Chapter 3

1662 Words
The event is about to start and we are all gathered in the lobby of the gallery. Marami ng tao sa loob at may iilan na ring media ang nasa paligid. Nasa tabi ko ngayon si Lavinia at tulad ko, kabado siya sa gabing ito. It isn’t just nervousness. If I am being honest; this feeling is more of a tension.  Earlier, Lavinia and I talked about Kyle’s plan. Hindi na sorpresa sa aking kung ngayong gabi niya gagawin ang sinasabi niyang plano. Hindi rin malayo na gawin niya ang ginawa ko noon. This is the perfect time to sabotage me especially there are lots of cameras everywhere. Natigil naman ako sa malalim na pag iisip nang tapikin ako ng katabi sa braso. It was Lavinia. Noon ko lang din napansin na may papalapit na media sa direksyon namin. Pansamantala, isinantabi ko muna ang problema tungkol kay Kyle. Tulad ng inaasahan, nagpang-abot kami ng babae mula sa media kasama ang cameraman nito. Nagpaalam pa ito sandali kung maaari akong kunan ng isang interview at hindi naman ako nag dalawang isip na pumayag. Hindi nagtagal at sumenyas ang kasama niyang lalaki sa pagsisimula ng take sa film. “Good day, Ms. Eridio. It’s nice to finally meet you po. I am a fan of your artworks and as well as your organization,” panimula ng babae. Nang bahagya siyang pumihit pakaliwa ay nakita ko ang name plate sa dibdib nito. May nakasulat doon na pangalan so I assumed she is Jessica. “Oh, thank you. I’m happy to see you here as well and all of our guests here in Arkin’s Gallery,” casual na bati ko. Nagtuloy-tuloy ang ang usapan namin tungkol sa ibat-ibat topic. Kalimitang itinatanong niya ang status ng career ko at pati na rin ang vision ng organisasyong itinatag ko. Natapos iyon sa loob lamang ng ilang minuto. I guess that’s a decent take as there are other interviewers who wish to have their turn too. Sunod-sunod ang paglapit ng iba pang nasa larangan ng pagpapahayag. Kabi-kabilang mga tanong din ang sinagot ko sa mga ito at karamihan ay pare-pareho lang naman. As much as I want to end it all here, I kept patient at the moment. Nang matapos ang lahat, mabilis akong bumalik sa puwesto kung nasaan ang mga kasamahan ko.  “Busy naman ni Ms. Eridio. Muntik ka ng hindi binalik sa amin, ah?” pang-aasar ni Lavinia sa akin. May hawak siyang wine glass at lulan noon ang hindi kilalang likido sa akin. She’s having a good time already huh?  “Maaga pa, ah. Hindi ka pwedeng malasing agad. We need to be alert Lavin ha?” nag aalalang sabi ko. Sinuklian niya ako ng sunod-sunod na tango. Ilang sandali pa, nakarinig kami ng malaking tinig ng lalaki sa gawing harapan. Hudyat ng pagsisimula ng introduksiyon para sa event na ito.  “A pleasant day to everyone. We are gathered here to witness the great works of Arkin’s gallery. This exhibit is in partnership with Pag-asa at Dunong. May we call on the great mind behind these stunning works, Arkin Organization’s Founder, Miss Nukk Ryleigh Eridio. Let’s give her a warm hand, everyone” After that long intro, I maneuvered myself in front of evreyone. I stood and admired the view of the seas of people. Sa ilang beses ko ng naranasan ang ganitong pakiramdam, tila naninibago pa rin ako sa itsura nito. Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari ang lahat ng ito. It still looks like a dream to me. It is an amazing sight but I guarantee that I deserve less of all the attention I’m receiving all the time. “Please give us a word Ms. Eridio,” baling ng emcee sa tabi ko. Nginitian ko ito bago ibinalik ang atensyon sa mga tao sa harapan ko. Sa eksaktong oras, nakaramadam ako ng kaba tulad ng kalimitang nararamdaman ko sa tuwing tumatayo sa harapan ng maraming tao. Bagamat kabado, pinilit kong alisin iyon sa sistema ko.  “First, I would like to acknowledge everyone who managed to come all the way here to see our works. Second, I thank my team for giving an excellent hard work. This event is not possible if it’s not with the help of our partner Pag asa at Dunong. Everyone, please enjoy the scenes.”  Kasunod noon ang palakpakan ng maraming tao. Nanatili pa ako sandali sa kinatatayuan at nang mapansing ang pag galaw ng mga tao, doon ko lang binakante ang lugar. Nagtungo ako agad sa direskyon nila Lavinia. Halfway there, I was interrupted by this manly hand in front of me. I froze at the exact moment. My heart is racing and as each minute passes by, I find it difficult to breathe. I still have no idea who it is but relying on its appearance, I know someone who has the same physique as his.  “Enjoying the spotlight, Nukk?” It was him. I can clearly tell who it was. Pamilyar na pamilyar ang boses gayong kailan ko lang ito muling narinig. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. “K-Kyle???” “Nagulat ka yata? Kalma ka lang muna,” sambit niya. Kumpara sa nakilala kong ngiti niya, iba ang porma nito ngayon. Nakaramdam ako ng kaba at takot sa sandaling iyon. Hindi ako dapat magulat sa presensya niya tulad ng sinabi ko kanina. I already expected this to happen yet here I am being ghosted from my past. Maya-maya pa, naramdaman ko na may humawak sa may braso ko. “Not here, Kyle. This isn’t Nukk’s dreams you’re going to ruin right here,” rinig kong bulong ni Lavinia. Tinawanan lamang iyon ni Kyle. Mabuti na lang at walang nakakapansin sa amin. Sa ngayon wala pa. Iniisip ko pa lang ang gagawin ni Kyle, nahihirapan na akong huminga. I know his plan. He wants to humiliate me in front of my team and my supporters. What’s even worst from that? Malinaw na sinuot niya mismo ang damit ng karma sa harapan ko.  Sumagot siya, “As if maniniwala ako sa inyo. You deceived me once. It is not surprising if you’re also using these people for your own interest Nukk!” Tulad ng ikinakatakot ko, Kyle dropped the bomb right there and in a few more minutes, we are expecting damages in and out. He said it out loud, enough for most of the guests to hear it. “That’s right everyone. You heard it right,” Kyle said. His voice shows a hint of disappointment and hate. It didn’t take long until I heard silent murmurs around us. Tila epidemya itong madaling kumalat sa lugar na pinagdadausan namin. “This person right here deceived me for her selfish dreams. She publicly displayed my artworks and claimed it as hers. Isn’t it the same way for you, guys?” direkta niya iyong sinasabi sa mukha ng mga kasamahan ko sa org. Hindi nagtagal at mas lumakas pa ang bulong-bulungan sa loob ng gallery. Sari-saring mga mata na rin ang nakadikit sa akin at bakas sa mga yon ang ibat-ibang emosyon. Most of them expressed a look of disgust and hate. Ang kaninang tila masayang panaginip ay napalitan ng malaking bangungot. It just happened that the nightmare visited me in reality. “Totoo ba ‘yon, Ms. Nukk?” dinig ko mula kay Ryzza. From the looks on her face, her expression is barely readable.  Tila punyal na pwersahang tinusok sa dibdib ko ang mga salitang iyon. Someone must tell him it isn’t my intention to wreck someone’s dreams again. Kailan man ay hindi ko naisip na gawin iyon sa mga taong pinagkatiwalaan ako sa organisasyong ito. “That’s not true...” “Sus! Ginawa mo nga sa akin na boyfriend mo, eh! What more sa mga hindi mo naman talaga kaano-ano?” pagkontra ni Kyle sa akin. Samo’t-saring reaksyon ang narinig ko matapos ang rebelesyong iyon ng lalaki. That’s it. I think, that’s the end of me. Kusa ng tumulo ang mga luha sa mata ko. Sa bawat segundong lumilipas, mas nagiging mahirap para sa akin ang makakita sa lugar na ito. Gusto ko sanang tumakbo palayo pero nanigas na ang katawan ko sa pwesto. Wala akong nagawa kundi hintayin at salubungin ang mapang husgang mga tingin ng tao sa paligid ko. May mga iilang boses akong naririnig na siyang mas ikinakasakit ko. sa loob-loob ko, hindi dapat ako umiiyak at nag aaktong tila biktima sa pangyayari. You reap what you saw and this is exactly what I am experiencing. Panahon na para anihin ang resulta ng maling desisyon ko noon. Tama, wala akong karapatang masaktan. “I-Im sorry...” nanghihina kong sabi.  Ganoon na lang at mabilis na kinontra ni Lavinia ang sinabi ko. Aniya, “Bakit ka nagso-sorry Nukk?! Hindi mo kasalanan na punong-puno ka ng imagination at hindi ka sobrang blessed sa pag e-execute ng mga obra mo.” Naiwan akong nakanganga sa sinabi ng matalik kong kaibigan. Maya-maya pa ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na silipin ang paligid.  Lavinia pushed Kyle this time. She stood up for me and I don’t know how to react at the moment. Sa bilis ng pakpak ng balita, lahat ng mata ay nakapako na sa amin. Mas umigting ang bulungan sa bawat sulok. “Hindi ba’t ikaw naman talaga itong magnanakaw ng gawa Kyle?! Kamay lang ang meron ka pero wala kang imagination. Don’t come here accusing Nukk as an art theft when it is actually you who did that in the first place.” “A-ano? A-ko magnanakaw? You just heard her, right? She said sorry for stealing my works, Lavinia!” Kyle counter-attacked. Hindi naman natinag ang kaibigan ko rito. Ang sumunod na sinabi niya ang siyang ikagulo ng utak ko. I didn’t even know that... “She said sorry because you gaslighted her Kyle. Gusto mo bang i-expose ko lahat iyon dito? You are more than a thief Kyle!”  Those are Lavinia’s last words.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD