Chapter 4

2553 Words
2 Years Earlier  Ala-sais ng umaga at abala ako sa pag aayos ng mahabang tali sa kwelyo ko. Nakaharap ako sa malaking bahagi ng kwarto na siyang nagbabalik ng sarili kong repleksyon. Ilang minuto rin ang nilagi ko sa pwesto para lang maiayos ng husto ang necktie na kumukumpleto sa uniporme ng bagong paaralang papasukan ko. Nang mayari, pinasadahan ko ng tingin ang unipormeng suot-suot ko ngayon. Hindi ganon ka-presentable ang tie pero pwede nang pagtyagaan. Ayoko naman'g abutin ng alas otso pasado. Tatawid na sana ako sa kabilang direksyon ng kwarto ko nang marinig ko si nanay na nagtatawag. Wika niya, "Bilisan mo ang kilos Nukk at baka maiwan ka ng daddy mo. Isasabay ka lang niya sa daan at ibababa ka sa terminal!" Kahit pa malayong banda ng tahanan, dinig ko agad ang malakas na tinig ni nanay. Sa wari ko'y abala rin siya sa paghahanda ng agahan namin gayong hindi niya pa ako binibista rito sa kwarto para tulungang mag ayos ng mga kakailanganin ko. Although I know, na hindi naman na necessary iyon lalo na sa edad ko, tila nakasanayan ko na kasi ang madalas na pag giya ni mama sa akin tuwing may mga ganap ako. "Bumaba ka na riyan at mag aagahan na! Pagbilang ko ng tatlo, Nukk! Isa-" Ni hindi ko na nagawang patapusin si nanay sa pagbibilang dahil agad ko itong binlingan ng sagot. Ani ko, "Nay naman, pag nagbibilang ka lalo akong bumabagal sa ginagawa ko. Susunod na rin po ako. Mag aayos na lang ho ako ng gamit." "Osiya! Bilisan ang kilos!" Unang araw ngayon ng pasok ko at bukod sa kinakabahan ako dahil wala akong kakilala, kabado rin ako dahil hindi ako sigurado kung paano mag commute papunta sa unibersidad. Bago bumaba sa hapag kainan, sinigurado ko munang nailagay ko ang mga gamit na esensyal para sa unang araw ng klase. Nang masiguro'ng wala na akong anumang nakalimutan, tinungo ko ang lugar kung nasaan sina Nanay. "Halika na saluhan mo kami ng nanay mo. Kanina pa ito hindi mapakali. Parang atat na atat na paalisin tayo sa bahay nak ko," bungad ni Daddy na ngayon ay ngisi ngisi pa habang tinataas ang tasa palapit sa labi nito. Maya-maya pa at nakatanggap ng hampas sa braso mula kay nanay. "Halata nga ho na excited tayo paalisin dade, siguro nagsawa sa pagmumukha natin," sambit ko naman at saka inilapag ang bag sa katapat na upuan ko. "Aba'y akala ko aabutin kayo ng siyam-siyam, eh. Naayos mo ba mga gamit mo? Sigurado kang walang nalimutan? Siguraduhin mo Nukk dahil hindi namin maihahatid sa school kung sakali man. Alam mo naman na hindi pa tapos mag ayos dito sa bahay-" "Ma, good morning! Kalma ka lang muna, aga-aga eh alalang-alala agad. Naayos ko na po lahat at wala po akong nakalimutan," sambit ko. "Osige na! Kumain na kayo nang makalakad na kayo. Mamaya eh, late na kayo sa mga pasok niyo," strikto ngunit may bahid ng lambing ang tono'ng iyon ni nanay. Hindi naman nagtagal at pinagsaluhan namin ang niluto ni mama. Sa pagitan ng almusal ay nagagawa rin naming isingit ang maliliit na kwentuhan. Noon pa man, iyon na ang nakagisnan kong senaryo sa tuwing magkakasama kaming pamilya sa kusina. Tuwi-tuwina rin kung magbato ng mga biro si daddy kaya napupunan ng tawanan ang hapag hanggang sa natapos kami. As soon as everything's settled, daddy and I decided to go. Tinulungan pa ako ni Papa sa pagbuhat ng bag ko na intended para sa mga libro ko. Habang talan-talan iyon ay nakuha pa niya akong ipagbukas ng pinto. Dad has always been like this. He never fails to make me feel like I am his precious gem. Tila prinsesa nga kung tutuosin. If ever the time will come though, I will choose a guy who will not fall far from my dad's characteristics. Sa tingin ko ay