Paupo pa lang sana ako nang mapansin kong iba na ang nga gamit na naka pwesto sa gilid ko. Kanina lang, natatandaan ko pang kulay itim na backpack ang nakasabit sa likuran ng upuan ng nauunang hanay sa amin. Sa pagkakataong ito, kulay asul na ang huling naka sabit sa upuan.
Itutuloy ko na rin sana ang pag upo ko nang muli kong marinig ang maingay na lalaki mula pa kaninang umaga.
"Sinong nagtago ng bag ko? Ilabas niyo yon. Huwag niyo kong hintayin na manakit!" sigaw ni Kyle na kapansin- pansin din ang pagkuyom ng mga kamao nito.
Hindi naman nagtagal at napunan ng tawanan ang buong kwarto. Isabay pa ang palakpakan ng iilan naming mga kaklase na tila entertain na entertain sa kaganapan sa silid.
Kailangan ko na sigurong masanay dahil tila masiglang klase ang napuntahan ko. Taliwas na taliwas ito sa personalidad na meron ako. Kung tutuosin, tanghali pa lang at pang hapon na ang pagod ko dahil tila hinihigop ng paligid ang lakas ko. Masyadong masaya ang VAS para sa katulad kong introvert.
"Nasaan si Lavinia?! Bag niya tong nasa pwesto ko, eh?!" saad muli ng nag aamok na binata.
"Anong kaguluhan to class? Mr. Tan baka pwede mo iexplain yung unnecessary noise na ginagawa mo?" sabi ng adviser namin na ngayon ay halos kakapasok lang sa lugar. Bitbit nito ang iilang mga gamit na medyo pamilyar naman sa akin.
"Nawawala yung bag ko hinahanap ko lang naman-"
"Kailangan mo bang mag ingay ng ganon Mr. Kyle? Balik sa pwesto!" otoritadong tono ng guro.
Hindi na nagawa pang magreklamo ng binata. Noon din, mabilis itong umupo sa malapit na bakanteng upuan. Ilang saglit pa, may pumasok na pamilyar na mukha ng babae mula sa pintuan.
"Good afternoon Sir, nag cr lang po," walang emosyong tono ng kadarating.
"Osige pasok na. May gagawin tayo, class."
Tulad ng inutos, ganon na nga ang ginawa ng babae. Walang anu-ano'y dumiretso siya sa direksyon ko at saka umupo sa kaninag pwesto ni Kyle.
"Idi-discuss ko muna, after that, iiwan ko kayo para sa activity ninyo na ipapasa rin ngayon," wikang muli ng adviser namin.
Nahawi naman ng atensyon ko ang pamilyar na tinig mula sa katabi kong babae. Agad ko rin itinuon ang pandinig sa kasama.
"So, nakapasok ka kanina? Swerte ah!" sambit ni Lavinia habang inaayos pa ang neck tie nito na kapareho lang ng akin. Maya-maya pa, inayos niya na rin ang nakalaylay na bangs. Nagsalita siyang muli, "Kamusta naman Caceres so far? May friends ka na?"
Pasagot na sana ako kung hindi lamang tila gradwal na tumaas ang boses ng guro sa harapan na ngayon ay kaswal na nagtuturo ng unang gawain para sa araw na ito. Sandali akong nagbalik atensyon sa pisara ngunit maya-maya rin kung ibalik ang tingin sa katabi kong babae. Sinubukan ko na ring sagutin ang huling tanong nito.
"A-Ahh, medyo? Kasama ko kanina yung sila Edward, Tracy at Stefanie nung lunch break. Ikaw? Kararating mo lang?" balik ko.
"Actually nakapasok din ako ng umaga. Pero tumambay lang ako sa library. Wala naman kasing gagawin talaga dahil unang araw pa lang ng pasok," kaswal na wika niya na ngayon ay kayayari lang na ayusin ang itim nitong buhok.
Ganon na lang din at itinuon ko ang tingin ko rito. Segundo lang ang lumiban at binalik ko ang tuon sa lalaking nagtuturo sa harapan. Sa loob- loob ko, napapaisip ako sa huling saad nito. "Akala ko ba walang gagawin pag unang araw? Ano to?" mahinhin kong tono.
"Ahh! Hayaan mo yan si Sir. Kunwari lang yan na ipapasa rin today pero ipapauwi niya rin yan. Don't worry, mabait yan. P-strict lang kunwari," walang emosyong sagot ni Lavinia.
"Pano mo nasabing kunwari lang?" takang- taka kong wika sa naunang impresyon ng dalaga patungkol sa adviser namin.
"Girl? Come on? Syempre may kapatid siya sa loob ng klase. I guess he's leaving a strict impression to his brother... saka siguro para maisip nating mga kaklase ng kapatid niya na wala siyang kinikilingan sa section natin," mahabang tugon ni Lavinia. Nakuha pa nga nitong magtaas ng kilay at magrolyo ng tingin palayo sa akin.
Sa inakto niya na iyon, kung sa ibang tao marahil ay masusungitan na sa kanya. May kung ano naman sa presensya ng dalaga na hindi ko makuhang ma-offend o sumama ang loob dahil sa mataray niyang pagkilos na iyon. Weird? I dont know.
---
Nakalipas ang humigit kalahating oras matapos ang diskursong inilaan ng aming guro. Nasakani-kaniyang mga drafting table kami ngayon hindi kagaya ng naunang inuupuan naming arm chair. Kalilipat lang kasi namin sa katabing room kung saan dito gaganapin ang mga laboratory works o sa mas partikular na tawag na "plates".
Inatasan kami ni Sir Tan na gumuhit ng ilang magkakasunod na kahon na siya namang kukulayan namin ng iisang kulay lamang. Ang kaibahan lang, kailangang maipakita namin sa mga kahon ang pagkakaroon ng pagkakaiba ng degree ng kulay mula sa pinaka malamlam na kulay papunta sa pinaka matapang na anyo ng napili naming kulay.
"Matagal ka na bang nagdo-drawing? Saang school ka ba galing?" narinig kong panimula ng talakayan ni Lavinia.
Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na titigan ang itsura ng dalaga.
"Ahh, malayo rito yung huli kong pinasukan. Gumuguhit nako nung bata pa lang pero hindi ganon kasing husay tulad ninyo," baling ko.
Panay ang pagkahulog ng iilang mga strand ng buhok nito kaya't panay din ang paghawi niya pabalik sa likod ng tenga.
Mahahaba ang pilikmata niya, katamtaman lang ang tangos ng ilong at mayroong nunal sa bandang ibaba ng kanang mata niya. Idagdag pa ang morena nitong balat at mas depinadong tenga. Animo'y kumakaway kahit hindi mo naman kinakausap.
Nakalimutan ko tuloy tanungin kung pano siyang nakapasok? Sa higpit ng guard kanina sa gate, imposibleng pumapasok siya mula sa direksyong iyon.
"Lapastangan ka, nakita ko yon. Nakatitig ka sa tenga ko," panghuhuli niya na siyang ikinagulat ko. Halatang halata pa ang pagkakagulat dahil sa panlalaki ng mata ko sa pagtaas ng boses ni Lavinia. Sinong mag aakalang naglalabas din pala ng emosyon ang boses nito hindi kagaya sa mga naunang tonong binibitawan niya mula kanina.
Nabaling muli ang atensyon ko sa dalaga na ngayon ay parehong mga kilay na nito ang nakasalubong papunta sa direksyon ko. Ganon na lang at unti- unti ng kumawala ang maliliit na bungisngis mula sa labi ko.
"Hindi ko naman sinasadya, eh sadyang kumakaway siya sa akin kaya iyon agad ang una kong napansin," natatawa kong sabi.
Ewan ko ba kung bakit mas magaan ang pakiramdam ko sa kanya kaysa sa mga nauna ko pang mga kasama kanina sa kantina. Para bang mas madali sabayan ang agos ni Lavinia kahit na di hamak na mas malamig ito kaysa sa kanila Edward.
"Oh, maalala ko nga pala," putol niya. Nang tanawin kong muli ang direksyon ng dalaga, napansin ko ang kontroladong hawak nito sa color pencil na dahan- dahan ding dumadaplis sa pahina ng kanyang papel. Nagpatuloy naman siya sa sinasabi.
"Kasama mo yung mga unggoy kanina?" iritadong sambit nito bago muling iharap ang sarili sa akin. Nagtatakang tango ang binitawan ko habang maingat na itinatama ang lapis sa kaparehong medium na gamit ng kasama.
Hindi ko alam kung anong problema sa pagsama ko sa kanila Edward. Ipinagtataka ko rin kung bakit bigla niyang naalala ang bagay na iyon at tila malaking bagay para kay Lavinia ang pangyayaring iyon.
"Sinamahan ka ng mga yon?? Tss, bakit daw?" naiinis na turan ng katabi ko. Halata sa boses niya na hindi niya kasundo ang mga pangalan na binanggit ko kanina lang. Na-curious tuloy ako lalo kung bakit? Ganon na lang din at minabuti kong sagutin na lang ang tanong ng bago kong kaibigan.
"Ahh, hindi ko alam. Kasi palabas na sana ako ng room kaso hindi pa ko nakaka abante sa upuan ko, andun na sila. Nakatayo sa harapan ko. Tapos ayun, na-invite nila ako na samahan sila."
Nakita kong nagkunot ang noo ng dalaga. Suminghal pa ito at saka nagrolyo ng mga mata. Ngayon, nakakasigurado na akong hindi niya nga talaga kasundo yung mga yon.
Magtatanong na sana ako kay Lavinia ngunit natigilan ako nang marinig namin ang malakas na boses ni Sir Kevin. Kababalik lang nito galing sa kung saang lupalop ng school. Hindi katulad kanina na medyo strikto ang dating nito, napalitan iyon ng mas kalmadong awra sa mga sandaling ito.
"Okay class, listen! Start na rin tayo rito sa color wheel. I know walang katapusang color wheel na lang pero wala kayong choice kung hindi panindigan ang art class. Jeremy, pakibasa nga itong unang paragraph," utos ng guro at siya namang sinunod din ng kaklase nga namin na Jeremy daw ang pangalan.
Sa sobrang abala namin ni Lavinia sa pagkukwentuhan at pagdo-drawing, hindi ko na napansin ang ngayo'y nakatirik nang powerpoint sa harapan ng Lab room. Aktong maglalaan na sana ako ng buong atensyon sa diskusyon nang maramdaman ko ang paghila ni Lavinia sa dulong piraso ng uniporme ko.
"Lumapit ka rito, bilis!" ani ng dalaga. Kasabay noon nang naramdaman ko rin ang paglapit ni Lavinia sa tenga ko. Gano ba kaimportante ang sasabihin niya at sa mismong klase pa talaga kung kailan nagdi- discuss na si Sir?
Bulong ng dalaga habang maingat na hinihila ang tenga ko, "Wag ka magtiwala dun sa tatlong iyon. Ewan ko, alam ko wala naman akong pakialam sa mga kaklase ko noon pero basta, makinig ka na lang. Bago ka pa lang dito kaya mas magandang sundin mo na lang ako."
Ganoon na lang at mabilis na bumalik sa pwesto si Lavinia matapos ang kanyang kulang sa detalyeng habilin. May kung ano naman sa sinabi niya na mabilis ko ring pinaniwalaan. Hindi ko alam kung may katotohanan ang sinasabi niya pero mas mabuti na yung handa hindi ba? Ano ba naman ang makukuha kong panganib kung susunod ako?
Isa pa, hindi rin naman ganon kalalim ang impact ng pinagsamahan namin nila Edward dahil kanina lang din naman nila ako nakasama. Idagdag pa na mas matagal na rito ang dalaga kaysa sa akin kaya't maaaring may kakaibang experience siya mula sa tatlo at ibinabahagi na lamang sa akin upang hindi ako mapano.
Nginitian ko na lamang ang dalaga dahil hindi ko rin alam kung dapat ba akong magpasalamat o ano ba rapat na tugon o reaksiyon ang ibibigay ko sa kanya. Binalikan niya naman ako ng diskonseradong tingin at ganon na lang nang ibalik naming pareho ang atensyon sa guro naming nagsasalita sa harapan.
---
Maagang natapos ang klase namin. Wala na ring susunod na subject kaya naman naghanda na ako para sa pag uwi.
Inuna ko ng ayusin yung mga nilabas kong panulat kanina at pati na rin mga notebook. Hindi ganon kabigat ang araw pero sapat lang para mapagod ako. Kung hindi ba naman maiingay at bibo ang klaseng napasukan ko, hindi ako made-drain ng ganito.
Matapos kong ipasok lahat ng gamit sa loob ng bag ko, nagsimula na akong maglakad palabas ng silid.
Tulad ng inaasahan, maraming studyante ang umookyupa sa mga pasilyo. Mabuti na lang, wala akong ganong dalang gamit dahil mahihirapan akong ilabas ang mga yon sa ganito kasikip na daanan.
Parang sa itsura ng building, uwian na rin ng mga iba pang studyante. May mangilan-ngilan akong nakitang nag kaklase pa sa nga katabing room pero mas marami pa rin talaga ang nasa labas na.
Pababa na ako ng hagdan nang makarinig ako ng tinig ng babae. Inasahan ko ng si Lavinia iyon dahil hindi naman ganon kahirap alalahanin ang boses niya.
Huminto ako sa paglalakad at saka nilingon iyon. Tumambad naman sa akin ang napaka astig na dating niya nang aktong hinihila nito gamit ang isang kamay lang ang dulong bahagi ng neck tie at saka niluwas sa kanyang katawan. Sandali pa, iniikot niya ang mahabang bagay na iyon sa kanyang buhok na hawak- hawak naman ng natitira pa nitong kamay.
Parang kanina lang magkatabi pa kami sa upuan, Paano niya nagawang magligpit ng ganon kabilis at saka makarating sa labas ng pasilyo ng ganon- ganon na lang? O baka sa kabilang banda ay ganon lang talaga ako kabagal kumilos?
"Uuwi ka na? Makakauwi ka ba mag isa? Hindi ka maliligaw?"
Natauhan na lang ako nang marinig iyon sa kanya. Kahit papano, sa tingin ko naman ay naaalala ko kung papano ang daan pabalik sa amin. Isa pa, sa tanda kong ito kaya ko namang magtanong tanong sa labas. Naalala ko tuloy ang palaging bilin ni Mama. "Dalhin si Magtanong at hindi si Magtanga."
Hindi pa ako nakakasagot at agad na dinugtungan ng dalaga ang sinasabi. Wika niya, "Maaga pa naman. Tara may pupuntahan tayo!"
Wala na akong panahon noon para tumanggi dahil nakita ko na lang ang sarili ko na hila- hila ng babae. Sa bilis ng paglalakad ni Lavinia, hindi ko na rin nabilang kung ilang estudyante ang nalampasan namin. Sana lang ay wala kaming matamaan dahil sa totoo lang, pakiramdam ko madadapa na ako sa pang hihilang ginagawa niya.Literal na kaladkarin ang itsura ko kasama ang babaeng ito.
"Sakay dali! ...Kuya sa Book Web lang kami ha? Makibaba na lang po roon. Salamat at mabuhay po kayo hanggat gusto niyo!"
Napalingon ako ng mabilis sa direksyon ni Lavinia dahil sa huli nitong sinabi. Takang- taka ako ngunit binalingan niya lamang ako ng nangingising reaksiyon. Ani ko sa dalaga, "Kailangan ba talaga yon?"
Agad itong sumagot kasabay ang alalay nitong pagtulak. "Oo! Bilisan mo na't napakabagal mo. Kung gusto mo ikaw din! Mabuhay ka hanggat gusto mo, Nukk!" Isang beses pa'y narinig ko ang pa-astig na tawa nito.
Pagkatapos itulak sa loob ng tricyle, mabilis din na sumunod si Lavinia. Sumunod pang ginawa nito ay ibinaba ang kanyang bag sa sahig ng motor. Itinuon niya ang sarili sa akin at saka nag babala. Sambit niya, "Baba mo bag mo, baka masilipan ka. Leshe'ng skirt na ito."
Tulad ng bilin ganon ang ginawa ko. Kung susuriin, ang badass ng datingan nitong kasama ko. Hindi ko alam kung magkakasundo ba talaga kami pero heto na kami. Ako pa talaga ang napili niyang kaibiganin eh mukha namang mahilig siya sa mga exciting na bagay habang ako, mahilig lang lumagay sa tahimik.
Di ko agad napansin na nasa sinasabing lugar na kami ni Lavinia. Agad siyang bumaba at saka nag abot ng bayad. Sumunod ako sa kanya at aktong magtatanong sana ng pamasahe ngunit sinenyasan na ako ng babae na huwag ng intindihin ang bagay na iyon.
Muli, naramdaman ko ulit ang kamay niya sa braso ko. Hindi naman masakit ang paraan ng paghatak niya kaya naman hinayaan ko na lang.
"Dito muna tayo sa Humprey. Kain lang tayo saglit kasi nagugutom na talaga ako. Afterwards, ililibot kita sa the best na art center sa loob ng mall," sunod sunod na plano niya.
Tumango lang ako. Ni hindi ko alam kung ano ang maiaambag ko dahil kinaladkad niya lang naman ako sa lakad namin na ito.
"Huy magsasalita ka, baka mamaya ayaw mo pala pwede ka naman tumanggi," muling hirit niya.
"Papano pa ko tatanggi eh nandito na tayo? At saka ayos lang naman. S-salamat sa pagsama mo sa akin, Lavinia."