Chapter 7

2577 Words
Sandaling huminto si Lavinia na paabante na sana. Tila nawi- wirduhan ang reaksiyong binitawan nito sa gawi ko. Salubong ang kilay, bahagyang nakaawang ang mga labi at nangungusap ang mga mata nito na tila sinasabing 'ano bang problema nitong taong to'. Para bang hinintiuan niya talaga ang tinuran ko na iyon upang sagutin din. "Girl, hindi ko alam kung anong lungkot o pait ng buhay ang naranasan mo. Okay ka lang?" tanong nito. Nakuha pa nga ng dalagang ayusin ang nalalaglag nitong buhok. Isinabit niya iyon sa gilid ng tenga nang hindi napuputol ang atensyon sa akin. Doon pa lang, batid ko na na seryoso rin itong malaman ang dahilan ko. "H-hindi... gusto ko lang magpasalamat kasi first day of school, hindi ako nahirapang makahanap agad ng kaibigan. Sa totoo lang wala talaga akong talento sa pakikipag kaibigan. Kung hindi ka lumapit at tumulong, hanggang ngayon baka inaalala ko pa rin kung panong hindi ma- out of place sa klase. Maraming salamat sa iyo," mabilis at depensibo kong tugon. Mahaba-haba iyon pero ni isang senyales ng pagkabagot ay hindi ko nakita sa reaksyon ni Lavinia. Napangiti naman ako roon. Muli ko na namang nasilayan ang kaparehong reaksiyon ng dalaga. Ibinalik niya ang ngiti pero mabilis din napalitan iyon. Sa sandaling ito nga'y mas lumalim pa ang panunulok ng magkaparehong kilay niya. Sa tingin ko, nadramahan siya sa mga sinabi ko, which is totoo naman kung papakinggan. Hindi ba? "Uhmm... Okay? Magda-dramahan ba tayo o papasok sa loob?" nakangising wika ng nag iisang kasama ko. Binalingan ko ito ng awkward na ngiti dahil hindi ko na rin naman alam ang sasabihin kong kasunod. Hindi ko rin tuloy alam kung lalakad na ba kami o ano? Ayoko namang pangunahan dahil hindi pa ako ganon ka-pamilyar sa kainan. Baka mamaya imbis na nag eenjoy kami eh' naliligaw na naman ako't maabala ko na naman tong si Lavinia. "Look, I don't say cheesy things like that... lalo pa't hindi ganon ang personalidad na meron ako. Mas lalong hindi ganon ang kinalikahan ko... but yeah! I appreciate that, Nukk. Uhmm... k-kung hindi mo mamasamain, pumasok na tayo sa loob. Okay na yon, wala ng dapat ipagpasalamat," aniya at kapansin- pansin pa sa tinig nito ang pakikisama ng kaba sa bawat salitang binibitawan niya. Doon pa lang, napatunayan na nga ng dalaga na hindi nga talaga siya sanay sa mga ganitong klase ng talakayan. Well, at least we tried right? Iyon naman ang importante sa akin. Maglalakad na sana ang kasama ko pero muli akong nagbitaw ng salita. "Pero thank you pa rin Lavinia," pagtutulak ko. Mabilis siyang lumingon sa akin at nag rolyo pa nga ng mata. Sa akin, nakakatawa iyon kaya ganon na lang ang bitaw ko ng mahinang tawa. "Osya na! Osya na! You're welcome. Hindi ko rin alam na ganito pala ang makipag kaibigan. Tara na nga sa loob!" Ganoon na lang at muli kong naramdaman ang kamay ng bagong kaibigan sa braso ko. Pagtapak pa lang sa b****a ng kainan, langhap na agad ang amoy ng nilulutong pagkain sa pasilidad. Maya- maya pa nga ay inanyayahan na rin ako ni Lavinia sa isa sa mga upuan doon at agad naman akong sumunod sa dalaga. Hindi naman nagtagal at sinundan kami ng crew at naging abala ito sa paglalatag ng maliit na booklet na naglalaman ng ibat-ibang putaheng itinitinda nila rito. "Kung ako sayo, yung lasagna agad tikman mo. Hindi ka magsisisi," ani Lavinia nang hindi man lang nagagawang lumingon sa direksyon ko. Abala kasi ito sa pag hahanap ng kung ano mang bagay sa loob ng bag. Tulad ng sinabi ng dalaga, sinunod ko ang suwestyon nito at lasagna na nga ang binalak kong kainin. Ilang minuto pa ay natanaw ko na ang crew na papalapit na rito amoy na rin agad yung inorder naming lasagna amoy pa lang mukhang masarap na nga ah. Kasunod nia na ring inihatid ang fruit milkshakes na kasama sa order namin. Strawberry ang flavor na napili ko, mango naman ang kay Lavinia. Kung sa amoy pa lang ng lasagna ay nasarapan na ako idagdag mo pa ang itsura neto kase girl, nanggigitata sa cheese and sauce talaga namang mananakam ka sa presentation na ginawa nila. Kinuha ko muna ang hot sauce na nakahanda sa may tabi para buhusan ng kaunti ang ibabaw neto para mas lalong nakakagana at may thrill kainin. Panalo sa sarap tama nga si Lavinia, halos makalahati ko na agad dahil sa lasa niyang hindi nakakasawa. Ganuon rin si Lavinia nang magawi ang tingin ko sa kanya ay talaga namang kain kung kain siya. Sandali rin naming naubos ang mga drinks namin dahil na rin sa paras na hatid ng hot sauce na yun. Paniguradong mababalik-balikan namin ito. Matapos kumain sandali, tumuloy kami sa loob ng pasilidad at noon nga bumungad sa akin ang napakalawak na bilihan. Kahit saan banda ka tumingin, sasalubong sayo ang tila paraisong lugar ng art supplies. Every artist's safe haven indeed! Pero mas sasaya lang siguro kung marami ka rin pambili ng mga gamit na gusto mo hindi ba? Sa tagal ng pagkakamangha ko sa lugar, hindi ko na napansin ang biglang pagkawala ni Lavinia sa tabi ko. Malamang sa mga oras na ito, nauna na itong maglibot-libot sa lugar. Dahil nandito na rin, kinuha ko ang oras ko upang siyasatin ang lugar. Nagsimula akong pasadahan ang unang estante na nakita ko. Mula sa pwesto, pumili ako ng iilang mga brushes. Hawak- hawak ang ibat-ibang laki ng brushes sa magkabilang kamay, sinubukan kong kumbinsihin ang sarili kung bibilhin ko ba ang mga ito o hindi. Sa pagkakaalam ko, may natitira pa akong allowance at ipon na nakatabi sa wallet ko. Ang tanging humihila lang sakin para hindi bilhin ang mga ito ay ang nakapaskil na presyo sa katawan ng pangpintang hawak ko. Matapos ang ilang sandali, napansin ko na lang ang sarili na bitbit ang brush at patungo na ngayon sa section ng mga sketchbook. Alam ko na kung saan papunta itong ginagawa naming ito ni Lavinia. Nang makapamili na kmi ng mga kailangan, napagpasyahan namin na dumiretso na sa counter upang magbayad. Habang chinenecheck ko ang mga napili ko ay hindi ko napansing may tumama na kung anumang matigas na bagay sa ulo ko, likuran pala ng isang masungit na lalaki. “Ano ba?! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo? Anlaki-laki ng daan oh! Tsk badtrip” aniya na parang panandalian akong nanliit sa kinatatayuan ko. Nagtinginan ang iba pang mga namimili sa loob at para naman akong linta na tumiklop dahil hindi ko alam panong maipagtanggol ang sarili ko. “Hoy! Anong badtrip ka diyan? Hindi ka rin ba tumitingin sa paligid mo? Umuusad po yung pila kuya kung hindi ka kasi busy kakalaro diyan sa cellphone mo, makikita mong umusad na ang pila! Wala ka sa sala niyo. Lakas rin ng loob mo eh parang hindi babae yung sinigawan mo ah” dire-diretsong pananalita ng babaeng kasama ko, pansin mo ang pagkagigil sa itsura niya. Tila parang wala namang narinig ang lalaki at diretso lamang siyang lumakad papalayo. Grabe, bilib na talaga ako sa babaeng ‘to walang inuurungan napakatapang. “Oh ikaw naman, sa susunod huwag mong hahayaang gaganunin ka ng kung sino. Matuto kang ipagtanggol ang sarili mo at ivoice-out ang nararamdaman mo lalo na kung tama” nasermunan pa nga ako, pero nakakatuwa lang na concerned siya sa akin para siyang ate na ipagtatanggol ka talaga nang walang pagdadalawang-isip. Nginitian ko lamang siya atsaka iniabot na cashier ang mga gamit na napili namin. --- Inabot kami ng isang oras sa loob ng bookweb. Pagkalabas namin, pareho na kaming may bitbit na paperbag ni Lavinia at tangan tangan ang mga art materials na nabili sa loob. "Tara kain muna tayo Saan mo gusto this time?" paanyaya ni Lavinia na hindi man lang nagawang tumingin sa akin habang nagsasalita. Abala kasi siya sa paghahalungkat sa loob ng lalagyan ng mga pinamili. Siguro ay chini-check kung kumpleto ang mga pinamili. "Kahit saan, kung saan mo gusto susunod lang ako," mataman kong wika. Ganoon na lang at pumara muli ng tricycle si Lavinia. Dali-dali kaming sumakay sa loob at agad din tinuro ng kasamang dalaga ang destinasyon namin. Malugod na tinanggap ng driver ang direksyong itinuro ni Lavinia. Pagkarating namin sa establisyimento, agad kaming inanyayahan sa loob ng guard. Bumati pa iyon ng magandang gabi at ibinalik din namin sa kanya iyon. Sinipat namin ang pinaka tagong pwesto sa loob ng fastfood at nang makakita ng mauupuan, dumiretso na rin kami agad sa dulong pwesto. Masinop naming inilapag ang mga gamit namin at napansin ko na rin noon ang pag bagsak ni Lavinia sa sariling katawan patungong upuan. "Pahinga muna tayo bago umorder. Pero kung gutom ka na, sige tara na at bumili ng makakain," ani ng dalaga. "Mas maganda kung oorder na tayo. Pagabi na rin kasi at hahanapin nako ng mama ko. Okay lang ba?" Suwestyon ko. Hindi naman ako nabigo dahil sumunod na lang ako nang tumayo si Lavinia para bumili ng makakain namin. Mahaba- haba ang pila kaya inexpect na namin na matatagalan kami sa pagbili. Hindi naman kami nagkamali at habang naghihintay sa pila ay bigla na lamang akong kinalabit ni Lavinia na para bang secret agent kung umaktong bubulong sa akin. “Tignan mo muna ‘yun oh ‘yung sa may kaliwa sa mga alipugpog ‘dun,” panimula niya. “Teka wala pa man natatawa na ‘ko” pambibitin ko sa kaniya. Totoo naman kase eh, sa mga term pa lang ng salita niya eh talaga namang matatawa ka na. “Tignan mo muna kase bago ka tumawa.” Nang makita ko kung ano iyong tinutukoy niya eh tska naman ako tumawa ng paimpit na halos hindi ako makahinga. Tinutukoy niya eh iyong dalawang magkasintahan na kani-kanina lang ay nag-aaway dahil sa ayaw ng babae na sinusubuan siya ng kasintahan niyang lalaki dahil daw nasa publiko silang lugar. Na ngayon naman ay kinukuhanan nila ang kanilang mga sarili ng litrato at sa hindi malamang dahilan ay pareho kaming natatawa ni Lavinia sa itsura ng mga ito. Ilang mga tao pa ng napansin namin ruon, katulad ng mga estudyanteng bigla na lamang nasayaw sa kanilang mga kinauupuan at ang iba naman ay ang paraan ng kanilang pag kain na talaga namang napagkakasunduan naming tawanan ni Lavinia. Matapos ang ilang minuto na pagpansin namin sa mga tao sa paligid, inabot din kami ng trenta minutos bago nakabalik sa upuan. Mabuti na lang, wala namang nawawala sa mga gamit namin. Nagsimula na rin kami sa pagkain na sinundan ng mangilan- ngilan na usapan. Pinasimulaanan iyon ni Lavinia. Aniya, "Saan ka nag aabang ng masasakyan?" "Sa may malapit na paradahan sa amin. Sa may tapat ng isa pang private school bago yung school natin," detalyado kong turan. Tumango lamang si Lavinia habang sinasabayan ng kagat ang malaking burger nito. Maya- maya pa, sinundan ng siil sa inorder nitong coke float. "Ie-expect ko ba bukas na maliligaw ka ulit? Wait, diba binigay ko sayo number ko? Pag naligaw ka sabihan mo ako para naman ako unang tatawa sayo karating mo sa klase," seryosong sambit ng kasama. Hindi naman pangit ang pagkakasabi niya. May kung ano roon sa tono niya na kahit ako ay nakuhang matawa kahit pa seryoso niyang sinabi iyon. I dont know but I think, we really have a good bond. Kahit pa kung tutuosin ay ngayon pa lamang kami nagkikita. "I'll try my best na hindi maligaw. Sana lang nga natandaan ko ang daan, kung hindi wala na akong excuse na masasabi sa Teacher natin. Mabuti na lang talaga at pinatuloy pa ako kanina," wika ko. Nakuha nitong titigan ang reaksyon ko. Ganon na lang at nagkunot noo na rin si Lavinia. Sa tingin ko, hihingi ito ng paliwanag ngunit hindi lang makuhang sabihin dahil sa laman ng bibig nito. "Diba nga nakwento ko kanina, yung papa yata nila yun. Sinakay ako sa tric tapos pinakiusap na rin akong papasukin. Ayun, napagbigyan naman," sambit ko. Mabilis na sinuklian ni Lavinia ng sunod- sunod na tango ang nauna kong paliwanag. Ganon na lang, kinuha ko ang ilang piraso ng fries at marahang sinubo sa bibig ko. Sinimulan ko na ring kainin ang inorder kong burger katulad ng kay Lavinia. Nagpatuloy ang kwentuhan namin ng ilang sandali pa. Matapos ang panibagong trenta minutos, natapos kami sa pagkain at nagpasyang dumiretso na rin sa pag uwi. Kung tutuosin, kanina pa rapat kami nakauwi kung hindi lamang sa aya niya. Hindi ko naman sinasabing nagsisisi ako sa pagsama. Sa katotohanan nga niyan ay natutuwa akong magkaroon ng pagkakataon na ganito sa unang araw ng klase. "Paano? Mauuna na ko? May lalakarin pa kasi ako pero ihahatid muna kita sa sakayan ng tricycle. Mag tricycle ka na lang para hindi ka maligaw sa pag uwi. Baka mamaya umabot ka na ng Pampanga at makalimutan mo na namang pumara," tuloy-tuloy niyang sabi. Sa tono niya ay halatang nanenermon ito ngunit hindi sa nakaka intimidate na paraan. Mahahalata mong concern lang talaga ito. Ang hindi ko lang maintindihan ay minsan may pagka masungit ang tono nito ngunit hindi ko naman nakikita as offending iyon. “Alam mo bang ang bait mo? Kahit na mataray ang datingan mo pati na rin pananalita mo eh hindi ko pa rin makitang nakakainis ‘yon” sinserado kong sabi. “Ano ka ba girl, ako lang to. Ganto lang talaga ko magsalita pero ‘yon tao pa rin naman may puso. “ sabay tawa na isinambit niya. “Mabuti na lang ikaw ‘yung una kong nakilala ngayong first day of school.. “ hindi pa man tapos ang sinasabi ko ay bigla niya na ‘kong hinarangan. “Girl, hindi ako madramang tao kaya huwag mo na ko dramahan diyan. Gets na kita alam kong nagpapasalamat ka lang dahil nakakilala ka ng magnada at mabait na tulad ko ‘no.” aniya na siya namang dahilan upang tumawa kami ng malakas. “Naku! Ewan ko sayo.” Sabay ang paghampas ko sa braso niya at akma namang gaganti siya dahil napalakas ata ang hampas ko. "San ka pala pupunta? Gabi na ah? May lakad ka pa rin?" kuryosong tanong ko. Palusot na rin upang hindi mahampas, mukhang mabigat ang kamay eh. Mabilis siyang sumagot. Wika niya, "Part time sa kanila Lola. Tara na! Gagabihin ka lalo baka masermon ka ng nanay mo!" "Sa tingin ko mas busog ako sa sermon sayo. Ano sa tingin mo?" Sa huli kong sinabi, pareho na lang kaming natawa ng kasama ko. Masasabi ko rin na close na kami dahil nakuha pa ko nitong hampasin sa braso, nakaganti siya roon. Ito na nga yata ang simula ng friendship dahil bahagyang umakyat sa ganoong level ang comfort nito sa akin. Maya-maya pa, nakita ko na lang ang sarili kong kasasakay lang sa pinarang tric ni Lavinia. Nakita ko rin kumakaway na ang dalaga habang nagsisimula ng lumayo ang sinasakyan ko. Sa pagkakaalam ko, medyo malayo-layo pa ang byahe kaya napagdesisyunan kong isaksak muna ang earphones sa cellphone ko para makinig ng kanta. Ganoon na lang din at pinatugtog ko roon ang isa sa pinaka paborito kong kanta ng paborito ko ring mga artist. Sinubukan ko ring ituon ang tingin sa tanawin sa labas habang sinasabayan ang liriko ng kanta. Sa ganoon na pagkakataon, hindi ko mapapansin ang oras ng inilalagi ko sa loob ng sasakyan. Maya- maya lang din, hindi ko mapapansin na nasa tapat na rin ako ng bahay noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD