry. Please bawiin mo yung sinabi mo," Nico said. His eyes is speaking.
"A-ayoko na..."
"No, y-you cant be serious Zi. u-uhm, ano kaya kung ihatid na lang kita muna sa kanila Tito? or you can stay right here, tapos ako na lang yung uuwi muna sa amin. i'll let us breathe muna... S-siguro, pagod lang tayo-" I didn't let him finish his words. Para bang sa mga oras na ito ay siguradong-sigurado ako kung ano ang gusto ko. Even him compromising didn't soothe my exhausted soul.
"That's exactly why we need to stop... Nico, I'm tired," I paused for a moment, trying to calm myself. Sandali pa at iginiya ko ang sarili isang hakbang palayo sa kasama. I continued, "I am really, really tired. Tired of fighting, tired of explaining, tired of asking why I need to choose between you and my studies."
Narinig ko naman'g kumaripas ng hakbang ang lalaki papunta sa direksyon ko. Maya-maya pa't naramdaman ko na rin ang kamay nito sa siko ko.
Hindi ko alam ngunit sa mga oras na ito, wala akong maramdamang kahit anong senyales na mauuwi sa pagbabati ang malaking away namin ni Nico. But then, I heard him speak, "Do you really think this is the only solution Ga? Wala na bang ibang way para maayos natin?"
Napailing ako.
"Do you still think this is all normal, Nico? Paulit-ulit na lang tayo'ng nag aaway. paulit-ulit na lang na dahil sa maliliit na dahilan. Even hanging out with my friends, ikinakagalit mo... Now tell me if this is still mendable?"
"H-hey, wag ka namang ganyan Zi. W-we can still fix t-this..." Nico's almost pleading at this moment but I already lost my hope in this relationship.
Just like that, I smiled bitterly without daring to reach his gaze. Nagpatuloy ako sa sinasabi, "I don't even know kung ako pa ba yung problema o ikaw? We have burned enough bridges that the only thing we can do is to start moving forward."
Marahan kong inabot ang pinakamalapit na bag sa pwesto ko. Sunod-sunod na luha ang kumawala sa mga mata ko kaya naman nahirapan akong hanapin ang daan patungo sa sisidlan namin ng mga damit. Hindi naman ganon kalaki ang kwartong kinalalagyan namin ngunit natagalan ako'ng marating ang aparador.
Once I saw myself standing in front of our closet, I let out a huge sigh. Alam ko na sa puntong ito, pagod at panghihinayang ang dahilan ng mga luha ko. Gayon pa man, hindi sapat na dahilan ang panghihinayang upang hayaan ko ang sariling malunod lalo sa relasyon na mayroon kami ni Nico.Batid ko na sa sitwasyon namin, kung patatagalin ko pa ito, unti- unti na akong mauubos at baka hindi ko na rin kayanin kung papano muling babangon matapos ang nakakapagod na relasyong ito.
Alam ko na pareho kaming masasaktan. Wala ring may gustong mauwi ang lahat sa mapait na hangganang ito ng relasyon. Tila lahat ng pisi na pwede pang kapitan ay naubos at napatid na. Masisisi mo ba ako? Gayong tao lang din ako?
Napupuno.
Napapagod.
Nauubusan ng bala.
Maya-maya pa, narinig ko na rin ang hikbi ng lalaki sa likod. Enough for me to sob heavier. Even so, I tried to recollect myself and continue where I left. Isa-isa kong pinasok sa loob ng bag ang mga damit ko mula sa aparador. Hindi ko alam kung bakit ko pa pinatagal ng ganito pero ang mahalaga sa akin ngayon ay ang makalaya rito.