mahihirapan akong abutin ang standard na iyon lalo na't nag set masyado si Papa ng mataas na standard para sa makakatuluyang kong lalaki. Nevertheless, it is a good thing that I value myself that much, for me to consider such a high standard. Hindi ko naman napansin na nasa terminal na nga kami ni Papa. Narinig ko na lamang siya na magsalita na siyang kinagising ng diwa ko. "Oh nak dito na lang kita ihahatid ha? Hindi na kita masasamahan sa pag aabang kasi baka mahuli rin ako sa trabaho ko. Basta jeep papuntang plaza lang ang sasakyan mo. Jeep lang ha?" pag uulit ni Papa habang tinutulungan ako sa pag kakalas ng seatbelt. Tumango-tango na lang ako noon at saka nagsimulang maglakad patungo sa grupo ng mga estudyante na nakaabang sa shed. Nakita ko pang kumaway si Papa mula sa bintana ng kotse kaya naman ganoon din ang ginawa ko. Ilang sandali pa, unti-unti ng umandar ang sasakyan ni Papa palayo. Mula sa kinatatayuan ko, hindi ko napigilang ma-out of place lalo na't halos lahat ng kasama kong studyante na ang aabang ay may kanya-kanyang mga kausap. Damang dama ko ang pagiging transferee student sa mga oras na ito kaya naman minabuti ko na lang na ilabas ang earphones ko para makinig ng musika. Hindi ko pa man nagagawang isaksak ang chord sa cellphone ko ay saka naman pumarada ang tatlong tricycle sa harapan namin. Noon din, isa-isang sumakay ang mga studyante'ng kapareho ko ng uniform. Sa wari ko'y mga sundo nila iyon. Walang anu-ano'y sumakay sila roon at naiwan akong mag isa sa kintatayuan. May kung ano naman sa pagkakataong iyon na ikinatuwa ko pa na ako na lang ang naiwang mag isa sa terminal. Para bang nabunutan ako ng alalahanin dahil hindi ko na mararamdamang loner ako sa mga oras na yun. Hindi naman nagtagal at may dumating na ngang jeep at dali-dali rin akong sumakay. Pagpasok ko, isa-isangn nagsi diretso ng upo ang mga pasahero. Nang makasipat ng pwesto, tinungo ko agad ang gitnang bahagi ng sasakyan. Inilabas ko rin agad ang bayad mula sa bulsa ng vest ko. Nang magkaroon ng pagkakataon ay naglakas loob ay hinabaan ko ang kamay hanggang sa kaya ko lamang abutin at noon din'y nagsalita ako tulad ng nakagawian. "Manong, bayad. Nueva Caceres po, isa lang, estudyante po," alertong sambit ko habang iniaabot ang barya sa isa sa mga pasahero. Sumagi rin naman sa isip ko kung saan banda ba ako bababa. Sinubukan ko pang memoryahin iyong huling beses na nagpunta kami nila Daddy sa paaralan. Kung tama ang pagkakaalala ko ay sa mismong plaza lang din naman yata iyon? Ganon na lang at napatingin ako sa orasan. Alas syete pa lang naman, kung sakaling maligaw ako ay may isang oras pang natitira sakin para maghanap ng daan at pati na rin ng building. Wala akong ideya kung saan ako nakakakuha ng lakas ng loob ngunit bahala na. Hindi pa man nakakalayo ang jeep, muli itong huminto at noon din, sumakay ang isang babae na kapareho ko lang ng uniporme. Sa sandaling iyon ay tila nabuhayan ako ng loob dahil magkakaroon ako ng guide lalop a't hindi ko alam kung saan ako saktong bababa. Naplano ko agad na sa oras na bumaba ang babae, susunod ako sa kanya at boom! Hindi na ako maliligaw. Kung hindi ba naman ako matalino sa lagay na iyon diba? Just kidding. Matapos noon, muli kong binalik ang atensyon sa naiwang gawain. Agad kong isinaksak ang earphone sa magkabilang tenga ko ganon na rin ang dulo ng kable papunta sa cellphone. Maya-maya pa, isinunod ko na rin ang random na pag play ng kanta mula sa gadget. Hindi ko na nagawa pang pansinin ang iba pang detalye ng mga pangyayari sa jeep dahil natuon na ang pansin ko sa musikang dumadaloy sa magkabilang tenga ko. Sa kabilang banda, nagagawa ko pa rin namang makipag partisipa sa tuwing may nalalapit na pag aabot ng bayad sa direksyon ko. "May bababa ba sa Palengke? Lampas na tayo ng Plaza" Sa ingay ng paligid, hindi naging malinaw sa akin ang tinuran ng driver kaya naman pinagwalang bahala ko na lang. Nakita ko naman na lumingon yung babae sa direksyon ko na tila takang taka rin. May hindi ba ako napansin bukod sa tinuran ng driver? Ilang minuto pa ang lumipas, tarantang sumigaw ang babae at saka nagmadaling bumaba ng behikulo. Ganon na lang din at mabilis akong tumayo sa kinauupuan at saka sinundan ang dalaga. Pagkatapak ko pa lang palabas ng jeep, narinig kong magsalita ang babae. Aniya, "Bakit hindi mo sinabing plaza bababa miss? Hays! Late na tayo pareho!" Agad naman akong tumugon, "H-hindi ko alam na ganon. S-sinusundan kasi kita, bago lang ako rito. Pasensya na ate." "Anong ate ka dyan? Sandali nga patingin ng ID mo, anong grade ka na ba?" Hindi ko na nagawa pang sumagot dahil mabilis niyang inabot ang lace ng pagkakakilanlan ko. I even read her lips while silently reading my name in the card. Maya-maya pa't nagpatuloy ito. Aniya, "Wait? Magkaklase lang tayo pero hindi kita kilala. Oh shoot! Transferee Student ka?" "A-uhm, oo sabi ko nga kanina bago lang ako. So Grade 12 VAS ka rin?" "Malamang, magkaklase nga tayo eh. By the way, I'm Lavinnia... anyways, kung ako sayo, umuwi natayo at mag skip na lang ng ng first day. Or better yet, half day na lang. Hindi na rin naman tayo papapasukin sa gate dahil 30 minutes before time, eh sinasara na yung gate," mahabang pagpapaliwanag niya. "Uhm, hindi pwede eh. Mapapagalitan ako ni Nanay pag nalaman niyang late ako sa unang klase. Susubukan ko na lang pumasok," alangang sagot ko ngunit bininyagan niya lang ako ng diskonseradong tingin. Ilang sandali pa, lumingon ito sa likuran niya ngunit mabilis din namang ibinalik sa akin ang tingin. Sa mga sandaling ito ay pinaplano ko ng magpaalam para maghanap ng masasakyan papunta sa paaralan. Natigilan lamang ako nang magsalita itong muli. Wika ni Lavinnia, "Hindi na kita pipilitin. Mukha namang isa ka sa mga masisipag na studyante at hindi madaling mademonyo ng tulad ko." Binalikan ko lamang ng pasalamat ang wika niya ngunit muli nitong tinuloy ang sinasabi. Aniya muli, "Sigurado ako wala ka pang kaibigan, wala rin akong kaibigan pero kung iko-consider mo, ito yung number ko. Kung maliligaw ka ulit tawagan mo ko. Mauuna na ako Nukk, tama ba bigkas ko? Basta, kitakits na lang Eridio." Hindi pa man ako nakakatugon ay nagdire-diretso na ang babae sa paglalakad. Ni hindi man lang nito ako nilingon muli kaya naman sumigaw na lang ako at nagpasalamat. Kakaiba ang paraan niya ng pakikipag kaibigan pero hindi na masama. At least, may matuturing na akong kakilala. Isa pa, sinong mag aakala kung gano kaliit ang mundo at kaklase ko pa talaga ang makakasalamuha ko sa umagang ito? --- Ilang sandali na rin akong naglalakad-lakad at ni isang jeep o tricycle ay wala akong namamataan sa lugar. Nagsisimula na rin akong mataranta dahil bukod sa late na ako, may posibilidad pang maligaw ako ng tuluyan at pati pag uwi sa bahay ay mahirapan ako. Mabuti na lang at natanaw ko ang isang lalaking nasa kaedaran siguro ni Daddy. Naglilinis pa iyon ng tricycle kaya naman naisip ko na baka namamasada rin ito tulad ng mga tric kanina sa terminal. Nang makalapit-lapit ako, hindi na ako nag sayang ng oras at agad ko siyang tinanong. "Manong dito po ba yung sakayan papunta sa Nueva Caceres?" "Ay naku! Sa kabilang likuan pa iyon ineng! Mukhang huli ka na sa klase, sa pagkakaalam ko mahigpit ang school mo sa mga late. Bago ka lang ba rito?" ani ng matanda na nangangamot pa ng ulo dala ng pag aalala para sa akin. "Opo Manong, bagong lipat lang ho kasi kami rito kaya hindi ako pamilyar sa lugar. Isa pa po, transferee student po ako," baling ko sa kausap. "Kung gusto mo, isabay na kita dahil doon din ang punta ko. Nag aaral kasi roon ang anak ko at sa lahat ng dapat maiwan, yung ID pa. Ano sa tingin mo nak?" Hindi na nagtagal pa ang usapin namin at kaagad na akong pumasok sa loob ng tricycle ni Kuya. Noong una'y nag alangan akong sumakay dahil baka singilin niya ako ng doble'ng pamasahe. Hindi naman ganon kalakihan ang baon ko ngunit mabuti na lang at nilinaw niyang hindi siya humihingi ng bayad. "Manong maraming salamat po ha? Pasensya na po at nakaistorbo ho ako," sambit ko habang sinisilip ang kausap mula sa maliit na awang ng behikulo. "Naku, wala iyon. Ano ba naman ang kaunting tulong sa umaga, hindi ba?" balik ni manong habang sumisilip din ang maliit na kurba sa gilid ng mga labi nito. Bilang tugon ay ibinalik ko ang ngiti kahit na pa hindi iyon napansin ng kausap. Sa maikling byahe ay narating namin ang paaralan. Minabuti rin ni Manong na ituro sa akin kanina ang shortcut kung sakaling magkaroon ng pagkakataon na maligaw na naman ako ng jeep sa kaparehong pinagbabaan ko kanina. Agad din akong nagpasalamat sa oras na makababa ako ng tric. Sa gualt ko pa, hindi pa roon natatapos ang pagtulong ni Manong. Sinamahan niya akong lumapit sa guard at saka nagpaliwanag ng kinahinatnan ko kanina. "Pare, baka pwede mo na palampasin tong studyante natin dito, bago lang kasi sa lugar at naligaw papunta rito. Ano sa tingin mo?" "Naku, mahigpit kasing bilin na bawal talaga magpapasok ng mga huli na sa klase. Pasensya na ho manong," balik ni Kuya Guard kay manong. Sa sandaling marinig ko ang tugon ng mas batang lalaki ay nalungkot agad ako. Magpapasalamat na sana ako ulit kay Manong nang muli akong gulatin nito sa sumunod niyang ikinilos. Bulong niya, "Wag kang mag alala. Makakapasok ka nak ko." Kinuha niya iyong de-pindot na cellphone niya at aktong tumipa roon. Maya-maya pa't may kausap na ito sa telepono. Wala akong nagawa kung hindi maghintay habang suot-suot ang malapad na ngiti sa mga labi ko. Wala akong ideya kung anong kabutihan ang nagawa ko nitong mga nakaraan apara makatanggap ng ganitong tulong. Hulog ng langit itong si Manong. "Nak, si Tatang ito. Baka pwede mo akong babaan dito saglit. Ikaw na mag abot sa kapatid mo ng ID at wallet niya," ani manong. Narinig ko naman ang tinig sa kabilang linya. Hindi kalakasan ngunit sapat para mapansin namin. "Osige tay, papunta pa lang naman ako sa klase ko. Malapit lang ako sa gate hintayin niyo ako," wika noong nasa kabilang linya. Di nagtagal at may naglalakad na nga mula sa loob ng pasilidad. Segundo lamang ang pagitan at tila iniluwa ng entrada ang isang lalaking pang propsyonal ang kasuotan. Idagdag pa ang malinis na pagkakahawi ng buhok nito sa gilid. "Oh nak, ito yung gamit ng kapatid mo. Idaan mo na lang kay Kyle. At saka pala, baka pwede mo tulungan tong studyante mo. Transferee student kanya naligaw sa pagpasok. Ayos lang ba iyon?" Nagpatuloy pa nga sa pagsasalita si manong na siya namang binalingan ng sunod-sunod na tango ng guro. Sinong mag aakala na may anak na teacher si Manong sa Nueva Caceres? "Teka lang, anong strand mo anak?" mabilis na tanong ng lalaki na siyang ikinakaba ko. "S-Sir, Grade 12 VAS po, transferee student. Sorry po talaga Sir hindi pa po kasi talaga ako pamilyar dito. Kailan lang kami lumipat-" "Oh! Ikaw yung bagong studyante ko?? Now, I understand. Buti na lang at si Tatang ang nakakita sayo. Halika na sa loob!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD