Chapter 6

1521 Words
Pagkatapos pagsalitaan si Cali ni Jacob ay naluluha itong lumabas sa opisina dahil hindi niya matanggap ang masasakit na sinabi nito sa kanya, tinalikuran na lamang niya ito at hindi na siya nagpaalam pa. Tanggap naman ni Cali na may pagkastrikto at masungit si Jacob ngunit hindi naman niya akalain na ito pala ay mapangmata rin sa kapwa dahil lamang suot niya ang isang kwintas na nagkakahahalaga pala ng malaking halaga, bagay na hindi naman niya alam dahil iyon ay regalo lamang ng kanyang ina sa kanya. Noon naman si Jacob ay hindi rin makapaniwala sa kanyang nga nabitawang salita kay Cali, nako-konsensya siya at alam niyang mali ang kanyang ginawa, nadala lamang kasi siya ng kanyang emosyon sa kagustuhan malaman kung bakit may ganoong kwintas rin si Cali. Hihingi na sana siya ng tawad dito at babawiin ang kanyang mga sinabi ngunit agad na itong lumabas ng pinto, hahabulin pa niya sana ito ngunit mas minabuti na muna niyang hayaan ito. Hindi niya sinasadya ang mga nasabi niya kay Cali, alam naman niyang hindi magagawa ni Cali ang nakawin ang kwintas na iyon. Hindi lamang niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit ganun na lamang ang kanyang nabitawang salita. Sa sobrang stress ni Jacob ay kinagabihan din ay nagtungo siya sa Bar, upang uminom at kalimutan muna pansamantala ang mga bagay na gumugulo sa kanyang isipan ngunit nakakailang lagok pa lamang siya ng alak ng may dalawang babae ang umupo malapit sa kanya, at nanlaki pa ang kanyang mga mata ng mamukhaan kung sino ang isang babae, walang iba kundi si Cali at ang kaibigan nya. Alam niyang kahit saang anggulo ay hindi siya makikilala nito dahil sinadya niyang ibahin ang kanyang itsura, upang malaya niyang magawa ang mga bagay na gusto niya. Nakasuot siya ng wig na blonde at ibang iba ito sa hairstyle niya, dahil may bangs ito, nakasuot din siya ng eye glasses, ibang iba din ang kanyang porma ngayon, hindi maiisip nino man na isa siyang CEO ng isang kompanya dahil noon ay para lamang siyang pangkaraniwan. Paminsan minsan ay sumusulyap si Jacob kay Cali, na ngayon ay umiinom lamang ng juice kasama ang kaibigan nito, mga ilang sandali pa ay hindi niya sinasadyang makinig ang usapan ng dalawang babae na halos ay kalapit niya lamang. “Alam mo hindi ka malalasing sa juice lang!” Wika ng babaeng kasama ni Cali. “Minsan kana nga lang sumama sakin dito tas di ka pa iinom.” Dugtong pa nito. “Alam mo namang hindi ako umiinom! Gusto ko lang ng maingay, masigla at masaya katulad dito, enjoy lang ganun. Gusto ko lang malimutan ang nangyari kanina,” sabay hawak ni Cali sa kwintas niya. “Ano nanaman ba ang ginawa sa ‘yo ng bago mong boss? Ha?” Pag uusisa pa ng kanyang kaibigan. Hindi rin kasi lingid dito ang mga pagsusungit sa kanya ni Jacob dahil nakwkwento niya iyon. Mas lalo namang ginanahang makinig si Jacob sa kwentuhan ng dalawa ng marinig nito ang salitang Boss, nag iintay siya ng sasabihin ni Cali dahil gusto rin niyang malaman ang saloobin nito. “Di ko lang kasi matanggap ang mga sinabi niya sakin kanina, basta! Ayoko ng alalahanin kaya nga ako andito diba para makalimot ano! Ayoko ng alalahanin.” Wika pa ni Cali. Noon naman ay nakaramdam muli ng pagkakonsensiya si Jacob ng marinig ang sinabi ng dalaga, alam niyang nasaktan niya si Cali at kahit pa humingi pa siya ng tawad dito ay hindi na nun mabubura pa sa isipan ni Cali ang kanyang mga sinabi. “Alam mo iwan mo na yang boss mo na yan, magresign ka na sa kanya!” Mataray na wika ng kanyang kaibigan na noon ay tila naiinis na din kay Jacob kahit di pa man niya alam ang buong pangyayari. “Siguro nga yan ang dapat kong gawin” malungkot na sagot ni Cali Noon naman ay nagpantig ang tenga ni Jacob ng marining na sumangayon si Cali sa suhestiyon ng kanyang kaibigan na magresign. “HINDDI!!!” mariing wika ni Jacob, kasabay pa nun ang pagpalo niya sa mesa. Hindi niya namalayan na nasabi niya pala ang bagay na kanyang nasa isip lamang. Natauhan lamang siya ng mapansin niyang nagtinginan sa kanya ang mga taong nasa kalapit niya pati narin si Cali ay napatingin sa kanya ng dahil sa gulat. Nahihiyang tumayo si Jacob at sinuot ang kanyang sombrero at umalis na sa kinauupuan, naiwan ang mga tao sa paligid na nagtataka sa nangyari sa kanya. Na isipan na sana ni Jacob ang umuwi ngunit paglabas ni Jacob ay hindi sinasadyang nabangga siya ng isang babae at nataponan siya nito ng iniinom na alak sa braso. Humingi naman ng pasensya ang babae. Gusto na sana nya itong sigawan at pagalitan ngunit naisip niyang nasa ibang katauhan nga pala siya ngayon, naisip niyang hindi bagay sa karakter niya ngayon ang magalit. Agad siyang nagtungo sa CR at naghugas ng kamay, paglabas niya doon ay biglang lumabas din si Cali sa katapat na CR at nagkatinginan pa sila, ngunit naunang umiwas ng tingin si Cali at naglakad na palayo. Iniisip ni Cali na isang weird ang lalaking iyon dahil bigla bigla na lamang itong sumisigaw kanina. Natatandaan niya ito dahil sa blonde nitong buhok. Nakasunod si Jacob kay Cali sa paglalakad, nang biglang tumunog ang fire alarm. Nagkagulo ang mga tao at nagtakbuhan ito palabas, makikitakbo na rin sana si Cali, ngunit hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang humakbang at napatulala na lamang siya dahil may mga kaunting ala alang bumabalik sa kanyang isipan. Hindi na niya namalayan na nababangga na siya ng mga tao hanggang sa tuluyan na nga siyang napaupo, at doon ay sumaklolo na sa kanya ang isang lalaki at itinayo siya nito. "Halika na" wika ng lalaki at doon inakay siya nito papunta sa fire exit. Tuluyan naman silang nakalabas ng Bar at doon lamang natauhan muli si Cali. “Okay ka lang ba miss?” Tanong ng lalaki na halatang nag aalala kay Cali. “Oo, okay lang ako, Salamat ha! Hindi ko na alam ang gagawin kanina kung hindi mo ako tinulungan.” Wika pa ni Cali sa lalaki nang marealize niya na ito pala ung weird na lalaki kanina. “Walang anuman, sa susunod mag iingat ka” maikling sagot ng lalaki. “Ano nga palang pangalan mo?” Tanong naman ni Cali. "Leo" sagot ng lalaki at tuluyan na itong tumalikod at naglakad papalayo. Walang kaalam alam si Cali na ang lalaking nagligtas at tumulong sa kanya ay walang iba kundi si Jacob KINABUKASAN ay dumating si Jacob sa opisina at walang Cali na bumungad at masayang bumabati sa kanya. Nabahala si Jacob ng maalala na nais na nga pala nitong magresign, base sa kanyang narinig kagabi. Hindi siya mapakali at agad niya itong tinawagan. Mabuti na lamang at nahanap niya ang numero nito sa resume na pinasa nito sa email niya. Nakailang ring din ang telepono bago may sumagot, at doon niya narinig ang malumanay na boses ng isang babae. “Why are you not here?” Malumanay na tanong ni Jacob. Nanlaki naman ang mga mata noon ni Cali ng marinig kung kaninong boses iyon, alam niyang si Jacob yun sa tono pa lamang ng pananalita. Hindi niya alam kung bakit ito tumatawag ganoong nagsend naman siya dito ng mensahe na hindi siya makakapasok dahil sa totoo lang ay masama ang kanyang pakiramdam. “Pasensya na sir masama po kasi-” “It’s okay, you can come tomorrow!” wika pa ni Jacob na hindi na pinatapos ang sasabihin ni Cali, binaba narin nito ang telepono. Nang malaman ni Cali na binaba na ni Jacob ang telepono ay agad niyang chineck ang message niya dito, at doon ay napatapik na lamang siya sa kanyang noo ng makita na hindi ito nagsend dahil wala nga pala siyang load. Ilang sandali pa ay tumunog ulit ang kanyang cellphone at tumatawag muli ang numeron kanina. Agad naman niya yung sinagot, hindi pa man siya nakakaimik ay nagsalita na ang nasa kabilang linya. "I'm sorry" maikling wika ng lalaki sa kabilang linya at binaba na agad nito ang telepono, nagulat naman si Cali ng marinig yun mula kay Jacob, hindi niya akalain na hihingi ito ng tawad sa kanya. Noon naman si Jacob ay hindi mapakali pagkababa niya ng telepono, hindi kasi siya sanay na humingi ng tawad kahit kanino dahil para sa kanya ay isa iyong kahinaan. Itinatak sa kanyang isipin ng yumao niyang ama na sa oras na siya nagpakumbaba at nagpakita ng kahinaan ay dun magsisimula ang kanyang pagbagsak. Ang Totoo ay isa talagang mabuting bata si Jacob! Ngunit ng mamatay ang ama niya sa isang ambush ay simula noon sya na ang nagtaguyod ng naiwang kompanya ng kanyang ama at nagpakatatag para sa kanilang dalawa ng kanyang ina. Simula noon ay wala na siyang panahon mag enjoy dahil puro trabaho na lamang ang kanyang iniisip. Kaya’t paminsan minsan ay naiisipan niyang mag disguise at bumalik sa dating siya, na kung saan ay malaya at walang ibang iniisip kundi ang mag enjoy lamang sa buhay. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD