Chapter 5

1803 Words
Nagmamaneho si Jacob sakay ng kanyang Maserati luxury car kasama ang kanyang girlfriend na si Sandra, patungo sila sa condo nito, medyo nakainom na din kasi ang dalaga kaya’t minabuti niyang ipagmaneho nalang ito. Habang nagmamaneho ay hindi niya maalis sa kanyang isipan ang kwintas na suot ni Cali, alam niyang pamilyar ito sa kanya nang biglang sumagi sa isip niya noong gabi na siya ay lasing na lasing at para bang may mga alaala na bumabalik sa kanyang isipan. Naalala na niya na ang kwintas ay katulad ng suot ni Sandra, nakita niya iyong suot nito noong gabi ng anniversaary ng kumpanya na naglasing siya dahil buong akala niya ay iiwan na siya nito. Pupunta na ito ng ibang bansa dahil sa may offer ito na maging super model sa isang kilala at sikat na brand, ngunit laking pasasalamat niya ng hindi ito tumuloy. Hindi pa siya nakakapagpasalamat dito ng maayos dahil naging busy siya pagkatapos ng anniversary party ng kanilang kompanya kaya’t ngayon niya naisip na magpasalamat at ayain ito sa isang date. “Thanks Babe, for not leaving me” malambing na wika ni Jacob at kinuha ang kamay ni Sandra tsaka ito hinalikan. “And also thank you for taking care of me when I got drunk” dugtong pa ni Jacob. Noon naman ay biglang nagtaka si Sandra kung ano ang sinasabi ni Jacob, kaya’t di na niya maiwasang magtanong dito. “When did I do that?” Inaantok na tanong nito, may tama narin kasi ito dala ng alak dahil medyo marami din ang nainom nito. “Don't deny it babe, I know you took care of me on the night of the party!” “I'm not denying it, I just don't know what you're talking about!” wika pang muli ni sandra.” “Don't you remember what you did to me that night? I like it more when you wear nothing but your necklace,” pang aasar pa ni Jacob. “Anyway where is it, why you’re not wearing it, it looks good on you babe?” Muling tanong ni Jacob. Hinahanap niya ang kwintas nito sa pag aakalang si Sandra nga may ari noon, ngunit paglingon niya dito ay mahimbing na pala itong natutulog. Buong akala ni Jacob ay ang babaeng nakasiping niya noong gabi ng party ay ang kanyang girlfriend na si Sandra, ngunit hindi niya alam ay kanya lamang itong imahenasyon dahil ang totoo ay si Cali ang kanyang kasama noon. KINABUKASAN ay hapon na nakabalik ng opisina si Jacob dahil may pinuntahan pa itong meeting, pagdating na pagdating nito ng opisina ay agad niyang inutusan si Cali na magtimpla ng kape. Natungo naman agad si Cali sa pantry at magtitimpla na sana ito ngunit naubusan na pala sila ng kape at wala narin palang stock. Mahigpit pa namang bilin ni Madam Lyn na wag na wag dapat mauubusan ng kape sa opisina dahil magagalit si Jacob, dahil cofee lover talaga ito at isa pa ay dapat pag sinabi nitong gusto niya ng kape ay agad mo itong bibigyan. Kaya’t ganun na lamang ang pagkabahala ni Cali, ngayon ay hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Ayaw niyang mapagalitan at masigawan na naman nito kaya bigla niyang naisip na meron nga palang malapit na starbucks doon sa opisina. Dali dali siyang bumaba upang bumili ng kape, natataranta at kinakabahan si Cali habang pinipindot ng paulit ulit ang button ng magkabilang elevator na parehas pang bumababa sa ground floor. Ilang minuto din ang inintay niya at sa wakas ay bumukas na ang elevator, bumungad sa kanya ang isang gwapo at matangkad na lalaki na nakasuot ng black suit at nakasuot din ito ng eye glasses na lalong mas nagpagwapo dito. Laking gulat naman ni Cali ng makilala kung sino ang lalaking iyon, walang iba kundi si Ace, nakita niyang may dala dala itong dalawang kape mula sa starbucks. Parang nagninging ang mga mata niya ng makita ang kape, nakaisip siya agad ng ideya at hindi pa man nakakapagsalita si Ace ay agad na niyang kinuha ng mabilis ang isang kape sa lalagyan nito. “Pasensya na sir, pero kailangan ko to" Wika ni Cali at nagmamadaling bumalik ng opisina ni Jacob, sa gulat ay hindi na nakapagsalita pa si Ace at napatawa na lamang ito sa itsura ni Cali na noon ay haggard na haggard na. Ang totoo ay bibisita talaga si Ace kay Jacob dahil merong siyang business proposal dito. Agad na pumasok si Cali sa opisina ni Jacob at dala dala na nito ang kape, agad niya iyong nilapag sa table ni Jacob "Ito na po ang kape niyo sir" Tinignan naman siya ni Jacob at napansin nitong hinihingal at pawis na pawis si Cali. Napansin din niya ang kape at napakunot ang noo niya ng makita na sa starbucks ito galing. “Starbucks? Nangaling ka pa sa labas?” Tanong ni Jacob kay Cali. Nanlaki naman ang mata ni Cali, nang ma-realize niya na wala parin talaga siyang ligtas kay Jacob, iniisip na niya agad ang ipapasa niyang resignation kinabukasan sa sobrang kaba niya. “Ah eh kasi sir-” hindi na natapos ni Cali ang kanyang sasabihin dahil nagsalita na si Jacob. “You can just tell me, you don’t need to go down just to get me some cofee.” malumanay na wika ni Jacob kay Cali. Nabigla naman si Cali sa kakaibang ugali na pinakita nito, tila ba ito ay isang maunawain at mapagpasensiyang tao. Handa na sana siya sa sermon at sigaw nito kaya’t para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib ng hindi ito magalit sa kanya at iba sa kanyang inaasahan. Ilang sandali lang ay sabay silang napatingin ni Jacob sa pinto ng bumukas ito at pumasok ang isang lalaki, bumungad sa kanila si Ace habang umiinom ito ng kape. “Hey whats up man!” Masiglang bati nito kay Jacob at sabay ngiti at kindat naman kay Cali. Prenteng umupo ito sa sofa ng opisina ni Jacob at naka-dekwatro pa. “What brings you here? Empty handed?” Pagbibiro naman ni Jacob kay Ace. Andun pa din si Cali at hindi ito makapaniwala na marunong din palang magbiro at tumawa itong si Jacob. “Well I supposed to bring you some coffee, but someone stole it from me on the way here!” Tumingin pa ito kay Cali na noon sana ay lalabas na ng pinto, napatigil ang babae ng marinig ang sinabi ni Ace at pinanlakihan niya ito ng mata kaya’t napatawa naman ng mahina ang lalaki ng makitang namumula si Cali. Tuluyan na ngang lumabas ng pinto ang babae. Noon lamang nag sink in sa isip niya ang ginawa niya kanina kay Ace, hiyang hiya siya dito dahil ito lang naman ay isang succesfull businessman and a doctor. Also, Ace is a board topnotcher and he came from a prominent family and lastly the new appointed CEO of Ferrer Corporation. Nalaman iyon ni Cali dahil hinananap niya ito sa google, hindi niya alam ay sikat pala ito sa business industry. Dahil bukod sa matalino ay may angking kagwapuhan din ito, lalo ng sikat na sikat ito sa mga kababaihan. May isang oras din siyang walang ginagawa at nakatulala lang sa kawalan dahil iniisip niya kung paano siya hihingi ng tawad kay Ace, sa pag iisip niya ng kung ano ano ay hindi niya namalayan na lumabas na pala ito mula sa opisina ni Jacob at nagulat na lamang siya ng magsalita ito. “You owe me a coffee, Miss..Cali” wika ni Ace na agad naman tinignan ito ni Cali na ngayon ay nakangisi sa kanya. “Sorry po talaga sir Ace, babayaran ko na lang kayo para dun sa kape” wika pa ni Cali at kinuha na nito ang kanyang wallet ngunit pagbukas niya nito ay mahinang napatawa si Ace, dahil singkwenta pesos na lamang pala ang laman ng wallet niya. Lalo tuloy nahiya si Cali sa eksenang iyon dahil ang lakas lakas pa ng loob niyang magbayad e wala na pala siyang pera sapat na lamang kasi iyon pamasahe pauwi sa kanila. “Uhmm...pwedeng Gcash nalang po?” Hiyang hiya na tanong ni Cali, napakagat labi na lamang si Cali sa kahihiyan. “It’s okay! Just give me your number and I'll text you when and where you can pay me! I'm just in a hurry right now!” wika pa ni Ace sa kanya. Kaya’t nagmadali naman niyang isulat ang kanyang cellphone number sa isang papel at binigay niya yon dito. “I'll call you!” Wika pa ni Ace at tsaka ito tuluyan ng lumabas ng opisina. Nakahinga naman ng maluwag sa Cali dahil sa wakas ay makakabawi na rin siya kay Ace sa kahihiyang kanyang ginawa ngunit ilang sandali pa lamang ang nakakalipas ay tumunog ang telepono sa kanyang tabi, alam na niya agad kung sino ang tumatawag, walang iba kundi ang kanyang boss na si Jacob at sinagot nga iyon ni Cali. “Hello sir?” Wika niya. “Can you come here! I just have to ask you something important.” Pagkababa niya ng telepono ay agad siyang nagtungo sa opisina ni Jacob at lumapit siya dito. “Yes sir? Ano po ang itatanong niyo sakin?” Magalang na tanong ni Cali. “Where did you get that necklace?” Tanong ni Jacob kay Cali, habang tinuturo nito ang kwintas na suot nito, dahil hindi na naman ito mapakali ng makita yun na suot ni Cali. “Ah ito po ba?” Pagkwa’y hinawakan ni Cali sa kwintas “Regalo po sa akin to nanay ko sir nung nag 18th birthday po ako” sagot naman ni Cali. “Are you that sure you didn’t stole it?” Pagaakusa naman ni Jacob, nanlaki ang mga mata ni Cali sa narinig mula kay Jacob. “Because my girlfriend has the same one! How can you afford a hundred thousand dollar necklace?” Pag uusisa pa ni Jacob! Hindi alam ni Cali kung saan ba siya mabibigla, sa pagbibintang ba ni Jacob o ang marinig ang presyo ng kwintas na kanyang suot suot. “Ano pong sinabi niyo sir? Ninakaw? Sobra naman po kayong magsalita, hindi ko nga alam na ganun ang halaga ng kwintas na ‘to kasi kung alam ko lang po baka sinangla ko na ‘to ng magkaroon ako ng maraming pera at hindi na ako nagtrabaho pa sa kompanyang to, at hindi ko na sana naging boss ang isang katulad niyong arogante, mayabang at mapangbintang sa kapwa! Mahirap lang kami sir pero hindi po ako magnanakaw.” Mahabang wika ni Cali na punong puno ng emosyon at galit sa lalaking kaharap niya ngayon. Hindi na niya hinintay pa ang sasabihin nito at tuluyan na siyang lumabas ng opisina at mabilisang inayos ang kanyang mga gamit at naluluhang umalis. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD