Tulad ng paanyaya ng guro, dumiretso na rin ako sa loob kasabay niya. Bago pa tuluyang isaro ni Manong guard ang gate ay sumilip pa ako sa huling beses doon sa nakakatandang tumulong sa akin. Nagpasalamat akong muli at sinuklian niya na lamang ako ng magkasabay na ngiti at tango noon.
Nauna nang naglakad ang teacher ko sa harapan kaya't sumunod lamang ako sa kanya lalo na at hindi nga ako ganon kapamilyar sa lugar. Ilang sandali pa, lumiko si Sir sa unang kanto ng building kaya ganon din ang ginawa ko. Higit apat na metro pa ang layo hanggang sa narating namin ang eksaktong lugar ng silid aralan. Pagpasok na pagpasok pa lang ng naunang lalaki sa akin, nagsitayuan ang mga studyante roon at galak na galak na bumati sa kanya.
Huli na rin nang mapansin ko ang komosyong dulot ng pagkukwentuhan ng mga tao sa loob. Maya maya pa, tinawag ako ng guro at inanyayahan ako sa klase. Tumayo ako sa harapan gaya ng pagturo niya roon sa direksyon na iyon.
Ani ni Sir, "May bago kayong kaklase. Transferee siya at sana makasundo niyo si Nukk. I don't want to hear any bullying case and I hope walang ganoong kaso rito sa kwarto na ito. Maaasahan ko ba iyon sa inyo?"
Sabay sabay naman na sumang ayon abg mga studyante at dama ko na rin ngayon ang titig ng nakararami sa kung nasaan ako naroon. Hindi nagtagal, muling nagpatulog si Sir sa pagsasalita at sinabihan akong magpakilala ng sarili sa harap ng magiging kaklase ko.
Ganon na lang at sinubukan kong kalmahin ang sarili ko. Tumagal ng ilang segundo bago ako nakakuha ng ilang mga salita sa dulo ng dila ko.
Panimula ko, "Ako si Nukk Ryleigh Eridio. I know bago lang ako rito pero inaasahan ko na makakasundo kayong lahat."
Matapos ang maikling pangungusap na iyon, narinig ko naman ang palakapakan nila at sa tingin ko naman ay masaya rin sila sa presensya ko. Natigilan naman ako sa pag ninilay nilay nang marinig ang guro ko na magsalita. Itinuro niya ang bakanteng upuan sa tabi noong lalaki. Napansin ko rin ang matagal na pagtitig nito sa akin na naging dahilan ng sandaling kaba'ng bumalot sa dibdib ko.
Nagsimula na akong maglakad patungo roon. Nakatanggap ako ng ilang mga bati mula sa mga kaklase at hanggang sa makaupo, tila hindi ako tinantanan ng malamig na titig nitong lalaking turan ko kani-kanina lang.
Kabado kong inilapag ang gamit ko sa likurang bahagi ng upuan at saka binalik ang tingin sa pisara. Ganon na lang din ang gulat ko nang makarinig ng lalaking tinig. Hinarap ko iyon at sumalubong nang muli ang tingin ng lalaki.
"I'm Kyle! Nice to meet you Ms. Eridio," panimula noong Kyle nga raw.
Sandali akong sumilip sa magkabilang side ko sa pag asang makakahanap ng lakas upang sagutin ang lalaki sa tabi ko. Naglahad naman ito ng palad kaya minabuti ko na lang din na abutin iyon at magbalik ng tipid na ngiti sa kanya.
Pakiramdam ko ay may iba sa lalaking ito. Kanina lang, ang lamig lamig ng titig niya sa akin at ngayon naman biglang friendly siya? May balak ba ito? O hindi kaya isa siya sa mga uri ng studyante na napapanood ko sa mga kdrama? Sana lang ay hindi dahil wala akong kaalam-alam tungkol sa self-defense. Ayokong magkaroon ng magulong senior high life kaya dalangin ko na mali ang iniisip ko tungkol kay Kyle.
"By the way, anong medium ang bihasa ka?" saad ng binata na animo'y normal na tugtugin ang ganong tanong sa kanila.
Wala naman akong naisip na rason para hindi pansinin ang tanong niya kaya sumagot na rin ako. Napansin niya siguro na nagpe-pay attention ako sa binato niyang topic kaya mas lalong naging laan ang tuon nito sa akin.
"A-uhm, charcoal at watercolor. P-pero hindi ako ganun kagaling," tensyonado kong balik dahil pakiramdam ko, sunod na itatanong nitong katabi ko kung maaari ba siyang makakita ng mga obra ko, which is ifo-forbid ko dahil hindi ako ganon ka proud sa mga iyon.
"Patingin nga ako? Dali na, hindi naman kita ija-judge," paalam ng katabi ko at hindi na pinalagpas ang pagkakataon para hilahin ang sketch pad sa loob ng nakabukas ko na ngayong bag.
Hindi ko na sinubukan pang magreklamo dahil hawak niya na iyon. Isa pa, medyo kampante ako.
Maingat niyang binuksan ang unang pahina. Ilang sandali lang ay natulala ito habang matamang hinahawakan ang papel.
"Eh?? Bakit walang laman??" kuryosong tanong ng lalaki. Nang itiklop ang sumunod na pahina ay ganon pa rin ang bumungad sa kanya. Maya-maya pa animo'y binalasa na nito ang hawak-hawak.
"Kabibili ko lang kasi niyan," nangingiting turan ko sa kausap.
Ganoon na lang at ibinalik na nito sa akin ang tangan- tangan niyang pag mamay-ari ko rin.
Magsasalita pa sana ang binata nang parehas kaming magulat sa sumunod na nangyari. Nakita ko na lang na napahawak sa ulo si Kyle at marahas na kinamot-kamot ang parteng iyon.
"Kahit kailan maingay ka talaga. Huwag mong sabihing ginugulo mo na agad si Eridio ha, Kyle?" sambit ng guro namin. Matapos ang mensahe ay nagtungo ito sa direksyon namin at saka pinulot ang binatong paintbrush sa katabi ko.
"Isusumbong kita kay Tatay!" kunot-noong saad ni Kyle na umani naman ng malakas na halakhak sa buong klase.
"Kahit magsumbong ka pa. Teacher mo ako sa school, Kuya sa bahay. I'm in charge in this place okay? Now, behave!" otoritadong utos ng guro namin.
Maya-maya pa bumalik na ito sa harapan at nagsimula nang mag paliwanag ng naiwan nitong diskusyon.
"Kainis, eh! Lagot yan sakin mamaya," siil ng katabi ko na animo'y sinasabi rin sa akin ang reklamo nito.
Ngumiti na lang ako at muling binalik ang tuon sa sinasabi ni Sir Tan.
Pagsapit ng tanghali, tumunog ang bell para sa lunch break ng paaralan. Wala pa akong ganong kakilala ngayon sa unang pasok kaya inaasahan ko na na mag isa akong pupunta sa canteen para kumain.
Bago lumabas ng classroom, inayos ko ang upuan ko at natitirang gamit sa desk. Nang mayari, aktong lalakad na sana ako paalis ngunit napukaw ang atensyon ko sa iilang mga kaklase nasa daraanan ko. Noon din ay nakaramdam ako ng konting ilang.
"Hi! Ako si Tracy! Alam namin bago ka kaya yayayain ka sana namin mag lunch. Kung gusto mo lang naman," malapad na ngiting alok nung Tracy nga.
Sasagot pa lang sana ako nang makarinig na naman ako ng isa pang boses.
"Itu-tour ka na rin namin! Considering new student ka, for sure hindi ka pa pamilyar sa buong school... pero baka isipin mo bullies kami ha kasi out of nowhere sumusulpot kami. Ano, friendly lang talaga saka alam mo yun... Ganda mo kasi girl, pwede matanong ano liptint mo?"
Nakukuha na sana nung lalaki yung loob ko kung hindi lang dahil dun sa huli niyang tanong. Nung una, akala ko lalaki dahil sa sobrang groomed nito at napaka fresh-looking pa. Hindi ko lang talaga inaasahan na tatanungin niya yung liptint keme.
"Hoy Eduardo wag mo namang gulatin bagong kaklase natin! Nagladlad ka naman agad! By the way mare ako si Stefanie, pagpasensyahan mo na tong mga to. Ano? Game? Sama ka samin?" masiglang alok nung Stefanie naman.
Sa taas ba naman ng energy niya, pano akong tatanggi diba? Isa pa, tama naman sila. Wala akong alam sa pasikot-sikot ng school kaya mas mabuting sumama ako sa kanila para naman hindi maulit yung pagkaligaw ko tulad kaninang umaga.
Pagtango ko pa lang, agad ko ng naramdaman ang pag lingkis ng kamay sa kamay ko ni Eduardo raw ang pangalan. Hindi ko tuloy maiwasang matuwa dahil tila ang gaan-gaan lang nila. Parang ang daling pakisamahan at akala mo noon pa nila ako kaibigan.
Pagdating na pagdating namin sa Canteen, tumambad sa akin ang napakaraming tao. idagdag mo pa yung haba ng pila sa bawat retail stalls. Sa itsura ng paligid, mukhang matatagalan kaming makabili nito ng tanghalian.
"May load ba mga ID niyo? Para mas mabilis tayo makabili. Grabe yung pila parang gutom na gutom lahat, anak ng baka naman oh?"
Narinig ko si Eduardo na magreklamo. Akala mo'y stress na stress talaga siya. Ewan ko ba pero natutuwa talaga ako sa kanya. Alam mo yung tipo na siya yung nagpapabuhay sa barkada ganon. Hindi ko masabi kung bakla siya o mahinhin lang talaga. Ayoko rin namang bigyan ng titulo dahil sino ba ako para pangunahan iyon?
"Ako may load. Alam ko na kasing ganyan mangyayari lalo na at unang araw ng pasok. Kaya mahaba yang pila kasi yung mga Grade 11 na walang malay, hindi pa sila aware sa pagloload ng ID. Ayan, hassle na traffic pa," ani Tracy na animo'y pinapaypay pa ang suot-suot na ID.
"Oh? Ang daming sinabi mare? Akin na nga yang ID mo. Ako na pipila. Tignan niyo magbibigay daan yang mga yan sa Dyosa," baling muli ng nag iisang lalaki sa grupo.
Ganoon na lang nga at sabay-sabay kaming naghalakhakan. Alam na alam niyang pasayahin yung grupo kahit sa maliit na paraan lang.
Tatayo na sana ako para sumama sa pagbili. Kung natatandaan ko, binilinan ako ni Mama na may allowance akong pera na nilagay niya sa RFID dahil sinabihan siya ng school na ganoon ang patakaran sa pagbili sa kantina. Mabuti na lang ay hindi ako mahuhuli sa bagay na ito.
Kinalabit ko si Eduardo at mabilis naman akong hinarap ng lalaki. Wika ko, "Sama na ako sayo, para matulungan din kita sa pagbubuhat ng mga pagkain."
"Ay naku hindi pwede! Umupo ka dyan girl. Ang bago-bago mo rito pagmumukhain ka naming alalay? Sh*ta ka, ano kami? Evil Grandparents? Naku, naku! Umupo ka dyan baka masabunutan kita!"
Hindi pa ako nakakapag reklamo, naramdaman ko na ang kamay ng lalaki. Marahan niya akong tinulak para nga sana paupuin. Nagtagumpay naman ito at sinuportahan pa ng mga kaibigan.
Dahil nga nagpresinta na ito, wala na akong nagawa kung hindi ang iabot na lang ang ID para sa pangbayad doon sa pagbibilhan niya. Ilang beses pa akong nagpasalamat dahil sa pagtulong na inalok niya. Tumugon naman ang lalaki na walang abala kuno sa kanya iyon. Nais ka'niyang maramdaman kong welcome na welcome ako sa klase at mas lalong lalo na sa kanilang magkakaibigan.
Mag iisang oras din kaming nakaupo sa isa sa mga kainan sa kantina. Medyo kani-kanina pa kami natapos sa pagkain pero napag pasyahan ng mga kasama ko na manatili muna sandali sa kinauupuan dahil may hinahanap kuno sila.
Alam ko naman kung ano ang pakay nila. Hindi mahirap hulaan iyon dahil maya-maya ang tili ng tatlo sa tuwing may mga dumadaang lalaki sa direksyon namin. Kung alam ko lang, nag bo-boylet hunting tong mga to. Mabuti na lang at hindi ako nainip sa tagal naming nakaupo rito.
Maya-maya lang ay nakarinig ako ng pamilyar na boses. Ani ng lalaki sa baritono nitong timig, "Sakin hindi kayo titili? Nung ako ang dumaan ang tatahimik niyo! Kayo ha? Biased! Mga taksil! Ang haharot niyo!"
"May naririnig ba kayo? Sh*ta girls ang lamig ng paligid! Minumulto tayo!" bidang muli si Eduardo.
"Hoy Edward ikaw pa choosy ha? Baka pag nakita mo tong abs ko matakam ka!" ani muli noong katabi ko kanina sa room, si Kyle.
"Kung ikaw lang naman, magpapakalalaki na lang ako, Kalyo! Ano pare? Mas gwapo pa ko sayo kung tutuosin." Umaktong lalaking lalaki ang boses ng kasama ko.
Noon ko na lang din napagtantong hindi pala Eduardo ang pangalan niya. Ang dali kong maniwala sa kanila Tracy na iyon nga ang ngalan ng lalaki.
"San mo naman galing ang Kalyo? Dahil malapit sa Kyle?? Pero sige nga Dward, kiss mo nga si Stefanie kung kaya mo magpaka lalaki?" hamon ni Tracie sa kaibigan.
Sa puntong iyon ay bigla na lang nanginig sa pandidiri si Edward. Samang-sama rin ang tingin ni Stefanie sa lalaki. Para bang parehas silang hindi payag at nakakasigurong hindi sila tao sa isa't-isa.
"Ikaw na lang kiss ko Tracy mana pa. Magiging babaeng- babae na lang din ako kung ganon," wika ni Stefanie na aktong lumayo pa mg distansya sa kaninang katabi niyang si Edward.
"Feeling mo naman te kikiss kita? Nakakasuka ka, lason! Che!"
Napuno na lalo ng tawanan ang pwesto namin. Napansin ko pa na pati kabilang lamesa ay nakikinig na rin sa asaran ng mga kaklase ko. Mukhang kahit sila, nag eenjoy sa nakikitang lokohan.
Hindi ko naman namalayan na kinalabit na pala ako ng bagong dating lang na lalaki. Kasabay na rin nitong iniangat ang kamay sa harapan ng mukha ko at sa iwinagayway ng marahan iyon.
"Huy! Kumain ka ba? Parang gutom ka ah?" panimula nito.
Naririnig ko pa rin sila Edward na nag aasaran pero hindi na nga lang malinaw dahil natuon na ang pansin ko rito sa bagong dating.
Tumingala ako at saka pa lang sinagot ang lalaki. Wika ko, "Ahh, oo. Katatapos lang."
Sinuklian ni Kyle ng paibabang kurba sa labi ang sinabi ko. Para bang ibig sahihin noon ay naniniwala ito.
"Ano nga ulit pangalan mo?? Or ano na lang, anong name mo sa sss? Add kita," bakik niya. Sunod-sunod ang tanong ngunit walang bahid ng kaba. Sa tono niya ay tila interesadong interesado talagang malaman ang mga personal na impormasyon ko.
Sa wari ko naman nakikipag kaibigan lang talaga siya katulad ng mga kasama ko ngayon. Dahil doon, kahit papano naisip ko na hindi naman pala ganong nakakatakot ang lumipat ng school. Siguro rin sinuwerte lang ako dahil sadyang palakaibigan ang mga naging kaklase ko ngayon.
"Hoy Kyle! Tumalikod lang ako saglit nililigawan mo na si Nukk. Wala ha? Wala kang ibibigay na f*******: name dyan, Nukk. Jojowain ka niyan. Tirador yan!"
"Dun ka na nga Edward! Daldalin mo sila Tracy, may sarili kaming usapan dito!"
"Ikaw ang umalis, Kyle. Kabago-bago ni Nukk bibiktimahin mo? Kaya ka nabato ng paintbrush kasi haliparot kang lalaki ka," balik ni Edward na ngayon ay aktong nagtataas pa ng kilay.
Sa pagkakataong iyon, mas maraming mga mata pa ang nahatak nila sa kantina. Sa sobrang lakas nilang magsalita, halos lahat na ata ng studyante sa lugar ang nanonood sa kanila. Ang iba ay natatawa rin habang ang iba naman ay sadyang nakikinig lamang.
Malakas tuloy ang pakiramdam ko na kilalang-kilala tong mga kasama ko dahil malimit ko ring marinig mula sa iba pang mga studyante ang mga pangalan nila Edward. Siguro, mga famous to rito sa Nueva Caceres. Medyo natakot yata ako dahil ayoko ng maraming atensyon.
Hindi nagtagal at lumaki ang asaran nila. Mabuti na rin dahil hindi na napukol pa sa akin ang atensyon nitong si Kyle. Kahit papano, hindi ko aalalahanin ang pangungulit nito kahit na pa hindi naman din ganon kalala.
Sandali lang at tumunog na rin ang bell. Sa hudyat noon, isa-isang nag alisan ang mga estudyante sa kantina. Bumalik na rin kami sa klase pero bago iyon, dumaan muna kami sandali sa palikuran. Hindi rin kami nagtagal sa loob dahil tila salamin lang naman ang pinunta namin sa lugar.
Matapos noon dumiretso na kami sa silid para hintayin ang susunod naming klase. Mahaba-haba ang araw, sa wari ko.