Chapter 32

1696 Words
Kyle’s POV Grief is a narcotic On air my lungs runs hectic You bleed and watch the world crestfallen Aware as there's something's missin' Then —this i see as rerun A pigment on my knuckles; well they shone sad crimson bright To heal, to grieve, or to ***?? —oh i might To blame it on dependency A vent and need of little intimacy But where do I run? Hawak- hawak ko ang kapirasong papel na naglalaman ng mga tulang isinulat pa ni Nukk mula kahapon. Lumipas na ang araw at hindi ko pa rin maalis sa sarili ang pagka mangha sa natatagong talentong iyon ng aking kasintahan. Kung tutuosin, ang kapirasong literaturang akdang iyon ay higit na nakakaantig kaysa sa mga sining at obrang ginagawa namin. Inaamin ko rin na may kaonting inggit akong nararamdaman at sa kaparehong pagkakataon ay bilib na bilib sa girlfriend ko. Bago bumaba para mag agahan, nakuha ko pang isingit ang papel pabalik sa nakapatong na notebook sa aking maliit na lamesa. Babalikan ko na lang iyon ulit mamaya para dalhin sa lakad namin ni Nukk. Maya-maya pa’t kumuha ako ng tuwalya at saka sinabit sa batok. Balak kong dumiretso ng ligo sa ibaba at saka mag aagahan na rin kasabay ng kung sino mang aabutan ko sa kusina. “Hindi ba maaga ang lakad mo ngayon? Akala ko ba may pupuntahan kayo ni Nukk?” maagang bati ni Kuya sa akin habang sumisimsim ng kape sa tasa niya. Kabababa ko lang mula sa kwarto at iyon na ang inabutan ko sa kusina. Hindi pa man ako nakakasagot, narinig ko naman ang tinig ng paparating kong tatay mula sa likurang bahagi ng silid. Nakasunod na pala ito at halatang katatapos lang magkape. “Hindi ba dadaan muna rito si Nukk? Kung minsan ay pabisitahin mo at nang may makasama din ang nanay mo kung hindi naman makakaabala sa gerlpren mo, nak ko,” pangungusap ni Tatay. Di nagtagal, narinig ko na rin ang pagsingit ni mama na kasunod lang din ni Papa sa iisang direksyon. “Ay tama yang naisip mo Darling. Padalawin mo rito nang maturuan ko pa sa mga gawaing bahay. Isa pa, nalilibang ako sa batang iyon,” ani Mama. Habang sinasara ang distansya sa pagitan nila ni Tatay ay hindi ko mapigilang mapailing. Ang aga naman nilang maglambingan talaga. Wala na akong iba pang sinabi gayong alam ko namang hindi matatapos ang usapan mula sa isang imbitasyon lamang. Tinungo ko agad ang banyo at saka itinuloy ang naunang balak ko. Narinig ko pa si Kuya na nagre reklamo. Katulad ko rin, tila umay na umay na rin si Kuya sa ka-sweetan ng mga magulang namin. Idagdag mo pang wala pa ring nagiging nobyo si Kuya magpasa hanggang ngayon. Kung hindi ba naman kasi masyadong mapili at busy sa buhay ay papalarin na sana ito sa buhay pag ibig. “Kyle baka may Ate pa si Nukk, pakisabi naman at ilakad ako dahil tuyong- tuyo na ang pagkatao ko!” Napailing na lang ako sa sinabing iyon ni Kuya. Desperado na ba to o nakikiuso? Imbis na sumagot ay ipinagpatuloy ko na lang ang paglilinis sa aking katawan dahil sa tingin ko ay male- late na rin ako sa pagkikita namin ni Nukk. Natapos ang isang oras at nakuha kong mag ayos ng sarili. Ilang sandali na lang at pupuntahan ko na rin si Nukk sa pinag usapan naming lugar. Itutuloy kasi namin ang pag gawa ng mga obra at kasabay na rin ang pagpa-practice para mas mahasa pa ang mga talento namin sa pagpipinta. Bago tuluyang umalis ng kwarto ay nakuha ko pang sipatin ang sarili sa huling pagkakataon. Doon naman tumambad ang sarili kong repleksyon sa harapan ng salamin. Minsan pa’y hinawi ko ang buhok upang ayusin ang nahuhulog na grupo ng mga buhok. Nang makuntento’y mabilis kong tinungo ang labas ng bahay at saka na nag abang ng masasakyan papunta sa field. Hindi naman lalagpas ng bente minuto ang lugar mula sa amin kaya’t nasisiguro ko ring dadating naman ako sa takdang oras. -- Tulad ng inaasahan at nakarating na rin ako. Sakto naman at napansin ko rin ang pagbaba ng isang babae mula sa tricycle. Sa postura pa lang nito at alon ng buhok ay alam ko na agad na si Nukk iyon. Hindi ko naman mapigilan ang sariling mapangiti dahil doon. Sandali kong tinitigan ang suot nito at walang dudang bumagay ito sa kanya. Simpleng shorts at light- toned na croptop ang suot nito na binagayan pa ng checkered slip-on shoes. Idagdag pa ang bitbit nitong tote bag. Maya-maya pa ‘y napansin ko na lang ang sarili kong inilalabas ang cellphone ko at sa ilang sandali’y nakuhanan ko na ng litrato ang aking kasintahan. Malimit ang mga ganitong pagkakataon dahil hindi mahilig sa kamera si Nukk. Sa totoo nga niyan ay mailap siya sa mga ganitong pagkakataon. Madalas ko namang pinapaalalahanan si Nukk lalo pa’t lagi nitong idinadahilan na hindi siya ganon ka-confident tungkol sa kaniyang itsura. Para sa akin at maging sa mga ibang tao, kahit sino ay sasabihing may itsura talga siya. Ewan ko ba at bakit ganon ang karamihan sa mga tao. Kung tutuosin ay hindi naman dapat natin maliitin ang mga sarili natin dahil iba- iba tayo. Ang lahat ng pagkakaibang ito ang nagbibigay ng spesyalidad sa kung sino tayo. Hindi ko rin maintindihan kung bakit mayroon social construct sa paligid natin. Ano ba ang maganda at pangit? Tama at hindi? Pinahihirapan lang ng mga adjectives na yon ang pamumuhay ng mga tao. “Huy! Ang lalim naman ng iniisip mo Ga? Okay ka lang?” Bahagya akong natigilan nang marinig ang pamilyar na boses ng girlfriend ko. Noon din at iniyugyog ko ang sarili pabalik sa reyalidad. Tamang- tama naman at malapad na nakangiti si Nukk sa harapan ko. “Ahh, ano… wala yon. Ang ganda mo kasi masyado,” wika ko. Sandali lang naman at nakita ko ring sumilip ang pammula sa pisngi ng dalaga. “Sira! Tara na nga. Humanap na tayo ng pwesto natin.” Tulad ng sinabi ni Nukk ay dumiretso na kami sa sulok ng field kung saan kaparehong nakatirik ang malaking puno. Magandang pwesto iyon dahil malilim at kung sakaling uulan man ay hindi kami mahihirapang humanap ng sisilungan namin. Ibinaba ko na rin ang dala- dala kong mga gamit. Kabilang na roon ang malaking blanket na uupuan namin pati na rin ang mga ipinaghanda kong pagkain na pagsasaluhan namin. Kasunod naman na nagbaba si Nukk ng mga dala- dala niyang art materials. Mayroon akong nakitang acrylics, paint brushes, canvass at marami pang iba. Karamihan sa mga iyon ay napansin kong hindi pa nabubukas kaya’t malamang nito’y nanggaling na naman siya sa book store nitong mga nakaraan. “Hindi ba sabi ko wag ka muna bili ng bili ng mga gamit? Baka matuyuan ka ng mga paint masayang lang. Ang kulit mo talaga,” wika ko. “Hindi yan masasayang. Gusto ko lang ma- try yung mga yan at saka dalawa naman tayong gagamit so sigurado akong mauubos din,” balik ni Nukk. Wala na akong nagawa dahil nandiyan naman na yung mga gamit. Ilang sandali lang at nagsimula na rin kami sa pagpipinta. Nauna nng kinuha ni Nukk ang pang unang coat kaya’t hinayaan ko muna siyang gawin ang parte niya. Collaborative naman ang artwork kaya’t magsasalit-salit na lang kami sa paghahagod ng kung anu-anong mga elemento na nais naming ilagay sa piraso ng telang naririto. Maya’t- maya ang pagsasalitan ng mga pagkain at paint brush sa kamay ko. Kung minsan nga’y nate-tyempo pang muntik ko nang nasusubo ang art mats imbis na yung chichirya. “Hindi ko na alam kung papano pa ie-enhance tong part na to. May naiisip ka ba kung papano?” tinig ng kasama ko. Hawak- hawak niya ngayon ang kapirasong papel na tangan- tangan ko rin kaning umaga. Ginagawan namin ng artpiece ang tulang iyon bilang ekspresyon. Kailan lang namin napag isipang gawin iyon. Sa tingin din namin ay mas mahahasa hindi lang ang talento namin sa pagpinta kung hindi pati na rin ang pag bubuo ng tema. “Ano kaya kung magdrip tayo rito? Para lang may iba pang kulay na lilitaw dyan? Hmm?” suwestyon ko. Nakita ko naman ang pagliwanag ng mukha ng dalaga. Noon din at nagpatuloy ito sa naiwang trabaho. Sa pwesto namin ay kaya ko siyang titigan kahit gano pa katagal. Ang ganitong mga pagkakataon, perpektong date na para sa tulad naming mga artist. --- Mag a-ala-sais na ng gabi ng mapagpasyahan naming tapusin na ang pagpipinta. Bukod kasi sa madilim na ay baka gapangin na kami ng ahas dito sa field. Sandali pa ay nakuha naming ligpitin ang lahat ng mga gamit namin. "Tapusin ko na sa bahay to o gusto mo ikaw na?" tanong ko habang patuloy pa rin sa pagiging abala sa pagpapasok ng mga natitirang gamit. "Pwede bang ako na lang ang mag uwi? Gusto ko sanang magdagdag ng details kung okay lang sayo?" rinig ko mula kay Nukk. Di ko na nagawa pang tignan pabalik ang kasama at kaswal na lang akong tumango sa suwestiyon nito. Ilang sandali pa ay nag patuloy na kami sa paglalakad. Bago dumiretso sa pag uwi ay niyaya ko munang kumain si Nukk sa malapit na fastfood dahil gabi na rin at para na rin hindi niya na alalahanin pa ang kumain pagdating. Sa ganoong paraan din ay mas makakapag pahinga siya ng maaga. Linggo pa naman bukas at malamang ay may a-attend-dan pa siyang simba kinabukasan. Sandali lang ang naging lakad namin papunta sa fastfood. Hindi naman ganon kalayo mula sa field ang kainin kaya naman ng makarating ay kumuha agad kami ng pwesto sa dulong bahagi ng establishimento. Nang makwesto ay hindi rin naman ako nag abala pang magtagal sa pag order ng pagkain. Eksaktong alas siyete ng gabi ay natapos kami at papalabas na rin ng kainan. May mangilan- ngilang kwentuhan din kaming pinagsaluhan habang tinatahak ang abalang kalsada kung saan patungo sana sa sakayan. "Love, naalala mo ba yung huling workshop? Naaalala mo rin yung guest?" dinig kong tanong ni Nukk na nagpatuon ng atensyon ko sa kanya. "Oo, bakit? Sila Kuya Nico?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD